Chersyl's POV:
Isang buwan na ata o mahigit simula ng makita ko si Aiz, natapos lang yung event na lagi kaming nagkikita, wala na agad siya. Hindi naman yun palalabas ng bahay pero nakakainis talaga.
"Bakit ga hindi ko na nakikita si Aiz?" tanong ko sa pinsan ko na si Sheir.
"Nakita ko yun kanina. Nakatigil habang nagtetext, nag-aabang ng jeep."
"Kailan yun? Umaga? Bakit ga kayo nakikita niyo yun samantalang ako yung abang ng abang sa kanya?" Bakit nga kaya ganun? Kapag inaabangan at lagi mong iniisip yung crush ko lalo kong hindi nakikita.
"Oo umaga yun" College na nga pala siya.
Yung feeling na kinu-kwento ko yung mga nangyayari sa akin sa barkada ko tapos in-add nila si Aiz sa FB tapos bigla agad niyang in-accept tapos akong matagal na nakanga-nga sa pag-accept niya,hindi pa niya nagagalaw yung confirm button. Nakakainis lang. Iniinggit tuloy ako ng isa sa barkada ko.
Nagkekwentuhan kami ng barkada tungkol sa lovelife nila kesyo ganyan kesyo ganto. Wala akong pakialam hindi naman din ako maka-relate eh. Natapos ang ilang oras na nag-kekwentuhan sila na wala akong masabi. Habang nasa jeep kami, inalala ko si Aiz.
"Kalimutan ko na kaya siya? Itigil ko na kaya ang pagka-crush ko sa kanya?" Tanong ko sa kaibigan ko.
"Bakit naman?"
"Wala naman. Nagsasawa na din kasi akong mag-hintay sa kanya. Matagal ko na siyang hindi nakikita tapos ramdam ko na may girlfriend na siya" Habang sinasabi ko yun parang naiiyak ako. Paano nga kaya kung gawin ko yun?
Ang tanong ko naman sa sarili ko kaya ko ba? Magsasabi ako ng mga bagay katulad ng ititigil ko na pero hindi ko naman kayang panindigan. Mapagpanggap din naman ako lalo na kapag sinabi ko na hindi ko na crush ang isang tao.
Katulad nga dati sinabi ko na hindi ko na crush yung naging kaklase ko dati pero nung nagke-kwentuhan kami ng isa kong tropa na kakilala yung crush ko tapos nalaman ko na crush din pala niya ayun ang sabi ko hindi ko na crush pero deep inside nag-seselos ako.
Sinabi ko noon sa kanya na wala naman akong pakialam kung ano mang gawin niyon na kahit manligaw pa siya wala akong pakialam. Nung nakita ko silang nagpa-picture na magkasama, ramdam ko ang inggit pero ano nga bang magagawa ko kita ko din naman na parang masaya yung crush ko sa may crush sa kanya. Ramadam ko naman na hindi niya ako magugustuhan despite na ginawa ko naman lahat eh. Hindi lang siguro talaga siya para sa akin.
Hindi ko nasagot ang tanong ng kaibigan ko.Napapaisip din naman ako eh.
Kinagabihan nasa kusina ako kumakain, pagkatapos ko lumabas na ako sa terrace namin para magpahangin.
"Oy dumaan si Aiz! Dalian mo abot mo pa yun" sabi ng pinsan ko.
"Sus pinagtitripan niyo na naman ako eh"
"Parang niloloko lagi eh"
Tumakbo ako palabas at nakita ko nga siya, may backpack pang dala, galing atang school. Napangit nalang ako.
Bakit ganon ang nagyari kung kelan gusto ko na siyang kalimutan saka naman siya magpapakita ng bigla tapos kapag abang na abang saka wala.
Sign ba to na wag kong itigil ang nararamdaman ko para sa kanya?
Pagpasok ko sa loob nakapag-decide na ako.
"Hindi muna ako titigil. Kaya ko pa naman siguro ng konti pang tagal" Ngumiti na lang ako at nagbasa ng libro.
-----------------------
chelx26