"Gurang! Asan na yung baunan ko?!"
Hays. Eto na naman ang abnormal kong kapatid. -______-
"Nanjan po Kuya sa may vase." Sigaw ko sa kanya.
"Salamat. Love you!" Sigaw nya. Teka, what?! Nag- I love you sya?! Owwss. Di nga?
"Huh?! Ano yun?" Pangiinis ko sa kanya.
"Tsss.. Wala." At lumakad na sya palabas ng bahay.
Ayun. Iniwan na nya ako. Mag-isa lang tuloy akong maglalakad papuntang school. Huhubels. Ang saaaad naman. T_______T Kesa lumutin pa ako sa kinatatayuan ko, nagsimula na rin akong maglakad.
Peeeeeeeeeeeeep!!!
Walanjo. Ang OA naman kung makabusina ng mga sasakyan sa panahon ngayon. Tssk! Parang bingi yung mga tao eh. Nakakadagdag pa sila sa polusyon.
Peeeeeeeeeeeeeep!!!!
"Ano ba?! Bingi ka ba or sadyang bingi ka lang?!" Sigaw nung taong naka-shades na pormang-porma sa attire. Hindi ko masyadong makita at makilala kung sino.
"Wow! Kuya huh?! At ako pa talaga. Eh alam mo naman palang may tao, tapos dito ka pa dadaan? Asan utak mo? Nasa paa?! My gosh kuya. Tsaka hindi naman gaanong kainitan, makapag-shades ka wagas!" Pagsinghal ko sa kanya.
Ayun. Tameme si Kuya.
Maglalakad na ulit ako ng biglang may humawak sa braso ko. At paglingon ko sa likod, si Kuyang naka-shades ang may hawak. Damn it! Teleportation?!?
"Hindi mo ba ako kilala?" Tanong nya.
"Ayy! Booby-bird! Sa tingin mo kuya kilala kita?! Peymus ka ba sa palagay mo? Tssk! Dika nga kilala ng lola ko. Tapos nage-expect ka na kilala kita. Jan ka na nga! Late na ako."
Imbyerna ah! Pigilan nyo ako. Mahahampas ko yan ng wala sa oras. Hinila ko ng malakas yung braso ko para makawala dun. Nagsimula na ulit akong maglakad.
"Good Morning!" Bati saken nung guard na feeling bagets.
"Good Morning Manong!" Bati ko rin sa kanya.
Pagpasok ko, halos lahat sila nakatingin saken. Particularly yung mga babae.
"Uhhmm. May dumi ba ako sa mukha? Tama naman ang na pasukan kong classroom diba?" Sabi ko sa kanila.
Mas tumalim pa yung titig nila saken. Anyare?! Hindi ko na lang sila pinansin at pumunta na ako sa upuan ko.
"Pssst! Anyare?" Tanong ko dun sa katapat kong nerd. Sya lang naman kasi ang nakakausap ko dito.
"Lilipat daw dito si Kim Mirabelez. At sya ang magiging kalapit mo."
*Eeeenggg!! Bogsh!!*
(A/n: sound effects yan kapag nagiging starstruck at excited ka. Hahaha pasensya. Walang budget sa sound effects si Author. XD)Napatulala na lamang ako sa sinabi nung nerd. Si Kim Mirabelez, magiging kaklase ko na....
Katabi ko pa.
Mahal talaga ako ni Lord. Ang swerte ko.
Nakatulala na lamang ako sa desk ko at nagsimula na ulit mag-pantasya.
"Good morning class."
Nagising ang diwa ko sa nagsalita. Si Mrs. Cruz pala. Terror teacher pagdating sa Math. Tumayo kami at sabay sabay bumati.
"Ok. Listen. You all know that there will be a new student in your class right?" Tumango kami sa sinabi ni Mam tapos sumenyas sya na pumasok na.
Ang angas ng dating nya. Shet. Dagdag pogi points pa yung pag-suot nya ng Ray Ban na shades... Wait..
BINABASA MO ANG
He's the BOSS I'm his SLAVE
Teen FictionSikat sya sa school, ordinaryong estudyante lang ako. Mayaman sya, may kaya lang ako. Gwapo sya at maganda naman ako. May chance pa kayang mapansin nya ako? Magkatotoo pa kaya ang lovestory'ng pinapangarap ko?!