Chersyl's POV:
"Tara na Che! Nagsisimula na atang mag-practice" sigaw ni Sheen mula sa labas
"Ang atat niyo. Saglit lang!"
"Bilisan mo na kasi" Lumapit na sa akin si Sheen
"Nag-susuklay pa ako"
Habang nag-susuklay ako, dumating si Gelly.
"Oy Che nandun si Aiz" sabi ni Gelly. Lagi naman siyang ganyan, taga-balita ng buong bayan.
"So?" sabi ko sakanya.
"So ka diyan? Tara na ng makita mo na yun"
"Aba una na kayo, kayo lang naman ang excited eh"
"Ala naman, baka nga ikaw, kilig deep inside. Hahaha" tawa ng dalawa.
"Siya tara na nga"
"Ikaw lang naman tong mabagal eh"
Nung nakarating na kami sa may practisan, nakita ko siya nakatayo dun kausap yung pinsan niya. Ang gwapo niya talaga kahit nakatalikod. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil naiilang ako kapag ang crush ko nakatingin sa akin habang may ginagawa ako.
"Tara na pasok na tayo" sabi ni Gelly habang natatawa
"Tara" aya ko naman pero habang naglalakad pakaba ako ng pakaba. Nanga-ngatal na ako sa sobrang kaba. Dire-deretso ako sa paglalakad at nag-iwas ng tingin.
Nakaupo lang muna ako dahil hindi pa nagsisimula ang practice. Sinusulyapan ko siya minsan. Ang cute niyang tumawa.
"Guys formation na" sabi ni Jane ang taga-turo ng sayaw namin.
Tumayo na ako at pumunta sa pwesto ko. Pero ang iniisip ko sa panahong yun ay sana umalis na siya dahil ayokong makita niya ako kung sakali mang titingin siya.
Mag-sisimula na ang practice, nag-aayos na ng sound system, lumungon muna ako tapos paglingon ko wala na siya,umalis na siya pati yung mga pinsan niya. Napangiti ako at the same time nalungkot. Gulo ko no?
Gustong-gusto ko siyang umalis kanina pero kapag umalis na hinahanap hanap ko? Aish ang gulo. Pero naging alive ako dahil nakita ko siya kaya nakangiti ako at patawa tawa habang nagpa-practice.
——-
chelx26