Si Mr. Heart Ko

77 14 0
                                    

☆*:.。. o(≧▽≦)o .。.:*☆☆*:.。. o(≧▽≦)o .。.:*☆☆*:.。. o(≧▽≦)o .。.:*☆

(A/N: Lately, I've been thinking na kung magkaroon kaya ako ng boyfriends tapos g*nago din ako like some stories I've read here in Wattpad, ano kaya ang gagawin ko. Ito pong sinulat ko ay 'yung GUSTO kong gawin, pero alam ko naman, dahil weakling ako, 'di ko 'to magagawa kaya sinulat ko na lang. Enjoy reading! ;) )

Bitter sa pag-ibig dahil naloko? Kung bumalik? Sinong susundin mo? Si Mr. Brain na matalino, o si Mr. Heart na minsan bobo?

☆*:.。. o(≧▽≦)o .。.:*☆☆*:.。. o(≧▽≦)o .。.:*☆☆*:.。. o(≧▽≦)o .。.:*☆


"Byeeers, ingat Gielyn!"

Sabay kaway ng kaibigan 'kong si Regine.


Sinuklian ko din siya ng kaway at nagsimulang maglakad papunta sa school ko dati na ilang lakad lang ang distansya mula sa school na pinapasukan ko ngayon.


Gusto ko sanang kamustahin ang former classmates ko.


Sa pagliko ko sa isang kanto, nakasalubong ng aking mata ang isang hindi kaaya-ayang tanawin.


"Aww, sweet mo naman babe." Sabi ni maharot na babae kay lalaki sabay pulupot ng mahigpit sa braso nito.


"Ikaw pa, mahal kita babe eh." Sabi naman ni gag*ng lalaki kay malanding babae.


Next thing I saw, naglapat na ang mga labi nila.


Wow ha, ni hindi ko pa nga nalasahan ang lips niya tapos ganun na lang kong tuklawin ni babae.


Sino si lalaki? Siya lang naman si Mr. First Boyfriend ko. Si taksil kong nobyo.


Nanghihina ang mga tuhod ko na para bang ilang minuto na lang ay pwede na 'tong bumagsak. Ngunit pinilit ko ang magpakatatag para sa plano kong gawin. Mahirap na, baka epic fail pa ang mangyari.


Nung nagkalakas loob na ako, saka ako lumapit sa kanila at tumikhim para makuha ang kanilang atensyon.


Kita ang gulat sa mga mata ni Mr. Jerk while bakas sa mukha ni Ms. Slut ang pagtataka.


Gamit ang lahat ng lakas na natitira sa katawan ko, sinuntok ko ng ubod ng lakas ang mata ni Mr. Jerk, saka siya natumba sa lupa.


Nagulat naman yung si Ms. Slut. Magsasalita pa sana siya ngunit inunahan ko na.


"Hoy malandi at maharot na babae. Oo ikaw. Alam mo bang tatlo na ang anak namin ng hinayupak na lalaking 'to? Kaya kung ako sa'yo, magpakalayu-layo ka na at baka lamunin pa kita ng buo."


And this ladies and gentlemen is the other side of me--my bitchy side.


Mukhang natakot naman si babae dahil biglang kumaripas ng takbo.


Pero syempre, 'di totoo na may anak na kami. Palusot ko lang 'yun para lumayo 'yung haliparot na babae. Capital 'V' pa kaya ako.

SPARKLES (One-Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon