Chapter 15 (PLTS)

33 25 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN

DENVER CHOI 'S POV...

"Hala!! patay!! lalo atang mababadTrip si Gabriel nito ehh" bigla kung nakagat yung daliri ko ng makita ko si Dre Jayson na kasama yung Crystal na magiging Girlfriend na ni Dre Gabriel. Hindi kaya sila na o baka naman naguusap lang?? Kaya naman pala hindi siya pumasok kanina kasi dahil kay Dre Jayson. Lagot! ang kinabuhi, malaking gulo to kapag nakita pa ni Dre Gabriel.

May naisip akong paraan. Paraan na talaga namang magiging solusyon sa problemang ito. Bakit pa kasi ang anga anga ng tadhana ehh. Wala pa ngang sila tapos yan ang agad ang senaryo. BAE. Break Ang Ending. Nilapitan ko si Dre Gabriel para sa plano ko.

 "Hi Dre! " bungad kong tanong kay gabriel habang humarang sa dinadaanan niya. Siyempre para saan pa yung plano ko kung makikita lang naman niya si Crystal di ba?

"Oh! anong nangyare saiyo bakit nagHi ka? kasama palang kita sa kotse ahhh, parang nalate lang ako ng 2 mninutes ganyan ka na?" 

"May importante akong aaminin sainyo" malungkot kong sabi sa kanila para narin magtaka sila at makuha ko ang atensyon nila.

"Ano DRE aamin ka na ba?" sabi ng pounder namin na si Mark na tila may alam ata sa buo kong pagkatao. 

"Weh?? DRE Bakla ka?" gatong naman ni Vincent habang hawak hawak ang libro ng kasaysayan. Kaya lagi yang top one in class ehh lagi pang nananalo sa mga contests. MalaEinstein kasi ang utak niya eh.

"UMAMIN KA?!!" galit na sabi sa akin ni Gabriel habang hawak hawak ang kwelyo ng Uniform ko at halatang umuusok ang ilong sa sobrang galit. "ANG TAGAL NA NATING MAGKAKASAMA NGAYON KA LANG MAGTATAPAT, ILANG BESES na TAYONG NAGKAKASAMA MATULOG TAPOS NGAYON KA LANG AAMIN?" galit na galit na banat sa akin ni Gabriel at nakaabang na yung namumula niyang kamao para sapakin ako.

"Hindi mga DRE, hindi ako bakla katulad ng mga nasa madudumi niyong utak, tara punta na tayo sa Doctor" pagbibitin ko sa gusto kong sabihin o ang plano ko.

"Wait,, don't tell me hindi ka pa tuli?" tanong sa akin ni Mark habang binitawan na ako ni Gabriel sa pagkakawak niya sa kwelyo ng uniform ko.

"Hahahaha" tumawa silang lahat sa sinabi ni Mark, siyempre kasunod ng plano ko. Nagtampo ako at sumakay sa kotse at pinaandar ito. Alam ko kasi mula pa nung nabuo ang Da Gwapings ay hindi marunong lumakad ng malayuan sila kaya pahahabulin ko sila ngayon.

"Hoyy!! DRE walang ganyanan " narinig ko yung boses ni Vincent. Nakikita ko yung reaksiyon nila sa side mirror ng kotse habang si Gabriel nagdadalawang isip o may nagalalaro sa utak niya pero sa dulo nagsitakbuhan ang lahat. Nang alam kong malapit na ako tsaka ko lang hininto ang kotse para pasakayin sila.

"Ano bang problema mo huh?"  tannong sa akin ni Mark na hinihingal pa sa pagkakatakbo

"Kayo naman kasi kung ano ano ang pinagsasabi niyo tungkol sa akin, pupunta tayo ng doctor kasi nagtext  sa akin yung EX ko nandoon daw siya sa Hospital " pagpapaliwanag ko

"Oh tapos?" singit ni gabriel habang umiinom ng tubig panawid uhaw.

"Pupuntahan ko, siyempre ilang years din kami nun, kahit papaano may kaluluwa pa naman akong tsaka kinakalabit din ako ng konsensya ko." sa wakas naitawid ko rin ang problemang ito. Actually totoo yung dinahilan ko, kahapo pa nga nasa hospital yung EX ko kaso nandoon pa rin naman siya ngayon ay sinulit ko na lang pagkakataon.

"Bilisan mo na magDrive para makauwi na rin kami at ng makasama mo yang EX mo, akala ko pa naman kung ano ang ipagtatapat mo" binatukan ako ni Mark. Naging tahimik na ang lahat pero isa lang ang napapansin ko, nakatulala pa rin si Gabriel mula sa kawalan siguro iniisip niya pa rin si Crystal.

CRYSTAL's POV...

"Ahh,, Ganoon pala ang nangyari" yan lang ang nasabi ko sa mga kinuwento sa akin ni Jayson na siya naman ikinagalit ko ng husto. Hindi ko ipinakita sa kanya na galit ako kasi alam ko na sasabihin niya yun kay gabriel.

"Oh sige gabi na rin uwi na tayo, basta ang lahat ng sinabi ko saiyo ay totoo pinaalalahanan lang kita about sa pinagusapan nila pero sana wag mong kalimutan na iText mo ako kapag may  kailangan ka" paalala sa akin ni Jayson

Umuwi na kami ni Jayson, hinatid niya ako sa bahay namin. Tutal busog na ako ay dumiretso na ako sa kwarto ko para isipin ang mga pangyayaring  naganap ngayong araw.

Sa dinami dami ng mga nangyari ngayong araw ay isa lang ang nasaisip ko at natabunan ang paghalik sa akin ng Bugok na yun. Ito ay yung makasama ko si Jayson. Nagbago ang ihip ng hangin ng makasama ko siya feeling ko ang gaan gaan ng buhay ko kapag kapiling ko siya. Simpleng tao lang siya pero kapag nakasama mo siya ay iba. Iba ang naramdaman ko ng mga oras na yun. Yung pakiramdam na inlove na ako sa kanya.

Hindi! hindi pwedeng mangyari yun. Crush na crush pa naman ni RP si Jayson tapos aagawan ko ang Bruha kong kaibigan. May ugali kasi si Jayson nahahanap hanapin mo talaga hindi katulad nung Bugok na yung na inagaw ang virginity ng LIPS ko. Na kay  Jayson na siguro ang Gentleman na ugali ng isang tao. Yung papatawanin ka niya, magiisip siya ng mga joke para patawanin ka. Yung irerespeto ka niya sa kung ano ka. Hayyy! Jayson ano nga ba talaga ang role mo sa buhay ko bakit nagfaflash ka ngayon sa utak ko.

Hala! Lumalandi na kaya ang puyso ko? hindi toh pwede mananatili ang puso ko na matigas at hindi magiging malambot kahit sino pang lalaki ang makasalamuha ko.

Habang iniisip ko ang mga pinagusapan namin ni Jayson ay nawala sa isip ko ang mga paalala niya. Bakit pa kasi niya sinabi yun nakakawalang gana tuloy. Hayyy! basta sa kalagayan ko ngayon isa lang ang ang masasabi ko sa Day experienced ko. Masayang kasama si JAyson period.

Wait, magsusulat na ako ngayon sa aking Manhater Book. Kinuha ko ang Manhater Book ko. Ito kasi yung book ko or special book na kung saan lahat ng mga importanteng pangyayayring nangyari sa aking buhay mapamasama man o mabuti ay isinusulat ko. Lahat as in pero minsan kapag nahahawakan ko ang book na ito naalala ko ang pagkamatay ni Mommy. Dito ko kasi isinulat yung mga bilin niya bago siya mawala dito rin yung mga salitang pinanghahawakan ko sa kasalukuyan.

"Don't call me yours if you're flirting with someone else." yan ang sentence na lumabas sa utak ko. Ewan ko kung bakit pero napagisip isip ko na totoo ang mga sinabi sa akin ni Jayson. Feeling kasi ni Bugok sa kanya na ako pero nung malaman ko ang buo niyang pagkatao hayyy naku! makakapatay ata ako ng wala sa oras.

Kringg....

 Kringg....

 Habang pinapaliwanag ko ang sinusulat ko sa Manhater book ko ay biglang nagRing ang phone ko. Akala ko may tawag or Call ako text lang pala. Kinuha ko yung phone ko kasi nakakacurious naman maghahating gabi na pero may nagtetext pa rin sa akin. Binasa ko yung Text Message at ito ang nakasulat. "Lagot Ka May Kasama Kang IBA" 

Nang mabasa ko ang message ay bigla kong nabitawan yung phone ko at nalaglag ito sa kama. Nagulat kasi ako sa nabasa ko. Hindi ko rin alam kung sino ang nagtext. Tsaka bakit nakaCaps Lock ang  word na "IBA". Hindi kaya may nakakakita sa amin ni Jayson sa 7 Eleven? Ang dami kong tanong sa utak ko mga tanong na nakakapangilabot. Baka kasi malaman ito ni Bugok at kung ano nanaman ang gawin sa akin nun. Waiitt?? bakit nga ba ako kinakabahan eh walang namang Kami tsaka ano ko ba siya? ni hindi nga siya naging parte ng buhay ko ehh, tsaka yung Kiss? nakuh walang ibig sabihin yun.

Habang nakahiga ako ngayon sa kama ko ay iniisip ko kung sino ang maaring magtext sa akin nun. Unang pumasok sa utak ko ay si RP pero ng mga oras naman na nakukwentuhan kami ni Jayson ay wala naman doon si RP. Ang pangalawang nasa utak ko ay si Bugok. Kasi galit yun hindi kasi ako pumasok ng last Class ko pero bakit pa niya sasabihin na Lagot Ka? pwede naman Lagot Ka Sa Akin? Hayyy!! nagugulo na ang utak ko kakaisip kung sino ba talaga yung nagtext sa akin.

Kinuha ko ulit ang Manhater Book ko at hinabol kong isinulat ang Misteryong Text Message siyempre isinulat ko din yung message ang number nung nagsend sa akin. Matapos nito ay natulog na ako hindi na kasi kaya ng utak ko ang mga nagyayari sa buhay ko simula nung dumating ang Da Gwapings na yan lalo na yung Bugok na yun. Wish ko sana maganda ang araw ko bukas mwish me luck.

 FOLLOW ME!

Please don't forget to VOTE and Comment lang po.. Thanks po sa lahat ng nakabasa na!!

Psycris Love (PLTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon