Chapter 17 (PLTS)

27 25 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

"Princesssssssss"  

"PO!" bigla akong napatayo sa higaan ko ng marinig ko ang sigaw ni Auntie na parang sirena ng bumbero sa sobrang lakas. Parang mali ata ang pagbangon ko kasi parang kumikirot ang mga buto ko as in kirot talaga sa buto mahirap paniwalaan pero ito talaga ang nararamdaman ko ehh.

Bumalik ako sa pagkakahiga ko at bigla kong napansin ang manhater book na binasa ko kagabi o pinagpuyatan kong binasa kagabi. Nakalimutan ko pa lang itago siguro sa sobrang antok ko na kagabi hindi ko na naibalik sa tamang lagayan nito. Wait! aakyat yun si Nanay Nilda sa kwarto ko tiyak makikita ito. Agad naman akong tumayo at itinago ang book sa may drawer. Sabi kasi sa first rule nito iisang tao lang dapat ang nagbabasa nito per generation kaya kahit si Nanay Nilda na pinagkakatiwalaan ko ay hindi pwedeng malaman ang tungkol dito.

"Princessssssssss"

"Ayyy anak ng Psycrisers na yan!"

"Ano? pakiulit nga ng sinabi mo Princess?"

Dahil sa pagkakabigla ko ay nasabi ko yung tawag dapat kay boy ni girl. Si Nanay Nilda kasi first time hindi kumatok ng pinto ko. Tsaka bakit ba sobrang excited niya ngayong araw? eh normal day lang naman ahhh. 

"Ayyy! wala yung Nay Nilda, Gay Lenggo lang po yun alam mo na si RP tinuturuan ako ng language nila"

"Ahhh akala ko pangalan ng boyfriend mo"

"What?"

"Sige bumaba ka na may regalo ka doon" 

Grabe makasalanan na ata ako. Nagsinungaling pa ako kay Nanay Nilda about doon. Ok lang naman siguro yun basta White Lies lang. 

"What Regalo? kanino galing tsaka ano ba ngayon birthday ko ba?"

"Dami mong tanong bumaba ka na lang para malaman mo, tsaka Princess yung Cellphone mo tumutunog hindi mo ba naririnig?" 

"Ayyy! oo nga pala "

Sa sobrang taranta ko kakaisip kung sino , ano at bakit ako niregaluhan ay hindi ko namalayan na tumutunog na pala ang phone ko. Kinuha ko ang phone ko. May message ako mula naman sa nagtext sa akin kagabi. at ang sabi " Lagot ka nalaman na niya". 

Bigla kong nakagat yung labi ko ng mabasa ko yung text niya. Sino ba talaga ito? bakit sa akin siya nagtetext hindi kaya wrong send siya. Nireplyan ko siya. "Wrong Send ka po , Meralco ito hindi ako ang Mahal mo as in this is MERALCO"  yan lang yung pumasok sa utak ko ng mga oras na yun.

Bumaba na ako ng hindi man lang nagayos ng sarili dahil sa regalo daw na sinasabi ni Nanay nilda. Bakit ba ang dami kong pinoproblema ngayong araw? Eh ang alam ko manhater ako bakit nagkakaganto ako. Hindi kaya ito yung pakiramdam na nakasulat sa libro? Hayyy! buhay ko nga naman, daming nisteryo.

Tinignan ko kaagad ang regalo. Ang ganda as in ang ganda ng balot. Parang galing sa babae kasi napaka ayos ng pagkakabalot at yung handwriting pang girl talaga. 

To: My PSYCRISIS

From: PSYCRISERS

Nang mabasa ko yung nasa card ay bigla kong nabitawan ang regalo. Hindi ako makapaniwala. sa mag nabasa ko. Ibig sabihin totoo ang mga nakasulat sa libro ng Manhater?

"Oh! bakit mo naman tinapon ang regalo princess?" tanong agad sa akin ni Nanay Nilda habang niluluto niya ang breakfast namin.

"Ahhh, hindi po may nakita lang akong ipis, nagulat lang po ako kaya nabitawan ko yung regalo" pagpapalusot ko kay nanay Nilda

Psycris Love (PLTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon