KABANATA 9
Noong makapasok na kami ni Robb sa unit niya ay namangha ako. Shades of gray and black ang kulay nito. May sarili siyang sofa at T.V, sa kaliwa naman ay doon ang kusina at banyo. May dalawang kwarto rin at saka veranda.
Napaisip ako kung komportable ba siya rito mag-isa lalo na't nakakalungkot kapag wala ka man lang kausap kahit aso man lang.
"Wala bang alikabok dito?" Pambibiro ko dahil sobrang organize at linis ng unit niya.
Tumawa lang siya. Napasunod ako sa kaniya sa kusina at binuksan ni Robb ang refrigerator. Binigyan niya ako ng isang basong tubig bago kami tumulak sa sala.
"Umupo ka muna, Aethan." Saad niya at kinuha ang remote para buksan ang T.V.
Ilinagay ko ang bag ko sa sofa at umupo. Para akong tumalbog dahil sa sobrang lambot nito. Tinabihan ako ni Robb at ngumiti siya sa akin. Sunod ay pumili siya ng panonoorin namin sa Netflix.
Kinuha ko naman ang selpon ko at tinext si tita Azina, bestfriend ni mama na isang professional baker ng cake. Dahil sa nangyari kanina ay muntik ko pang makalimutan ang cake ni Robb.
"Anong gusto mong panoorin?" Tanong ni Robb na nasa tabi ko. "Mahilig ka ba sa horror?"
"Kahit ano basta huwag lang series dahil baka hindi natin matapos hanggang bukas." Sagot ko na lamang at pinagpatuloy ang coversation ko kay tita Azina sa selpon.
Tumango lamang si Robb habang pumipili ng panonoorin namin. Balak ko siyang i-surprise dahil feeling ko ayaw niya talagang sabihin sa akin na kaawaraan niya ngayon. Ang dami niyang arte, mukhang 'di kami magkaibigan.
Paano na lang kaya kung hindi ako inaya ni Trina na maglinis sa office ni Mrs. Adorio noon? Edi, hindi ko pa nalaman. Samantala, napaisip tuloy ako kung baka Jehovah's Witnesses itong si Robb na bawal mag-celebrate ng birthday niya.
"Ito na lang." Maya-maya'y sabi niya noong makapili na, kaya binaba ko na ang selpon ko.
"Horror ba iyan?" Tanong ko at kumuha ng unan sa tabi ko.
"Hindi ko alam pero baka." Magulong sabi ni Robb kaya hindi na ako kumibo.
Noong magsimula na ang movie ay tahimik lang kaming nanood. Horror nga ang napili niya. 'Di niya man lang kasi tinignan ang genre bago manood. Napahawak tuloy ako sa kamay niya dahil nilalamig ako, ikaw ba naman ang may aircon sa sala.
Napansin kong natawa si Robb kaya binalingan ko siya ng tingin. Kumunot ang noo ko, hindi tinatanggal ang kamay ko sa kamay niya dahil doon ako kumukuha ng init.
"Hinahawakan mo ang kamay ko because?" Pang-aasar niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Pakyu! Malamig nga kaya kailangan ko ng init." Sabi ko at tinanggal na ang kamay ko sa kaniya para wala na siyang masabi.
"Pwede mo namang sabihing hinaan ko ang aircon eh. Nandito naman sa tabi ko ang remote." Saad niya at pinakita pa sa akin ang remote.
Hindi ko na siya pinansin at nanood na lamang ako. Paminsan-minsan ay nagugulat ako dahil sa sound effect ng movie. Sinasangga ko pa ang unan sa mukha ko kapag alam kong may mangyayaring masama sa mga characters.
Naramdaman ko naman na umusog si Robb at dumikit sa akin, sinandal niya ang ulo sa balikat ko. Maya-maya'y tumingin ako sa kaniya na mukhang nag-iisip at kaagad ko ring binalik ang attensyon ko sa movie.
BINABASA MO ANG
Hiding Tears
RomanceAethan Ash Josephs, a loving son and brother, met Robb Reiven Isidor, a mysterious transferee student with dark secrets. Because of academics and badminton trainings, they became inseparable, and one-day Aethan asked himself what his true feelings f...