118.

116 7 0
                                    

(3rd Person's Pov)

Malalim ang iniisip nang hari ng kadiliman ng madisturbo ito ng kaniyang kanang kamay na si Victor.

"My Lord, we have a problem" panimula nito na nagpakunot ng noo ng hari.

"What is it?" seryosong tanong ng hari sa kaniyang kanang kamay.

"Your son, My Lord, nawawala siya" saad nito habang nakaluhod sa harap ng hari.

"So?" kunot noo parin nitong aniya.

"With your wife, My Lord." upon hearing about his wife ay kaagad itong napatayo habang nagsisimulang magdilim ang kaniyang mukha.

"Bring me to her dungeon" maotoridad nitong utos kay Victor na kaagad namang tumalima at nagpatiunang maglakad papunta sa kulungan nang asawa ng hari.

Tumambad sa harapan nang hari ang dalawang kawal na ngayon ay dilat na dilat na ang mga mata at wala ng buhay.

"Anong nangyari sa kanila? Sinong gumawa nito?!" malakas nitong sigaw sa iba pang kawal na naroon.

"Sagot!" dagdag pa nitong sigaw na nagpabahag sa kaniyang mga tauhan. Sadyang nakakatakot talaga ang presensya ng hari ng kadiliman idagdag pa nito ang madilim nitong aura na bumabalot sa buo nitong katawan.

"N-Naabutan nalang n-namin sila, My Lord, na wala ng b-buhay." nauutal na sagot ng isa sa mga kawal ng hari habang nanatili parin itong nakayuko. Hindi niya kayang tingnan ang kaniyang hari lalo pa't galit na galit ito ngayon sa nangyari sa kaniyang mag-ina.

"P-Pero may napansin k-kami sa loob ng kulungan ng mahal na reyna, My Lord." sabat naman ng isa sa mga kawal. Tulad nong nauna ay nakayuko rin ito.

"Spell it." seryosong aniya hari.

"May l-liwanag po k-kaming napansin m-mula sa loob ng kulungan ng reyna, My Lord." saad nito.

"Pagkatapos anong nangyari?" kunot noo nitong tanong.

May n-narinig po kaming n-nagsisigawan sa loob k-kaya mas binilisan pa n-namin ang paglapit sa kulungan ng reyna— hindi na natapos ng kawal ang gusto sana nitong sasabihin dahil sinakal na ito ng hari. Kita ng kawal kung gaano nagliliyab ang mga mata ng hari na nakatingin sa kaniya na para bang siya ang gumawa ng kasalanang hindi naman niya ginawa.

"Sino'ng nag-uusap sa loob? Sabihin mo! sigaw nito sa mukha ng kawal at mas hinigpitan pa ang pagkakasakal.

"My Lord, d-di ako ack! makaka-ack! h-hinga 'cough' nahihirapan nitong pagmamakaawa. Pabalyang binitawan ng hari ang kawal na ngayon ay nakahawak na sa kaniyang leeg na kanina ay sakal-sakal ng hari. Hinahabol nito ang kaniyang paghinga.

"Si p-prinsipe Keo, ang reyna at si prinsesa Cleo po ang nag-uusap sa loob, My Lord." nahihirapan nitong aniya. Namula ang leeg ng kawal at may bahid pang kamay na nagmarka sa leeg nito.

"Ano'ng pinag-uusapan nila at nasaan na ngayon ang aking mag-ina?! malakas na sigaw nito bago pumasok sa loob ng kulungan ng kaniyang asawa.

Napasabunot ng buhok ang hari ng wala siyang makitang ni katiting na anino ng kaniyang asawa at dalawang anak. Nanghihinang napaupo ito sa kama ng asawa at napayuko.

"Papatayin ko kung sino man ang kumuha sa iyo, sa inyo mahal ko." buo at matigas nitong bulong sa sarili. Walang salitang lumabas sa selda ng asawa ang hari at naglakad pabalik sa kaniyang truno.

"Victor" baling niya sa kaniyang kanang kamay na nakayuko na ngayon sa kaniyang harapan.

"Yes, My Lord." sabi ni Victor ng tumayo na ito ng maayos sa harap ng hari.

"May plano ako." panimula ng hari na ikinangise ng kaniyang kanang kamay.

"Ano yun, My Lord?" pormal nitong tanong.

"Sasakupin natin ang mga karatig isla na malayo sa siyudad. Gagawin natin silang kaalyansa sa darating na digmaan." seryosong aniya hari. Mas lalong lumawak ang pagkaka-ngise ng kaniyang kanang kamay. Ramdam ng hari na nasisiyahan ito sa kaniyang naging plano. Maging siya rin naman ay ganoon rin ang nararamdaman.

"Maganda nga iyang plano mo, My Lord." sang-ayon ni Victor st tumango pa ng dalawang beses.

"Pero..." dagdag nito na ikinakunot ng noo nang hari.

"Anong pero?" the king asked while his forehead is still creased.

"Paano kung hindi sila aanib sa atin, My Lord?" nakangising saad ni Victor na ikinadilim ng mukha ng hari. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ng kaniyang kanang kamay.

"Then, we'll eliminate them. We don't need a coward charmers." madilim nitong aniya na mas lalong ikinalawak ng ngisi ni Victor.

"Wala ka talagang sinasanto, My Lord. Hahaha!" sa isipan ni Victor.

"And we'll start from the North Pole down to the South." walang emosyon nitong sabi na ikinaseryoso ng mukha ng kaniyang kanang kamay.

"Gather my men. We'll start now." the king commanded to his right hand.

"Masusunod" yumuko muna ito bago tuloyang maglaho sa harap ng hari.

***
TBC...

Votes and follows are highly appreciated from the author. :)

Game Of Love(The 4 Possessive Kings)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon