Chersyl's POV:
Nakatambay kami sa labas ng bahay namin habang nagsa-soundtrip.
"Che, tanda mo pa ga yung binantayan mo si Aiz ng ilang oras dito sa labas?"tanong ng madaldal na si Gelly.
"Malamang hindi naman ako makakalimutin eh"
"Ano yun?" tanong ni Sheen. Nasa probinsya pa kasi siya nung araw na yun,wala pa sila dito sa Batangas.
"Sus Wala yun" sabi ko at kumanta na lang.
Naaalala ko na naman yung pangyayaring yun. Sobra na ata ako niyon eh. Baliw na ako niyon.
"Kwento muna" sabi ni Gelly
"Dali na"
"OO na ito na" sabi ko habang nakangiti na parang tanga.
(FLASHBACK)
"Che, nandun si Aiz sa computer shop ngayon" sabi ni Gelly habang kumakain ng fishball.
"Penge ako. Paano mo naman nalaman?"
"Galing kaya ako dun"
"Tingnan nga natin"
"Tara !"
"Wag na pala nakakahiya"
"Bahala ka. Naka-white siyang t-shirt"
"Iintayin ko nalang dumaan ang kotse nila dito"
"Mamaya pa yun"
"I can wait"
"I can wait, I can wait ka diyan"
"Haha. Nandun na ga ang kotse nila?"
"OO. 9 na ng gabi eh"
"Tara tingnan natin"
Nag-lakad kami papunta sa may kanto at tiningnan kung nandun nga ang kotse nila. Lagi siyang nandun kasama ang kapatid niya. Sinusundo na lang sila tuwing 9 na ng gabi.Kamag-anak nila ang may-ari ng computer shop.
"Ang tagal namang lumabas" Nakita ko ang tatay niya na may kausap sa cellphone at nakita ko na kamukha talaga ni Aiz yung tatay niya.
"Palabas na yun. Tingnan mo yung tatay niya may kausap lagi sa cellphone isumbong kaya natin siya sa nanay ni Aiz na may kabit yung asawa niya?"
"Tapos magkikita kami ni Aiz. Tapos magiging mag-bestfriend kami, ako yung sasandalan niya kasi malungkot siya. Ayyy! Grabe kinikilig ako."
"Tara isumbong na natin"
"Tanga. Wala namang kabit yang tatay niya."
"Ahahaha ayaw mo nun magiging close kayo ni Aiz"
15 minutes na kaming nandito sa may kanto at hindi pa rin siya lumalabas.
"Tara muna sa bahay dun nalang tayo sa labas mag-antay. Ang tagal eh"
Nag-lakad na kami pabalik at umupo sa harap ng bahay namin. Nag-usap na lang kami ng kung anu-anong mga kalokohang bagay katulad ng paano kaya kapag kami ang may-ari ng buong pilipinas, magiging boss kami. Nakakatawa ang mga pinag-uusapan namin. Tumingin ako sa orasan namin at nakitang magte-10 na.
Dun sa pagke-kwentuhan naming yun hindi nawala ang pagpunta ko sa kanto at pag-silip kung nandun parin sila or wala na.
"Bakit ga ang tagal ng mga yun dun?"
"Malay mo nag-uusap pa sila diba?"
"Ang tagala naman. Tara punta ulit tayo dun"
Pumunta ulit kami sa tayo namin at nag-antay. Nagtitingin na lang ako ng mga dumadaang sasakyan.
"Che ayan na lalabas na sila"
Napalingon ako at nakita ko siyang pumasok na sa sasakyan nila. Inintay kong umandar ang sasakyan nila bago kami kumaripas ng takbo papunta sa bahay para makitang dumaan sila.
Umupo kami sa may bato at nag-intay. Nakita ko ang kotse nila na lumiko papunta sa Mini Stop. Malapit lang naman yun eh.
Nakita ko siyang bumaba ng kotse nila at naglakad paloob. Naka-white shirt nga siya.
Nag-antay na ulit ako. Napatayo ako bigla dahil may humarang na kotse sa tinitingnan ko, saktong lalabas na si Aiz niyon para bumalik sa kotse nila.
Tumungo ako at sinilip yung paa niya lumakad sa kotse nila.
"Nakakasura yung kotse na yun hahara-hara sa tinitingnan ko eh. Tanga eh"
Aandar na yung kotse nila kaya inabangan ko na naman. Habang umaandar nae-excite ako pero parang gumuho yung mundo ko nung sa ibang daan sila nagderetso sa shortcut papunta sa kanila.
"Tutulog na ako" walang emosyon kong sabi kay Gelly
"Hindi mo lang nakita eh.Haha. Sige"
(END OF FLASHBACK)
"Haha baliw mo talaga nag-antay ka ng matagal tapos sa iba pala dumaan. Tanga mo rin" sabi ni Sheen habang tumatawa.
"Whatever Sheen. Magkakaganun ka din sa crush mo."
Habang naaalala ko yun, naiinis pa rin ako.
—————
chelx26