V:

46 4 0
                                    

KIN'S POV

Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa kusina.

"Ma! Akin na lang tong cookies ha." Sabay dampot nung nasa platito.

"Ibaba mo yan, di yan para sayo. Pupunta daw dito yung mga kagrupo ni King at may project yata sila. Oh," sabay abot saken ng bente. "Pambili mong pagkain." Kuripot e.

"Bente? Anong mararating ng bente ko?"

"Cornetto. HAHAHAHA!"

-.-! ---------> expression ko. Baliw ata ang nanay ko. Di man lang ba yun pansin ng tatay ko? :3

Kinuha ko yung wallet ko at pumuntang 7/11. After kong bumili, dumiretso akong plaza. Total wala naman akong gagawin. Pinanuod kong maglaro yung mga batang nagso-soccer, at napangiti ako. Nakakamiss yung mga panahong ganyan. Yung maglalaro ka lang. Yung wala kang pakialam sa itsura mo. Easy easy lang ang buhay kumbaga. Eh ngayong high school, tadtad ng projects, requirements kinemper chenelin. Hays. Ka-stress. In short.

"CORNETTOOOO! TABIIIIIII!" Napalingon ako sa sumigaw.

*Bogsh*

Then everything went black.

~•~

Nagising ako ng may dumamping malamig sa may noo ko. Icepack pala. Pinapagkumpulan ako ng dalwang teenagers na kasing edad ko lang din ata.

"Oy, gising na sya." Sabi nung medyo chubby na may hawak na lollipop. Sinuri ko ang palagid at nandito pa din ako sa plaza.

"Ayos ka na po ba?" Tanong naman nung cute na babaeng medyo makapal ang salamin.

Biglang may dumating na babaeng dala dala ang dalwang Cornetto. Singkit, petite, may mahabang buhok, mukhang koreana at napaka-ganda. Inggit me. T____T nagsipag-alisan yung dalwang babae hanggang sa sya na lang ang natira.

"Buti naman po at gising ka na. Ayos ka na po ba? S-sorry po. Ako yung nakatama ng bola sayo." Napayuko sya at gumagawa sya ng silly hand gestures. Sign na kinakabahan sya.

Umayos ako ng upo at inalis yung icepack sa noo ko. "Ayos lang ako. Wag kang magalala. Apology accepted na." Nakangiti kong sabi. Kinatuwa nya yun at niyakap ako. Woah.

"Talaga? Sorry talaga ha. I'm Akie Lee nga pala. Ang Half-korean'g baliw." Masigla nyang sabi at nilend ang kamay saken.

Tinaggap ko yun at "Hi. I'm Kin Mhariz Clemente. Ang Filipina'ng Madaldal." Nagtawanan kaming dalwa dun.

I have a new friend.

"Kanina pa toh tumakbo sa isip ko e." Panimula ko. "Kasama mo ba yung dalwang babae?" Pasensya. Curious lang :P

Ngumiti sya. "Hehe. Di ko po yun kasama. Nakiusap lang akong bantayan ka kasi bibili akong Cornetto. Eto oh." Sabay abot saken nung ice cream. Agad ko yung kinuha. Pagkain to dude! "Nalaglag kas yung Cornetto mo kanina nung natamaan ka ng bola."

Tinawanan nya ako.

~•~

"Bye Kin! Dun pa sa kabilang block ang bahay ko. Dalaw ka minsan ha?" Tuwang sabi ni Akie. Kinawayan ko na sya at pumasok sa loob.

Napangiti ako. Ng dahil sa cornetto, natamaan ako ng bolang pam-basketball. Nyemas. Ang sakit nun ha! Kababaeng tao ni Akie, naglalaro ng ganun. At dahil din sa cornetto, nagkaroon ako ng bagong kaibigan. Magandang kaibigan. Hahaha. Makabisita nga minsan.

He's the BOSS I'm his SLAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon