Kabanata 37

50 0 0
                                    

(ADELAIDE POV)

Self-healing is hard. When I was healing, I was the only one who understood myself. The only one who help me healed myself was me.

Mahirap pero kinaya ko. Sa loob ng mahigit limang na taon na pagpapahilom ay nakayanan ko.

I was the only one who healed myself when I was wounded, at my lowest, and crying alone in my room. After all of that suffering, I was finally able to smile without melancholy, without remembering my past.

"Daphne, bitawan mo nga ako! Hihilahin ko 'yang buhok mo dyan!" Narinig ko ang malakas na boses ng pinsan kong si Andricia na papasok ng opisina ko.

I sighed, and I glanced at the entrance of my office. Nakita ko ang kaibigan kong Daphne na nakapulupot ang braso sa braso ng pinsan ko na iritadong-iritado sa ginawa niya.

Sinasabi ko na nga ba, narito silang dalawa.

"Kiss ko muna." Ngumuso si Daphne na parang bata kay Andricia kaya mas lalong naasar si Andricia sa kaniya.

Tiningnan ako ni Andricia na nagpipigil ng inis kay Daphne, natawa ako sa itsura niya na sobrang naaasar sa katabi niya.

I was supposed to continue my work but they are here, mamaya na lang ako mag-ta-trabaho kapag umalis na sila para tahimik dito.

"My Ada, pwede ko bang sabunutan ang kaibigan mong ito? Bakit ba kasi nandito 'to?!" She switched her gaze to Daphne, who was beaming broadly at me.

"Ganda mo ngayon, Della ko, ah? 'Wag mo pansinin si Ivory, hindi naman niya ako kayang sabunutan ako kasi-aray, nakakasakit ka!" Hindi natapos ni Daphne ang sasabihin niya noong hinahin ni Andricia ang buhok niya.

I stood up as my eyes widened. They're always fighting! Wala silang ibang ginawa kapag nagkikita kung hindi ang mag-away!

"Don't call me Ivory! The only one who call me that is my Ada!" Si Andricia.

Gumanti si Daphne, hinila niya rin ang buhok ni Andricia hanggang sa sila ay gumanti sa isa't isa. Mabilis akong naglakad papunta sa kanila upang pigilan sila.

"Huwag mo rin akong tatawaging 'Daph' kasi si Della ko lang ang pwedeng tumawag sa akin n'on!" Ganti ni Daphne at hinila ang buhok ni Andricia kaya hinila rin ni Andricia ang buhok ni Daphne.

Pati ba naman ang pangalang itatawag nila sa akin ay pinag-aawayan nila? Ang dami-dami na nilang itinitawag sa akin, mayroong Addy, Laide, Della, Laddy, Delly, Liana, at Ada.

I think I'm having a headache.

"H-Hey, stop that! Palagi na lang kayo nag-aaway!" Pigil ko sa kanila ngunit hindi pa rin sila nagpapatinag, patuloy pa rin sila sa pagsasabunutan. Hindi ko alam ang gagawin ko sa kanilang dalawa para huminto.

Simula nang magkakilala sila ay ang init nang dugo nila sa isa't isa, ah? Si Andricia naman kasi, init ng ulo palagi sa mga taong nakapaligid sa kaniya tapos si Daphne, mapang-asar e di gulo ang mangyayari kapag nagsama sila.

"I said stop!" I almost yelled. My scream made them stop fighting.

Natahimik silang dalawa nang matapos ko silang sawayin gamit ang mataas na boses. Nakatayo sila sa harapan ko, hindi sila nagsasalita.

Ilang segundo ang lumipat ay nanatili lang akong nakatingin sa kanilang dalawa hanggang sa mayroon kaming marinig na kumatok sa labas ng opisina ko.

Sabay-sabay kaming lumingon doon, pumasok si Ate Ezikiah at Ate Riana sa loob ng opisina nang nakakunot ang mga noo sa aming tatlo. Isinara ni Ate Riana ang pintuan noong tuluyang silang makapasok.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon