Chapter 3

17 0 2
                                    

July, 2015

"Students, there will be an upcoming Division Song-Making Contest at Mapandan National High School. To those who are interested, just go to the Values Department and look for Sir Vhong. Understand?" striktong tanong ng Adviser namin na si Sir Tsong Goringaraw.

"Hazel, are you interested?" tanong sa akin ni James.

Gwapo si James. Kaya napatagal ako sa pagsagot sa kaniya.

"Kayo, kung gusto niyo!" sagot ko.

"Hazel, it's for solo and not for group." Sabi ni Robert.

"Ahmm, siguro, ipapaalam ko muna kay Daddy!" sagot ko.

Tumango nalang silang apat. Gusto kong sumama sa Contest. Kahit naman papaano, maganda rin ang boses ko at magaling akong gumawa ng kanta.

Mabilis natapos ang class.

Sa ngayon, nagco-commute na ako kasi tinutulungan na ni Mommy si Daddy para sa kumpanya.

Umuwi ako ng inuubo dahil pagbaba ko, nahulog ko yung panyo ko dun sa kalsada nang biglang pumahurot ang jeep habang pinupulot ko ang panyo. Sobrang baho.

Pagkadating ko ng bahay, naabutan kong nagwawalis si Tita Roxanne.

"Tita Rox, bakit po kayo nandito?" tanong ko kay Tita Rox habang si Tito Paul naman kumakain ng Sinigang na ewan..

"Binilin ka muna sa amin ng daddy at mommy mo, kasi magagabihan daw sila, at gusto nila kumain ka na. So andito kami!"sagot ni Tita Rox.

Pumunta muna ako ng kuwarto. Ibinaba ko ang gamit ko at nagbihis na. Bumaba na ako para manuod ng TV sa sala. Habang nanunuod ako, tumingin ako sa lamesa at nakita kong kumakain pa din si Tito Paul ng sinigang na ewann.. Nakita niya akong nakatingin sa kaniya.

"Bakit, Hazel, guwapo ba ang Tito Paul mo, ha?" tanong ni Tito Paul.

"Hay naku, Hazel, huwag mo nang sagutin ang malaswa niyang tanong!" sabi ni Tita.

Natawa nalang ako. Walang tigil si Tito Paul sa kakakain.

"Gusto mong kumain Hazel?" tanong sa akin ni Tito Paul.

"Ano pong ulam?" tanong ko.

"Sinigang na kulangot Hazel!" mabilis na sagot ni Tito Paul.

"Yuck, eaw dah! Kadiri ka Tito." Sagot ko.

"Pssst, Hoy Paul, tumahimik ka nga, ang bastos mo!" sumbat ni Tiata Rox kay Tito Paul.

"Hazel, sinigang na baboy, tara kain tayo!" seryosong sagot ni Tito.

"Sige po, busog pa po ako!" sagot ko.

Pinagpatuloy ko nalang ang panunuod ko! (kkkkkrrrrriiiiinnnnnggggg.....kkkkkrrrrriiiiinnnnnggggg)

May tumatawag and it's Daddy.

"Hello, Daddy?" Tanong ko.

"Ahmm, Hazel, andayan na ba sila Tita't Tito mo?" tanong ni Daddy.

"Yes po, Daddy!" sagot ko.

"Kumain ka na ba?" tanong ulit ni Daddy.

"Mamamaya pa po Daddy!" sagot ko.

"Ahhmmm, Dad, mayroon po palang magaganap na Song Making Contest. Puwede po ba akong sumama?" tanong ko.

"Yes naman Hazel, hanggang sa kaya mo. Ok lang." sagot ni Daddy.

"Yes. Thank You po Daddy. I Love You paki-kiss nalang po si Mommy para sa akin!" sabi ko.

"Okay, Bye Hazel!" sabi ni Daddy.

UHLALOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon