Epistolary ✓
Us Again Series # 1
Daphne Gayle had a crush on Ryle Jaden the first time she saw him when she was in first year college. During their second year, she approached him first and later on became friends. Ryle Jaden is currently in his fou...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
9:50 AM
Kian: Nakauwi ka na pala?
Ryle: Yeah, nung isang linggo pa
Kian: Ay wow hindi mo man lang ako sinabihan
Ryle: Pasensya na nakalimutan ko
Kian: Kaibigan ba talaga kita?
Ryle: Hindi ☺️
Kian: Nakakainis ka 😤
Siguro siya una mong hinahanap, no?
Ryle: Huh? Sinong siya ba?
Kian: Kunwari ka pa! 🤨 Alam mo kung sino ang tinutukoy ko
Ryle: Hindi nga. Sino ba?
Kian: Si Daph sino pa ba! Naging magkarelasyon kayo noon ah? Crush na crush mo nga ‘yun eh.
Ryle: Si Daphne Gayle? Hindi naman kami naging kami ano lang mutual understanding. Same feelings ganun
Kian: Ay hindi ba? 😲 Akala ko magkarelasyon kayo noon hindi pala. Pero crush mo pa rin, nom?
Ryle: Oo, noon
Kian: Eh ngayon hindi na? 👀 Naku, pag nakita mo yun ngayon mas lalong gumanda baka maging crush mo ulit 🤣
Ryle: Ewan ko sayo, Kian
Kian: Sinasabi ko sayo
Saan ka pala mag work sa company niyo ulit?
Ryle: Hindi, sa school na ako magtuturo ng mga bata
Kian: Ay oo nga pala teacher nga pala gusto mo. Ayaw mo na mag-work kumpanya niyo?
Ryle: Hindi naman sa ayaw ko na mas maalam naman si kuya Ryan tungkol sa business namin kaysa sa akin. Saka naayos naman na ang naging problema kaya ngayon yung pangarap ko naman ang masusunod.
Alam mo naman na teacher talaga ako gusto ko
Kian: Alam na alam ko ‘yan. Masaya ako at makakapagturo ka na rin sa wakas. Hindi ka kaya mastress ka sa mga bata?
Ryle: Hindi naman I can manage
Kian: Mahilig ka sa bata, no? 👀
Ryle: Oo masarap kasi turuan ang mga bata. Masaya talaga ako sa pagtuturo.
Kian: Ah kaya pala nagustuhan mo si Daph noon 🤨
Ryle: Hoy 2 years lang naman agwat namin.
Kian: Ito naman hindi mabiro HAHAHAHA
Kita na lang tayong dalawa namiss kita Ryle Jaden aking bff 😘
Ryle: Okay sige just message mo ako kung anong oras
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.