END

33 2 0
                                        

━━━━━━━━━━━
END
━━━━━━━━━━━

Ryle's Journal

✎ᝰ.ᐟ⋆⑅˚₊

Ang sarap pala sa feeling na sa tuwing gigising ka ang magandang mukha ng asawa mo ang bubungad sa‘yo. Hindi naman sa pagmamayabang pero ang dating pinapangarap ko lang ay asawa ko na ngayon. Ang dating pinapangarap ko lang na maging girlfriend ay ngayon nasa kama namin mahimbing na natutulog. Napagod kagabi eh. Pinagod ko na normal naman namin gawin na mag-asawa.

Parang kailan lang noong nililigawan ko palang siya hanggang sa naging magkasintahan kaming dalawa. Tapos isang taon na rin pala simula ng ikasal kaming dalawa. Hindi ko akalain na aabot kami sa ganito kasi tanging pangarap ko lang ito eh. Ang maging boyfriend niya tapos maging asawa, pangarap ko lang ito na akala ko hindi ko maaabot. Pero ito ako ngayon kasama siya at asawa ko na siya.

Mrs. Daphne Gayle Azarcon Corpus. Bagay na bagay ang apelyido ko sa kanya. Parang ako bagay na bagay rin sa kanya na maging asawa.

Asawa ko. Asawa ko na si Gayle. Akin na siya. Sa akin lang siya. Oo, sa akin lang.

Ako ang asawa niya. Walang iba kundi si Ryle Jaden Corpus. Nag-iisa lang sa mundo na habang buhay ay walang ibang mamahalin kundi siya. Siya lang. Sa mata ng mga tao at sa mata ng Diyos tanging siya lamang ang iibigin ko magpakailanman.

Walang iba. Nag-iisa ka, my love Daphne Gayle.

Ang wedding namin ay ginanap last year intimate wedding ang gusto namin parehas tanging close friends, family, and other important people lang ang inimbitahan namin. Nothing more, nothing less. Tungkol naman sa parents ko we're casual to each other and Gayle invited them. For the past years, my parents and I have been casual to each other. We talked but there's a boundary between us and they know it. May pakiramdam naman sila saka hindi nila ako pinipilit pa. At least they attended our wedding and we're getting there but it takes time to finally forgive them dahil hindi naman talaga madali.

Gayle understands me and that's what matters the most. Ngayon may asawa ako na kasama ko sa lahat ng laban ko at hindi na ako nag-iisa dahil nandyan siya lagi para suportahan at intindihin ako. May time rin syempre na pinapangaralan niya ako na naiintindihan ko rin naman. Dahil sa isang relasyon hindi lang naman puro saya may time din na nag-aaway kami but at the end of the day we resolve it.

Ayaw namin na ang away namin ay nagtatagal kasi baka maubos kami parehas at mauwi sa hiwalayan. Ito ang ayaw namin mangyari kaya sinusubukan namin na magkaroon ng maayos na relasyon. Sa bawat away namin may natututunan naman kami at dahil doon mas nagiging matatag ang pagsasama namin na dalawa. Mas lalo namin minamahal ang isa't-isa dahil parte naman ito ng isang relasyon.

Tungkol naman sa anak, wala pa kaming plano dahil gusto namin na mag-enjoy muna bilang mag-asawa na kami munang dalawa dahil once na magkaroon kami ng anak sa kanya na ang focus namin. Kaya ngayon mas gusto namin na kami na lang muna dahil makakapaghintay naman ang pagkakaroon ng anak.

Mahal na mahal ko talaga ang asawa ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na asawa ko na siya. Mahirap paniwalaan pero totoo ito. Asawa ko na talaga siya at isang taon na rin simula ng ikasal kaming dalawa.

Ang asawa ko ito mahimbing pa rin ang tulog sa aming kami bago ako bumangon para magluto ng agahan namin ay hinalikan ko muna ang kanya noo.

Mahal na mahal ko talaga siya.

Panibagong araw na naman pero hindi pa rin magbabago ang pagmamahal ko sa kanya. Dahil sa'yo at sa iyo pa rin ako uuwi, Daphne Gayle. Ikaw ang pahinga ko. At ikaw lamang ang iibigin ko sa buong buhay ko.

I love you, my love. . .

────୨ৎ────

╰┈➤ Maybe this time our love has finally found its home. What once felt uncertain now finally bloomed into something that is real, deep, and enduring love that is written to last forever. ― ❤︎₊ ⊹


══════════════════
THE END.
══════════════════

━━━━━━━━━━━

Author's Note:

This is the last chapter of maybe this time. Thank you for reading <⁠(⁠ ̄⁠︶⁠ ̄⁠)⁠>. I hope you enjoy reading my story. Have a nice day!


Maybe This Time (epistolary) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon