PROLOUGUE

9 2 0
                                    

PROLOUGUE:

Ma! Aalis napo Ako!" Sigaw na sabi ni Jelai o Jelaica Fey Dimaculangan, nagmamadali ito...ngayun kasi ang Job Application at mukhang malalate na siya sa kaniyang Application,

Oh? Ambilis naman anak, kumain kana muna" payo ni Aling Wena, Ang nanay ni Jelai,

Kukunin ko nalang tung apple nay, tsaka pag natapos ang Job Application uuwi din naman ako dito eh" paliwanag ni Jelai at kaagad na umalis sa bahay nila,

Anak may Tinapay—Hay nako...masyadong Masipag" bulyaw ng Nanay niya...

kunsabagay, siya nga ay Masipag, simula kasi ng Grumaduate siya ay hindi na siya humihingi ng pera sa kanila, bumibigay naman ang mga magulang niya pero hindi niya ito hinihingi, kusa lang silang nagbibigay,

Si Jelai nama'y pumunta sa terminal ng Jeep, Hindi ito masyadong kalayuan sa Bahay nila kaya't nilakad nalang niya, Cheneck niya ang dala niyang Form, wala naman siyang nakalimutan na dalhin,

*BAMMM*

Aray!" Sigaw nito,

Miss okay ka lang?" Tanung ng binata,

Sa tingin moba ay okay lang ako ha? Eh binangga moko, Tumingin tingin ka naman sa dinaraanan mo!" Sigaw ni Jelai sa binata, nakaramdam ng Konsensya ang binata, pinulot nilang parehas ang mga papel na dala ni Jelai,

Miss sorry talaga," pagpapaumanuin ng lalaki,

Anung magagawa ng sorry mo? Nabangga muna ako eh!" Galit na sabi ni Jelai at nainis ang Binata,

Nagsorry na nga ako eh!" Inis na sabi ng lalaki,

Bahala ka nga diyan! Nakakainit ka ng ulo!" Galit na sigaw ni Jelai at umalis nalang,

Sungit mo! Malasin ka sana" Bulyaw ng binata at umalis nalang din,

Habang naglalakad si Jelai, at nagpapalamig ng ulo ay biglang nagring ang Cellphone niya,

Hello?" Sabi ni Jelai,

[Jelai! Nasan kana? Marami rami nang narito, malalate tayu]" sabi Eya, Kaibigan ni Jelai,

Papunta na ako jan, naghahanap nalang ako ng masasakyang jeep," sagut nito sa kaibigan at tumingin tingin kung merun bang jeep na paparating,

[Okay, bye!]" Sabi ng kaibigan niya at in-off ang tawag, Binulsa niya ang cellphone niya, at tinignan kung may kulang ba sa Dala niya at....mukhang Merun nga,

Halaka, Nasan naba yun?" Nagaalalang sabi ni Jelai, at sinabunutan ang sarili,

Nakalimutan niyang dal-hin ang wallet niya, kailangan nyang bumalik sa bahay nila ngunit kung babalik pa siya ron, baka malate siya,

Hay katangahan!" Bulyaw niya at tumakbo papunta ng bahay niya, takbo ito ng takbo...

Sa pagtakbo nito, nakita niya ang kaibigan niyang si Leon,

Magandang umaga Jelai," bati nito sa kaniya,

Sumagot lamang ng tango si Jelai dahil wala na ito sa sarili niya, dahil nga ay nagmamadali siya,

Tumakbo si Jelai papasok ng Bahay nila, at pagakyat niya sa Hagdan, pagkapasok niya sa kaniyang kwarto ay kaagad niyang hinanap ang Wallet niya,

Nasan naba kasi yun!" Inis na sabi niya at tinignan ang Study table niya, At Naroon pala iyun don,

Laking ginhawa niya ng makita iyun, Lumabas siya ng kwarto niya, siniraduhan niya iyun at....

Ikaw?" Sabi ng Binata..

Ikaw? Anung ginagawa mo rito? Kidnapper ka? Magnanakaw? Ihohostage moko? Anu ka! Rapist? Yan ang wag na wag mong gagawin dahil lumalaban ako!" Matapang na sabi ni Jelai at naguguluhan ang binata sa kaniya,

Hindi ak—

Sinungaling Lumayas ka sa bahay nato!" Sabi ni Jelai at pinalo ng malakas ang binata, panay ang Palo si Jelai at Kawawa naman ang binata,

Kaagad na narinig ng Ingay ang Nanay ni Jelai Kasama ang Kaibigan nito kaya't umakyat silang parehas,

Lumayas ka! Baliw!" Sigaw ni Jelai at pinalo pa ng pinalo ang Binata,

Anak tama na! Hindi siya Magnanakaw!" Sabi ni Aling Wena at pinuntahan ng Kaibigan niya ang binata, naguguluhan si Jelai...Sinu siya? Sinu sila?

Huh?

Destined In You (PUBLISHED UNDER FANFICTION)Where stories live. Discover now