Chapter ONE

308 9 7
                                    

" hoy panget! tara na!" sabay hila sakin ni Maddy

" mauna ka na.. kukuhanan ko pa siya ng picture eeeehh.." sabi ko sa kanya

" sino ba yan ha?" tanong niya na nakataas ang kilay

" ah... eh..."

" crush mo no???!!!" huh?? crush ko daw oh.. asa siya

" di ah.. " sabi ko naman. eh hindi naman talaga

" halata na nga lang itatago mo pa..." huh? ano daw? 

" excuse me no, never pa ako nagkaroon ng crush asa ka pa...!"

"sus, itago mo pa halata naman,.. psh" halata ang alin??

" whatever.." sabi ko sa kanya at nagsimula ng maglakad ulit kasama ko ang aking SLR.

" hoy panget! saglit lang!" sigaw niya sakin habang tumatakbo...

" oh. akala ko ba uuwi ka na? umuwi ka na!" pag taboy ko sa kanya panira sa mood eh..

" aish, wala akong kasama eh, sama nalang muna ako sayo!

"okay"

at eto kami nags stole ng picture sa isang artista.. haha joke. sa isang taong mahalga sa buhay ng aking mahal na kapatid. Si ate Maica Lizza Marcos, girlfriend ng aking kuya na si Alex Keith Delos Reyes. Malapit na daw kasi birthday niya eh kaya gagawan namin siya ng collage. at nandito kami ngayon sa park.. malapit lang to sa bahay namin..

maganda kasi si ate Maily at mabait din siya kaya ayan nagustuhan ni kuya.. Wala pa kasi ako masyadong alam tungkol sa kanya eh.. hindi ko nga rin alam kung may kapatid yan o wala. Ang ganda rin eh noh? girlfriend ng kuya ko pero wala akong masyado alam sa kanya.. astig!

"hoy! kuhanan mo na dali!!" 

"atat? grabe ka ah. kanina parang ayaw mo lang tapos ngayon makapag utos ka.."

Hold My Hand(ongoing=>Chapter TEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon