Part 5: Feel at home

0 1 0
                                    


"Shutabels! Sakit ng ulo ko" nagrereklamong sambit ni Dreiana. Nasa may kusina na kami nina Rowen ngayon, as I checked my phone it's just 7:44 am. I think mga mamayang 9:30 pa kami uuwi.

"Vellin, huhu. Saan makakabili ng bagong ulo?" Napailing nalang ako na natatawa kay Dreiana.

"Hanap ka munang Marites, panigurado hindi lang ulo maibibigay nila sa'yo" sagot ko naman sakaniya.

I heard her groaned that makes me laughed "ayan, alak pa more" sambit naman ni Arla na ngayon ay parang ewan ang itsura. Kung fresh sila kahapon, para silang walking zombie ngayon.

Nagkatinginan kami ni Rowen and I guess we think the same thing.

"Hoy! Anong tinginan yan ha?! Arla! May balak yang dalawang 'yan!" Yung singkit na mata ni Dreiana ay lumaki habang tinitingnan kaming dalawa ni Rowen.  Si Arla naman ay napabangon bigla at tiningnan kami. Nawala ata kalasingan nila?

"Shutabels! Sana mali ang naiisip ko" kinakabahang sambit naman ni Arla.  Nagkatinginan kami ni Rowen at natawa ng malakas at halos kumunot ang noo nilang dalawa dahil sa lakas ng tawa namin.

"Tangina anooo kasiii 'yan!" Lumapit sa'min si Dreiana at dinaganan kami. Putek my breast. Ay joke wala pala kami non.

"Gusto niyo talagang malaman?" Natatawang sambit ko naman, nag-apir pa ulit kami ni Rowen ng halos mamutla ang dalawa.

Dreiana is a legit prankster who loves fashion so much.
Arla is singerist na mapamusit (mapang-asar) but mind you, she has a great voice.
Zorthea is a dancer.
Rowen and I are both athlete.

We are all different but I guess our differences makes our bond to be more stronger.

"Gaga! Kinakabahan na ako!! Ikakasira ba ng buhay ko yung ginawa ko kagabi?" Halos mamutla si Arla habang hindi naman mapakali si Dreiana.

Actually, nakakatawa silang dalawa kagabi. Kung ano-anong pinang-gagawa nila at halos mapuno na rin storage namin ni Rowen kakavideo sakanila at halos maiyak din kami kakatawa dahil unique pala sila malasing.

"Pakita na ba natin?" Nagpupunas na ngayon ng luha si Rowen dahil sa kakatawa niya dahil kahit nakapikit kami, naaalala namin mga kalasingan moments nila. Tumango ako sakaniya at inopen na rin ang gallery ng phone ko.

"SHUTA!!!"

"TANGINA!!"

Sabay na sambit ng dalawa ng makita nila yung video nila. Grabe rin yung expression ng mukha nila ngayon—yung pinagpapawisan kahit naka-aircon, nakanganga at halos mamutla pero dabest talaga expression ni Dreiana, parang constipated na hindi.

"T-tangina.. k-kami ba talaga 'yan?!" Nakaturo pa siya sa phone namin. Tumango naman kami at halos patayin nila kami sa titig noong makita nila kami na napapaiyak na kakatawa.

May stolen pic at another video pa silang 3.. nakangangang Arla habang katabi yung bote ng alak, Dreiana na humihilik habang nagisleep talk at si Zorthea na tulo laway habang buhaghag ang buhok.

"Oh, ba't ganiyan mga mukha ng dalawang 'yan?" Pagtatanong ni Zorthea, and just like that natawa na naman kaming malakas habang nabulunan naman ang dalawa.

"Kasi.. HAHAHAHAHAHAHA. ano.. HAHAHAHAH .. .... " putol putol na sabi ni Rowen dahil halos puro kami tawa.

"Anooo ngaaa?" kunot noong pagtatanong ni Zorthea.

"May v-...asjklvb" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sinubo ni Arla sa bibig ko yung sandwich.

Sinamaan ko siya ng tingin pero ang babaita nginitian lang ako at nag finger heart pa.

"Pustahan... May video sila no?" Zorthea guessed. Nakaupo na kaming lahat and kumakain na ng breakfast. May sinangag, sunny side up na itlog, hotdogs, bacons, at may adobo pa. Aside from that may pritong galunggong pa at sandwiches. Oh, St. Rowen ampunin mo na kami.

"Korek! Pero pati ikaw mayroon din no" Dreiana replied pero kalaunan napatakip siya ng kaniyang mukha.

Oh! no! Oh! no! Oh! no! no! no! no! no! no!

"Gusto niyo ng kape?" Pagtatanong ni Rowen sa'min. Tumango naman sina Zorthea at Arla.

"Timpla kayo do'n" nakangising sambit naman ni Dreiana. Nakatanggap naman siya ng mahinang sapok kay Arla.

"Pagtimpla ko nalang kayo, ilan ba? Arla and Zorthea lang?" Pagtatanong ko.  "Bait mo naman, Vels. Sige na nga pati na ako" Dreiana replied at kinindatan ako. Feel at home talaga kami sa bahay ni Rowen, nawa'y lahat.

"Ikaw babe, gusto mo ng kape?" Rinig kong pagtatanong ni Zorthea sa kaniyang jowabels. "Hati nalang tayo babe" ani Kram.

Ako kasi hindi man nagkakape eh, gaya ni Rowen pero madalas ko sila pagtimpla ng coffee especially kapag may ganitong overnight kami.

"Here's your coffeeeee~~ dahan-dahan mainit!" I said pagkatapos ay pinagpatuloy ko na ang pag kain.

"What time na pala? Itututor ko pa pala anak ni Benjamin. I almost forgot" I added.

"It's 7:58  na.. bilisan nalang natin kumain, feel ko talaga mag-rarap na nanay ko kauwi ko mamaya" sagot naman ni Arla kaya tinawanan namin siya.

"Pakabusog kayo d'yan mga anak ha" sambit ni Tita Len. Ang sarap pala talaga sa feeling 'pag welcome na welcome kayo sa bahay ng ibang tao no? Sometimes kasi, may mga bahay na kahit sabihin nilang welcome kayo, 'di mo feel sa loob.. like parang pilit ganon? But here, sa bahay nina Rowen, ni katiting na pamamahiya wala kaming naranasan, it's just pure happiness at napifeel namin na welcome talaga kami.

"Opo, tita. Sarap po ng luto niyo eh" Dreiana replied kaya nagtanguan kami at nginitian si Tita.

"Oh siya sige, balik na ako ro'n sa loob kapag gusto niyo pa ng ulam mayroon pa d'yan" dagdag pa ni Tita pagkatapos ay tinuro niya yung kawali na nakapatong sa stove nila.

"Rowen, baka naghahanap ka ng bagong kapatid.. magvo-volunteer ako" natatawang sambit ni Arla.

"Ay, hindi ka pwede Dors baka ubusin mo lang pagkain nina Rowen" Zorthea replied kung kaya't nakatanggap naman siya ng death glare kay Arla.

"Ang supportive mong kaibigan talaga 'no?" Nakabusangot na saad ni Arla.
"Naman! Baka Zorthea Sakalam 'to" natatawang sagot naman ni Zorthea.

------

"Titaaa~~ una na po kami! Salamat po sa fooodsss" pagpapaalam ni Arla.

"Nabusog po kami tita, sa uulitin po" natatawang sambit naman ni Zorthea.

"Walang anuman mga anak, oh, ingat kayo sa pag-uwi ah! Balik kayo ulit dito sa susunod" nakangiting sagot ni Tita.

"Babyeeeee poooo~~"

And just like that, we're parting ways again but the mere fact that we enjoyed every bits of seconds, minutes, and hours na magkakasama kami, that's just enough.

"Ingat kayo ha? Chat nalang sa GC 'pag nakauwi na kayo" sambit ko sakanila habang naglalakad kami. Tinanguan naman nila ako pagkatapos ay naghintay na kaming jeep sa may paradahan sa kanto nina Rowen.

After a while ay sumakay na sina Zorthea at Kram then followed by Arla.
Naiwan kami ni Dreiana, halos punuan kasi mga jeep na dumadaan.

"Vels, may load ka?" Pagtatanong ni Dreiana. Hawak niya phone niya ngayon and she said kaka-expired lang daw ng load niya.

"FB10 lang load ko eh" natatawang saad ko sakaniya. Very foor ang mga ferson hehe

"Pwede ako pahotspot? Open ko lang 'tong picture na sinend ni Ate Faye"

Tinanguan ko naman siya "Hotdog for sale name ng hotspot ko ah, tapos password ay Jumbohotdogswithcheese" 

"Pashneeyaaa ka, sa password nalang ako" natatawang sagot naman niya. "Oks naaa, salamat Vels!"

"Welcome, oh.. ayan na pala yung jeep"

VerblasstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon