Sheen's POV:
Hi there. Ako nga pala si Sheen Marasigan, pinsan ni Chersyl.
Nakatingin lang ako kay Chersyl habang siya ay nakatitig sa kawalan. Sigurado ako, iniisip na naman niya yung crush niya. Hay! Obsessed na siya dun eh.
"Hoy Che!"
"Bakit?" Sabay lingon sa akin.
"Iniintay mo na naman yang crush mo, Tara na nga kumain na tayo."
Tumayo na siya agad at nauna na papuntang kusina.
"Tingnan mo 'to, parang wala lang kanina tapos sinabi ko lang na kakain na biglang tumayo kaagad." Sigaw ko habang naglalakad na rin papunta dun.
Habang kumakain kami, tinanong ko siya.
"Tara sa SM ang init dito eh."
"HUY !" Binatukan ko siya dahil hindi man lang siya lumingon sakin.
"Ang BITCH ga nito"sigaw niya sa akin
"Ikaw nga tong hindi lumulingon ay tinatawag kita"
"Kumain ka na lang nga diyan"
Tumayo na ako at pumunta sa labas para doon uminom. Pagkalabas ko bigla kong nakita yung crush ni Che. Bigla akong napatakbo pabalik sa kusina.
"Hoy Che yung crush mo dumaan"
"Ha? Jono-joke time mo na naman ako eh."
"Tanga ka dali, bahala ka"
"Saan ga papunta?"
"Papunta sa kanila"
Chersyl's POV:
Napatakbo ako palabas ng gate at hinanap ko siya at napangiti na lang ako dahil nakita ko na siya kahit likod lang niya.
Hay Che akala ko ba titigil ka na? Tanong ko sa sarili ko.
Napabalik na lang ako sa kusina at kumain na lang ulit.
"Ano nakita mo?" tanong sakin ni Sheen
"Oo kahit likod lang niya"
"Asus! Kinilig ka na niyan"
"Sobra" pabulong kong sabi habang sikreto akong napangiti.
--
chelx26