Chapter 26 (PLTS)

27 10 0
                                    

CHAPTER TWENTY SIX...

RP's POV...

Tawa lang kami ng Tawa nila Crystal at Gabriel pero kanina ko pa talaga napapansin na peke yung tawa ni Alexandra. Parang may tinatago siya sa amin. Sa tuwing gagawa ng Da moves si Gabriel kay Crystal ay nakikita ko ang kilay niyang tumataas. Parang galit na galit siyang nakikitang masaya sina Gabriel at Crystal tsaka yung face niya plastic na plastic.

Parang nagiba na yung kilala kong Alexandra. Dati rati naman suportang suporta siya na magkatuluyan yung dalawa tapos ngayon parang galit na galit siya kapag sweet sila. Maimbestigahan nga tong Alexandra na toh. Aalamin ko ang pagkatao niya at kung bakit nagiba na yung ugali niya. Alalamin ko rin kung may lihim siyang pagtingin kay Gabriel.

Bukas na bukas rin ay maguumpisa na akong magimbistiga sa buong pagkatao ni Alexandra Fae Suarez.

.  .  .  .

Pagpasok ko ng GAU ay agad agad akong pumunta sa room nila Crystal pagbangon ko kasi kanina ay naalala ko yung panaginip ko kagabi tungkol sa nangyari kahapon. Yung pagiging maldita ni Alexandra kay Crystal kaya sabi ko sa sarili ko na mula sa araw na ito ay magiimbistiga na ako tungkol sa malamisteryong pagkatao ni Alexandra.

Habang naglalakad ako sa may corridor ay may nahagip ang mata ko, isang grupong naguusap at kung hindi ako nagkakamali ay grupo nila Margoux ang nakita ko. Dahil sa gumana ang pagiging tsismakers ko ay nagtago ako sa may pader. Magandang Baklang Spy muna ang ganap ko ngayong araw. Dahil sa hindi ko pa naririnig yung usapan nila dito sa pwesto ko ay humakbang muna ako ng konti pero dahil kabayo ang hakbang ko medyo malayo na rin. Nang mareach ko na yung perfect pwesto ko ay agad kong binuksan yung dalawa kong tainga para marinig ko ang mga binabalak nila Margoux.

"Mamayang lunch ay alam niyo na yung gagawin niyo basta gawin niyo ang lahat para makuha yung kailangan kong Video. Alam niyo naman ako busy kailangan ko pang magbago ng anyo para mamaya ka--"

"PLAK!" dahil may halo akong katangahan ay nalaglag ko yung libro ko at sigurado akong narinig nila yun dahil napahinto sa pagsasalita si Margoux at napansin ko rin na papalakad sila sa kinaroroonan ko. Nakakakaba pero pinagana ko ang utak ko hindi pusong kabado.

"Sino yan?" narinig ko yung boses nung isa nilang kamiyembro mula dito sa isang vacant room na pinagtataguan ko. Hindi sila tumigil kakasigaw pero hindi nila ako kilala hindi rin ako nagpatinag at hindi ako lumabas. As in para kaming tom and jerry kung itututring ang laro namin. Alam ko naman kasi kapag nahuli ako nila Margoux ay ilalampaso niya lang ang magandang beauty ko kay aagapan ko na ayaw kong magasgasan ang mukha ko sabi nga ni Doctora Vicky Belo " Belo only touch your skin" kaya walang pwedeng dumungis ng balat ko.

Mga ilang minuto ding naghanap sina Margoux at dahil may dugo akong Dora ay hindi nila ako nahanap kaya ng maramdaman ko na wala ng paang yumayapak ay naggalaw pusa agad akong lumabas at tumakbo sa opposite direksyion kung saan sila gumora.

Habang naglalakad ako ay paulit ulit na nagfaflaschback sa akin yung sinabi ni margoux na kailangan daw makuha ng mga kagrupo niya yung video? para saan naman kaya yun? tsaka ano kaya yung sinabi niya na kailangan niyang magbagong anyo, ano siya shokoy? dala dalawa ang pagkatao? Hayy! siguro dito ang umpisa ng pagiimbistiga ko. Masyado tuloy naging exciting yung hobby ko ngayon at ito ang misyon na kailangang one hundred percent na masosolved ko. Kailangan din na hindi ako papalya dito kungdi walang patutunguhan ang beauty ko. Nasa kawalan pa ang pagiisip ko ay hindi ko namalayan na lumagpas na pala ako ng room nila Crystal.

Mula sa pagsilip ko sa bintana ng room nila Crystal ay nagulat ako sa nakita ko hindi ko akalain na nagagawa nila Crystal yun. Yung Psycris Kiss na sinasabi niya ay nagagawa nila pati sa Room? si Crystal ba talaga yung nakikita ko. Ewan ko kung bakit o namamalikmata lang ako pero yun yung nakita ko. Kaya agad akong pumasok sa room nila alam ko napansin na ako nila Crystal at Gabriel kasi napatayo sila sa kinauupuan nila. 

"Oh Bruha naparito ka ata?" bungad na katanungan sa akin ni Crystal. Hindi ko inintindi yung tanong niya kungdi nashock nanaman ako sa nakita ko. Hanggang sa harap ko ay magkaholding hands sila.

"Hi Baks" bati sa akin ni Gabriel na nasa tagiliran ni Crystal at abot langit ang ngiti. Dahil sa naguguluhan ako sa nangyayari ay hindi ko siya sinagot at pati si Crystal.

"Tara Bruha Bilis, ikaw Bitawan mo siya" hinampas kop yung kamay ni Gabriel at hinila ko ng malakas si Crystal at nakuha ko naman siya. May mga katanungan lang kasi akong kailangang iklaro kay Crystal. Pumunta kami ni Crystal sa likod ng school sa may field para walang makarinig ng paguusapan namin.

"Bruha bakit ba?" tanong niya sa akin at kumalas siya sa pagkakahawak sa kamy ko.

"Sabihin mo nga sa akin, ano yung nakita ko kanina huh? ano yun hanggang sa room nagagawa niyo yung ganoon?" direktang tanong ko sa kanya as in tumaas yung tono ko ng mga oras na iyon parang hindi na kaibigan ang pakikitungo ko sa kanya.

"Oo, lahat ng iyon tama bakit ba ano bang problema mo doon? di ba gusto mo namainlove ako para matunaw yung tigang kong puso tapos heto na nagmamahal na ako, ano pa ba ang kailangan mo huh?" napanganga ako sa sinagot sa akin ni Crystal. Kasi yung tono ng pagsasalita niya ay sobrang taas at mukhang galit na galit siya sa akin.

"oo, gusto ko na magkaroon ka ng kaligayahan pero hindi ko ginusto na maging ganoon ka kalandi at tsaka a-" 

"Ahhh" sinampal ako ni crystal kaya naputol ang pagsasalita ko pero hindi na ako umimik pa kasi alam ko naman na kasalanan ko ang lahat. Nasabihan ko kasi siya ng masakit na salita. Nagpadala kasi ako sa emosyon ko kaya nangyari yun.

"Ako lumalandi? kung sabihin ko kaya saiyo na kung ako na ang meaning ng malandi saiyo eh ano na ang itatawag ko saiyo malanding maharot? tsaka sasabihin ko saiyo na masaya ako sa ginagawa ko at isa pa inggit ka lang kasi sa akin nagkakandarapa ang mgha lalaki eh saiyo kailangan mo pang ng puspusang dasalan para lang may pumatol saiyo isa ka kasing Bakla. Baklang Basura!" tinulak ako ni Crystal kay napaupo ako sa may damuhan. Sa mga sinasabi niya sa akin ay ganoon din karami yung luhang pumapatak sa baba. Hindi ko kasi maexpect na masasabi ni Crystal yun. Lalo pa akong napaluha ng sabihin niya ng madiin yung salitang Baklang Basura, napaisip tuloy ako, siguro tama siya isa lang akong baklang basura na mahilig makialam. Masyado kasi akong nagpadala sa pagiging concern friends. Ang mala sangay na puno na pagsasamahan namin ni crystal ay parang nabali ng isang ihip ng hangin pero sobrang sakit pala kapag nangyari yun.

"Oo, bakla ako, baklang basura kung ituring mo sa akin ay ayos lang pero ito lang ang maipapangako ng isang basura, nandito lang ako sa panahon na iiyak ka, sa panahon ng kailangan mo ng kausap dahil lang sa pag-ibig na ya. Crystal nandito lang ang Bruhang nakilala mo at patuloy na nagmamahal na kaibigan." tumayo ako at humarap kay Crystal. Huminto siya sa paglalakad ng marinig niyang nagsalita pa ako. Ewan ko kung bakit pero hindi komapigilang lumuha. Nafeel ko kasi na nagbago na ng husto si Crystal at hindi na siya yung Bruhang nakilala ko na ayaw sa mga lalaki. ayaw magpahawak kahit kanino at siya lang yung babaeng nagpapaluhod sa lahat ng lalaki dito sa GAU.

Pinunasan ko ang luha ko at pupunta na lang ako sa room ko at mag-aaral. Hindi na ako nagpaemote emote kasi alam ko naman na kasalan ko ang lahat. Masyaso kasi akong pakialamera. 

"Oh RP umiiyak ka ba huh?" habang busy ako sa pagreretouch ng mata ko ay may humarang sa dinadaana ko at nakita ko yung babaeng iniimbistigahan ko. Si Alexandra, pero may pumukaw ng pansin ko yung suot niya  kwintas. 

"Ahh, hindi napuwing lang ako, sige sige bye" niyakap ko si Alexandra at tumakbo paalis. Kaya ko siya niyakap pa ay dahil kinuha ko yung kwintas. Nilapat ko muna yung kwintas sa batok niya para hindi niya madama na hinigit ko ang kwintas. Isa kasi itong malaking ebidensiya na magpapatunay sa mga tanong na pilit na umiikot sa utak ko. Ito na ang tiyak na susi sa mala misteryong pagkatao ni Alexandra.


FOLLOW ME!

Please don't forget to VOTE and Comment lang po.. Thanks po sa lahat ng nakabasa na!!

Psycris Love (PLTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon