Epistolary ✓
Us Again Series # 1
Daphne Gayle had a crush on Ryle Jaden the first time she saw him when she was in first year college. During their second year, she approached him first and later on became friends. Ryle Jaden is currently in his fou...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
1:18 PM
Daphne: Hi? Nandito na ako.
Ryle: Sandali lang.
Daphne: Thank you sa pagpatuloy sa akin sa apartment mo.
Ryle: It's nothing. Feel free to roam around in my apartment.
Daphne: Okiie! Ang ganda ng apartment mo simple lang pero maayos at malinis. Mag-isa ka lang dito?
Ryle: Thank you for that. Oo, mag-isa lang.
Daphne: Hindi ba parang malungkot?
Ryle: H
indi naman sanay na rin ako ng mag-isa lang
Daphne: Nandito naman na ako hindi ka na mag-isa. May niluluto ka ba? May naaamoy ako eh
Ryle: Oo may niluluto ako pero hindi pa tapos
Daphne: Ano ba ang niluluto mo?
Ryle: Carbonara.
Daphne: Oh My God! That's my favorite! Alam na alam mo talaga na pagkain ang kahinaan mo ah?
Ryle: Yeah, and lumpiang shanghai too.
Daphne: Ay mas lalo tuloy akong nagutom 🤤
Ryle: Malapit naman na maluto. Upo ka muna sa may sala tapos manood ka ng tv kung gusto mo.
Daphne: Okie tawagin mo na lang ako pag okay na.
1:35 PM
Ryle: Gayle, luto na kain na tayo
Daphne: Hala ang sarap ng luto mo 🥺
Thank you ha? Namiss ko ang luto mo.
Ryle: Masarap talaga?
Daphne: Yup. Kaya nga marami akong nakain eh. Sorry ha? Dami kong nakain. Masarap kasi talaga tapos masarap din ang nagluto 😋
Ryle: Gayle!
Daphne: Hindi ka naman mabiro 🤣
Ryle: M
asaya ako na nagustuhan mo ang niluto ko para sayo.
Daphne: Syempre basta ikaw nagluto magugustuhan ko
Ryle: S
alamat 😊
2:48 PM
Daphne: Jaden, tungkol pala sa pag-uusapan natin.
Ryle: Ano nga pala ‘yun?
Daphne: Tungkol sa tinatanong mo.
Nakapag-decide na ko na bigyan ka ng chance na subukan ulit natin.
Ryle: Sure ka ba?
Daphne: Bakit ayaw mo? 🧐
Ryle: Hindi naman 😅
Daphne: Good, akala ko ayaw mo eh.
Ryle: Hindi ano lang nagulat lang ako biglaan eh
Salamat ha?
Daphne: Nagulat ka ba talaga? Tingin nga ng gulat? Kidding aside.
Wala yun lokohin ko lang sarili ko kung hindi ako umaasa na baka this time pwede na tayo.
Ryle: Parehas pala tayo na umaasa pa rin.
Maybe this time. . .we can try again?
Daphne:
Yes, we can try again 🥹 Ano pala setup natin?
Ryle: Ikaw ba ano ang gusto mo?
Daphne: Kung ako tatanungin gusto ko sa dating stage na tayo kasi noon naman nasa m.u label tayo parang nasa courting stage rin.
Ikaw?
Ryle: Gusto ko rin na dating na tayo. Exclusively dating.
Daphne: Okiee!! 🫶🏻
Kailan tayo magsisimula?
Ryle: Bukas?
Daphne: Okiie! Bukas pa pwede naman ngayon 😆
Uuwi na pala ako.
Ryle: Sige sandali lang mag-uwi ka ng carbonara para kay Gael.
Daphne: Okie, salamat.
Ryle: Ihahatid na rin kita.
Daphne: Really? Sige hintayin kita.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
━━━━━━━━━━━
「Daphne‘s Journal」
✎ᝰ.ᐟ⋆⑅˚₊
May progress na. Baby step muna. Pero at least we're in the dating stage na. Masaya ako. Parang noon umaasa pa ako na sana mabigyan ulit kami ng chance na subukan ulit naman. Ito na nga ngayon may chance na kami ulit. Hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na ito.