Chapter 1 - First Encounter

15 7 0
                                    


It was mid-afternoon. Mataas ang sikat ng araw habang tinatahak ko ang daan patungo sa lilipatan kong dorm sa loob ng campus. Sa likod ko ay nakabuntot si Neil, kababata at kaklase ko rin. Hila niya sa magkabila niyang kamay ang malalaki niyang maleta.

Last year na namin ngayon sa college at napagpasiyahan namin na mag dorm. We're actually planning to do this as early as the first semester of our third year in college. But it just so happened that I had to undergo an operation at that time due to appendicitis, so my Dad did not allow it.

Ngayon, wala namang naging problema. Si Dad pa mismo nagtanong sa akin kung balak ko daw bang ituloy ang paglipat sa dorm. Gusto rin kasi nila ni Mom na matuto akong maging independent. They were always supportive of me, and they trust me on doing big decisions for myself.

"Hindi ba talaga pwede na magkasama tayo sa dorm?" tanong ni Neil. Bahagya siyang huminto para punasan ang pawis na tumutulo sa noo niya.

"Sabi ni Mr. Aunor dalawang kwarto na lang daw ang may vacant na kama."

"Like, tig-isang kama? Kasi diba dalawang tao kada kwarto?" tumigil kami sa tapat ng isang silver na gate.

Naka-lock pa ito dahil weekend. Yung guard na naka duty naman ay nakasalubong namin kanina. Kukunin niya lang daw yung susi sa office ng dorm supervisor, kaya nauna na kami dito.

"Yep, yung dalawa daw kasi na dating tumutuloy doon sa dorm ay lumipat na ng apartment sa labas, since need daw parehas magtrabaho sa gabi," paliwanag ko naman.

"Pero magkaiba sila ng dorm na tinutuluyan before?" may halong pagkalito sa boses niya ng itanong niya ito. Napahawak naman ako sa batok. Ito na rin kasi yung tinanong niya kanina no'ng nasa kotse pa kami.

Ibinaba ko muna yung hawak kong carry-on baggage bago umupo sa malapit na bench sa puwesto namin. Gan'on din ang ginawa ni Neil matapos niyang uminom ng tubig.

"Yep, one used to stay in room 202, the other one is in room 209. Pero same floor lang naman, 4th floor," tumango-tango lang siya at hindi na ulit nagtanong.

We waited for the dorm guard for 5 minutes. Medyo inip na rin kami dahil wala naman kaming magawa kanina. Wala rin kaming mapag-usapan kasi lagi naman kaming magkasama. So there's actually nothing new to talk about. Puwera na lang kung may bigla siyang naisip na puntahan.

Mahilig kasi kami mag-travel, lalo na kapag weekends since may sarili naman kaming sasakyan.

"Pasensya na po kung natagalan, may pinasundo po kasi sakin si Sir Aunor, maglilipat din daw po ng gamit sa dorm," bungad samin ni Kuya Ryan, yung dorm guard.

"Akala ko po nakapag lipat na lahat kasi may pasok na sa Monday? Bago din po siya sa dorm?" pag-uusisa ni Neil.

I actually know na may bagong lilipat, Mr. Aunor told me beforehand, since I'll be sharing a room with that person. Hindi ko lang inaasahan na ngayon rin siya maglilipat.

"Yeah, I just transferred last week." pareho kaming napalingon sa likuran namin.

A guy wearing a gray hooded jacket was standing behind us. His right hand was holding the handle of his suitcase, the other one carrying a leather handheld bag.

I can't help but stare at him. He's tall, definitely a 6 footer like me. He also has sharp visuals: a tall nose bridge; a heart-inverted triangle shaped face; monolid and double eyelid eyes; and thin pinkish lips.

I on the other hand has a square shaped face; a straight nose bridge which my Mom called a button nose, but mine is a little hooked up and is perfectly proportioned as she calls it; a small-sharp eyes; and  a defined cupid bow inferior lip, and a thin upper lip. I'm actually wearing a hooded jacket too, but mine is black.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Knowing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon