Chaper SEVEN: We meet, AGAIN

88 5 0
                                    

Chapter 7: we meet, AGAIN

Nagising ako dahil may biglang tumawag sakin. Mag hahating gabi na pero meron paring tatawg? watda.

" alam mo ba kung anong oras na?" bungad ko sa kung sinong tao man ang tumawag sakin.

"chill." at eto pa ang masama. si Ken lang naman ang tumawag.

"oh, anong kailangan mo?" 

"hindi ako makatulog." sabi nya sakin. Yun lang pala eh. May patawag tawag pa syang nalalaman.

"eh anong gusto mong gawin ko?"

"kantahan mo ako"

"mukha mo. sige matutulog na ako. dyan ka na." akmang papatayin ko na sana yung phone ko pero umawat sya.

"wait lang, sige, kwentuhan nalang tayo."

"ano namang pagkwekwentuhan natin?" pasalamat sya nasa mood ako at matino akong kausap.

"ghost."

"baliw ka ba? i dont effin believe in ghosts."

"bakit natatakot ka?"

"what the heck? ako? matatakot? baka ikaw?" ako? matatakot? psh. as if. i was born Brave.

"then magkwentuhan tayo tungkol sa multo." ang kulit netong taong to, ang gandang kutusan

"bakit ang kulit mo ha? matutulog na ako, wala kang kwentang kausap." saka ko sya binabaan. .Nakakairita kaya. Matutulog nalang ako.

Pero di pa ako nakakatulog may tumawag nanaman.

"DI BA SABI KO MATUTULOG NA AKO?!" sigaw ko sa kabilang linya.

"Lexi? ganyan ka na makipag usap sakin ngayon?" O-M-G O_o

"Mom?! ma sorry po."

"pasensya na, naistorbo pa kita, sasabihin ko lang na uuwi na ako next week. sige,. gudnyt. Dont ever yell at me again."

"okay mom, bye." saka ko na pinatay yung phone ko. hay.

***

next day.

Naglalakad ako ngayon dito sa campus. MAG ISA KO LANG! asan sila? may mga klase ata at lakad. Loner ako ngayon, bagay ko naman eh, sabagay bagay ko naman lahat. Pumunta ako sa may garden ng school saka umupo sa isang Bench. Tiningnan ko yung mga naglalaro ng soccer sa may field. Tanaw kasi mula dito.

 Sa pagmumuni muni ko, biglang may kumausap sakin.

"kumusta Alexis?" si Jiero. Yung sinabihan nilang nakakatakot na gangster. eh sa nakikita ko, malinis naman mukha nya. Di naman sya mukhang gangster. umupo sya sa tabi ko.

"okay lang."

"bakit mag isa ka lang?"

"kasi wala akong kasama?" kelan ba ako hindi namilosopo? never pa ata?

"okay, samahan kita. Tara sa Greenwich! treat ko!" tiningnan ko sya, sabi kasi nila di daw to mapagkakatiwalaan. pero dahil May pagka Glutton din talaga ako.

"GAME!" saka na kami pumunta gamit yung kotse nya. Pagkarating namin sa greenwich pinagtitinginan nila kami. sus. baka naiintriga sila kung bakit ako sumama sa isang gangster. Paki nila? manlilibre sya eh edi sasama ako.

"anong gusto mo?" tanong nya sakin kaya tinuro ko yung  yung fried chicken na may rice, fries, tapos yung isang buong pizza, yung tropicoolers na green, yung lasangna. Pero joke lang lahat yan. dahil hindi naman masyadong Makapal ang pagmumukha ko.

"ikaw bahala." sabi ko sa kanya saka na ako pumunta sa may table namin. May naririnig nga akong nagbubulungan.

"sila na ba?" nye panu magiging kami eh kelan ko lang to nakilala.

"mukhang di naman" bulong nung isang babae kung bulong ngang matatawag yun dahil rinig ko pa. Tama ka teh, hindinga kami.

"pero bakit nya kasama si Jiero? pero infairness teh, maganda yung girl" tanong nung isang madaldal na babae. ay, maganda daw ako.Paki ba nila kung magkasama kami. Pati pala ako paki elamera nakikinig sa may usapan

"paki ko?" pag tataray nung girlna isa. tama yan girl.

"bitter wahahahaah" ay, may HD kay Jiero. kawawa ka naman.

Natigil ang pakikinig ko ng bigla ng dumating si Jiero dala yung order namin. Kumain na kami saka nagkwentuhan ng kung ano ano. 

"gangster ka daw?" walang pag aalinlangan kong tanong. 

"oo"

"kelan pa?"

"matagal na pero tumigil na ako last last month."ah. sus tumigil na pala eh. bakit ako matatakot? di naman sya nakakatakot.

"bakit?" tanong ko na nakataas yung isang kilay

"sawa na ako eh." reason nya? walang kwenta.

'ah" yun nalang nasabi ko. Kumain lang kami ng kumain hanggang sa matapos saka na nya ako hinatid pauwi wala narin naman akong balak pumasok dahil wala naman yung Prof namin. Nagpaalam na ako sa kanya saka na sya umalis.

Pagpasok ko sa bahay.

"what are you doing with him?" tanong sakin ni Ken. oo ni Ken. 

"paki mo?" saka na ako dumiretso sa hagdan pero pinigilan nya ako.

"answer my question first" nanggagalaiti nyang utos. pero di ako natatakot sa kanya

"why would I? sino ka ba?" saka ko na binawi yung kamay ko saka dumeretso sa kwarto. Never na talaga kami magkakasunod nun. NEVER. ASA sya A S A 

(Onting update dahil b day ko bukas, bday gift ko nalang to sa sarili ko. Kahit panget sya okay lang. Salamat ng pala sa nagbabasa netong kwentong to. Thank you)

Hold My Hand(ongoing=>Chapter TEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon