Chapter 23 (PLTS)

31 25 0
                                    


CHAPTER TWENTY THREE...


Nilagay nanaman niya ang kanyang hinliliit sa hinliliit ko. As in gagawin niya ata ulit yung Psycris Kiss na ginawa niya kanina sa harap ng 7 Eleven.

"Wait? ano nanaman gagawin mo?"

"Gusto mo di bang malam kung totoo ang lahat ng ito pwes sa gagawin ko masasabi mo talaga na totoo ang nararamdaman ko para saiyo"


SLAP!


Sinampal ko si Gabriel kasi alam ko na yung gagawin niya. Gusto ko kasi yung totoo as in yung True Love ang hinahanap ko hindi yung Psycris Kiss na yun, Di ko nga alam kung nasa book ba yun o imbento lang niya. Tsaka na kapag nabasa ko na yun.

"Why? bakit mo ako sinampal" tanong niya sa akin sabay ginawa niya talaga yung Psycris Kiss pero sa pagkakataon na natapos na niya yung dalawang kiss na Smack lang ay ako na ang nagsabi ng tatlong ibig sabihin ng Psycris Kiss.

"Love Till Ends" sabi ko nung last part nung Psycris Kiss.

Sa ngayon ay nakatingin kaming dalawa ni Gabriel sa mga ilaw na nagliliwanag sa kalayuan ng Enchanted Kingdom. Dito namin napagusapan ang mga bagay na matagal na namin gustong malaman sa isa't isa. Bagay ng talaga kaming dalawa lang ang nakakaalam.

Mabilis tumakbo ang oras hanggang sa makauwi na kami ni Gabriel sa bahay ko. Hinatid niya kasi ako, isa yun sa tungkulin niya na pinagusapan namin kanina. Sa mga oras na ito ay hating gabi na at halatang tulog na si Nanay Nilda kasi patay lahat ng ilaw sa bahay.

"Salamat sa lahat" sabi ko kay Gabriel tapos bumaba na ako ng kotse nung buksan niya itong pinto.

"Wait may nakalimutan ka" sagot niya sa akin. Pero hindi ko siya pinansin kasi alam ko na kung ano yun eh, Hindi na ako papayag kasi nakakrami na siya this day.

"Ayaw ko nga" sabi ko sa kanya at binuksan ko na yung gate namin.

"Wait Psycrisis may nakalimutan ka nga"

"Ang kulit mo, Oh ayan na!" tumakbo ako papunta kay Gabriel at hinalikan ko siya sa ilong niya, ang kulit kasi ehh hindi makaalis hangga't hindi nakukuha yung gusto niya.

"Ano yun, sabi ko may nakalimutan ka hindi ko sinabi na magnakas ka ng halik" sagot niya sa akin, ano ba kasi yung nakalimutan ko huh?

"Ano ba kasi yun, Magnakaw ng halik ASA!" sagot ko sa kanya

"Si Stitch nakalimutan mo" sabi sa akin ni Gabriel habang dahan dahan niyang nilabas mula sa likod niya yung Stitchna ibinigay niya sa akin kanina, doon sa may 7 Eleven.

"Ahh, ok thanks" kinagat ko yung dila ko ng ilabas ni Gabriel yung Stitch, ang gaga ko kasi ehh, kung ano ano ang nasaisip ko, nilulumot na ta itong utak ko eh.

"Bye"

"Same" umalis na si Gabriel habang ako ay hindi pa rin makaget over sa ginawa ko kanina, akala ko kasi yun yung nakalimutan ko ehh. Hayyy! buhay ng inlove talaga.


Pagkapasok ko ng bahay ay sobrang dilim at tahimik, hindi na ako nagpatumpi tumpik pa kaya pumasok na ako agad sa kwarto ko para basahin na yung susunod na page ng Manhater Book, titignan ko kung nandoon lahat ng mga nangyari sa akin ngayon.

Pagkapasok ko ng room ko ay kinuha ko kaagad yung Manhater book. Pagsilip ko sa may Drawer ko ay hindi ko mahanap doon ang MB, hinalughog ko na yung laman ng Drawer pero hindi ko na kita.

Psycris Love (PLTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon