119.

312 12 16
                                    

(3rd Person's Pov)

Dumaan ang mga araw at gabi bago nakabalik ang mga kawal na inutusan ni Victor papuntang North Pole.

Napakunot ang noo ng hari pagkakita na pagkakita niya sa kaniyang mga alagad. May mga pasa at mga sugat ang mga ito.

"Anong nangyari sa inyo?!" matigas nitong tanong sa kaniyang mga kawal na ngayon ay purong nakayuko na.

My, L-Lord. Hindi sumang-ayon sa plano ninyo ang nangyari." magalang na sagot ng isa sa mga kawal nito.

"Pwes! Patayin ninyo silang lahat!" sigaw ng hari kasabay ng malakas na pag-kulob at pag-kidlat na mas lalong nakapagdagdag ng maitim nitong awra.

"Masusunod, Panginoon." sabay-sabay nilang sagot bago yumuko bilang paalam.

"Victor!" sigaw ng hari sa kaniyang kanang kamay na si Victor. Wala pang limang segundo ay na sa gilid na ito ng truno nang hari habang nakaluhod na nakayuko.

"Ano ang nakalap mong balita?" diretsahang tanong ng hari  sa kaniyang kanang kamay.

"Ang pinuno ng isa sa mga isla ng North Pole ay hindi sumang-ayon, My Lord. At—" pabitin na sabi ni Victor na nagpataas ng kilay ng hari.

"Wag mo akong pinaghihintay, Victor." matigas nitong aniya na nagpahalakhal kay Victor. Ayaw na ayaw ng hari na binibitin lalo pa at gigil na gigil ito na malaman ang lahat ng impormasyong nakalap ng kaniyang kanang kamay.

"Matagal na pala itong patay ngunit binuhay ito ng kaniyang pinaka-mamahal na asawa gamit ang isang mahiwagang likido." nagpantig ang tainga ng hari sa kaniyang huling narinig.

"Ano ang pangalan ng mahiwagang likido?" puno ng kyuryusidad na tanong ng hari sa kaniyang kanang kamay na ngayon ay nangisi na.

"Yan ang hindi ko pa alam sa ngayon, My Lord." kalmado nitong saad na nagpasikip ng sentido ng hari.

"Bakit mo pa sinabi sa akin ang balitang iyan kung hindi mo naman makompleto ang gusto kong malaman! malakas na sigaw ng hari na nagpayuko kay Victor.

"Patawad, My Lord. I'll gather a complete data next time." magalang nitong aniya habang nakayuko parin sa gilid ng hari.

"Siguraduhin mo lang, Victor. Alam mo na ang mangyayari sa iyo sa oras na magsinungaling ka man sa akin." Babala ng hari na ikinatango ng kaniyang kanang kamay.

"How about my family? Nalaman niyo ba kung sino ang kumuha sa mag-ina ko?" Upon remembering about losing his beloved wife ang children ay hindi maiwasan ng hari na mag-alburoto sa galit.

"Hindi pa, My Lord. Pero sigurado ako na isa sa mga estudyante ng Muller Academy ang may pakana nito." siguradong aniya Victor.

"Siguradong tama ka, Victor. Muller Academy really blocks my plan. Dinamay pa nila ang mag-ina ko! Pwes! Ibibigay ko ang gusto nilang mangyari." matigas aniya ng hari saka malakas na tumawa. Tawang may planong hindi maganda.

Again, days passed pero hindi parin nakakabalik ang mga kawal na inutosan niya na patayin ang mga charmers ng isa sa mga isla ng North Pole na hindi umanib sa kaniya.

Inip na inip na ang hari sa kaniyang truno kaya tinawag niya ang kaniyang kanang kamay. Si Victor.

"Victor!" tawag nito sa pangalan ng kaniyang kanang kamay. Isang iglap lang ay nakatayo na ito sa kaniyang tabi.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo, My Lord?" magalang na tanong ni Victor.

"Ano na?! Apat na araw na ang lumipas pero hindi parin bumabalik ang mga kawal na inutosan ko!"  nauubos na ang pasensya ng hari.

"Iyan din sana ang gusto kong ibalita sa iyo, My Lord. Napatay ang lahat ng mga kawal na inutosan mo sa Isla La Neve. Merong nakialam sa plano natin, My Lord." nanghihinayang na saad ni Victor sa hari.

Lalong nagalit ang hari sa kaniyang narinig.

"Sino?! Sino ang mga walang hiyang nakialam sa plano ko?! Sino?! Sabihin mo sa akin, Victor!" panghihimutok ng hari ng kadiliman.

"Ang mga espesyal na estudyante ng Muller Academy, My Lord." saad naman ng kaniyang kanang kamay.

"Sila na naman?! Leave and destroy their academy! Wag kayong magtira ni isang estudyante ng litsing paaralan na iyon!" mas lalong dumilim ang paligid sa buong kaharian.

Hindi pa nga nito nakikita ang kaniyang mag-ina dumagdag pa sa kaniyang suliranin ang mga pakialamerong mga estudyante ng Muller Academy.

Tumango at yumuko si Victor bago naglaho na parang bola sa gilid ng hari.

"Mga panirang estudyante! Magbabayad kayo! Uubosin ko kayong lahat hanggang sa ako na abg maghahari sa buong mundo! Hahaha!" para itong wala sa tamang katinoan kung tumawa. Napakalakas rin ng tawa nito na rinig na rinig sa buong pasilyo.

***
To be continue...

Hola, Señorita, Señorito. Have a nice day ahead.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Game Of Love(The 4 Possessive Kings)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon