"Hi, Benj! Gising na ba si Macky?" I asked Benjamin pagkarating ko rito sa bahay nila. Anak niya si Macky Dela Paz, he's 7 years old at ako yung kinuha nilang tutor niya."Oh! Vellin.. ikaw pala. Ah, oo gising na siya. Excited nga siya ngayon eh, kanina ka pa niya tinatanong sa'kin" natatawang sambit naman ni Benjamin.
Pinapasok niya ako sa loob at natanaw ko rin si Madison, ang asawa niya. Nginitian niya ako pagkatapos ay lumapit sa'kin at niyakap ako. She's like a sister to me, kumpara sa kambal ko minsan nga mas napifeel ko pang kapatid ko 'to kaysa sa kakambal ko eh.
"Ganda natin ngayon ah, by the way.. tikman mo 'tong cookies na ginawa ko" she said at binigay sa'kin ang platong may lamang cookies.
"Asus! Binobola mo na naman ako eh, perooo grabe.... Ang sarap nito, ha. Hindi ka ba magbebenta nito?" Pagtatanong ko sakaniya.
Nasa may sala kami ngayon at hinihintay ko nalang si Macky which I think is having a bath right now."Balak ko nga sanang magtinda eh, I think I'll start nextweek. Basta, I will update you, okay? If you want, pwede ka rin maging reseller ko" nakangiting sambit niya sa'kin. Tumango naman ako sakaniya "Goodluck sa business mo, Madz! I know mapapalago mo rin 'yan. Knowing you? Mygad, chicken nalang sa'yo lalo na at super sarap din ng mga gawa mong cookies at pastries." Mahabang sagot ko sakaniya at kinindatan siya.
"Salamat, Vellin! Kain ka na muna diyan, alright? Puntahan lang namin si Macky at feeling ko ay nagpapapogi na naman sa'yo ang batang 'yon" natatawang sambit ni Madison at kalaunan ay nagtungo na siya sa second floor ng bahay nila. Although maraming beses na akong nagpunta rito, I can't help but to admire how beautiful is their house is. Hindi masakit sa mata ang kulay lalo na at kulay pastel ito. Regarding naman sa mga kagamitan nila hindi magugutom ang mata ko dahil ang dami nilang nabili... Appliances, couches, mamahaling vases, cabinets.. name it all.
-----
"Ano nga ulit letter 'to, Macky?" Pagtatanong ko sakaniya-nakaturo ang hintuturo ko sa letrang C.
"Ahm.. letter C po!!" Super laki ng ngiti niya at napifeel ko talagang balang araw, maganda ang future ng batang 'to. "Very good! Ngayon naman pwede ka bang magbigay ng animals na nagsisimula sa letter C? For example, cats...ikaw naman?" Nakangiting sambit ko sakaniya.
Tumango siya sa'kin "Example po... carabaoooo, tapos po cow... Then... Ahmm.. camel"
May hawak akong sticker at binibigay ko 'to sakaniya everytime na very good siya.
"Wow! Very good Macky! What about this? Anong mga letters kasi ulit 'to?" Pagkatapos ay sinulat ko sa whiteboard ang mga letters na; A N I M A L S
"A..n..i..m..a.. is that letter T po? then S?"
"I will read it loudly then repeat after me, okay? Tama 'yung letters na nabanggit mo, except from letter T.. it should be letter L, alright?"
Binigkas ko ang bawat letra hanggang sa mabuo ko ang word na animals...
"A.. n.. i.. m.. a.. l.. s..-your turn now Macky""A.. n.. i.. m.. a.. l.. s.."
"That's right! Ang basa rito ay.. A-ni-mals.. can you repeat it, Macky?"
"Ah-ni-mals"
Mabilis lumipas ang oras at ngayon ay tapos ko na turuan si Macky. MWF ang schedule ko sa pagtuturo sa kaniya.
"Salamat po ateee Vellin!" Nakangiting sambit ni Macky. Nginitian ko rin siya at ginulo ang buhok niya pagkatapos ay binuksan ko ang bag ko at kinuha ko yung stickers at ibinigay sakaniya.
"This is for you, Macky! Good job, keep it up, alright?"
"Wow! Thank you po ulit dito, ateee"
Tiningnan ko sina Benjamin at Madison at nagpaalam na, "Vellinnn~~ wait lang, here.. take it" pagkatapos ay inabot sa'kin ni Madison ang container na may lamang spaghetti at cake.
BINABASA MO ANG
Verblasst
RomanceVellin Chandria Vasquez is her name and this is her story to tell.