XIX

65 8 7
                                    

KABANATA 19

Nang makaligo kami ni Robb ay bumaba na kami. Patakas kaming tumakas sa bahay nila. Pumunta kami sa isang garahe at saka niya ilinibas ang kaniyang motor.

Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis na kami. Napangiti ako sa salubong nang mainit na araw. Nadaanan namin ang mga tao na abala sa pagdiriwang nila ng kanilang Fiesta.

"Kain muna tayo, Aethan." Sabi sa akin ni Robb nang ihinto niya ang kaniyang motor.

Kakain muna kami saglit ni Robb sa kalsada. May mga nagtitinda kasi ng mga kakanin kaya ito na lang ang nag-mistulang breakfast namin. Napangiti ako ng subuan ako ni Robb ng kutsina at sinubuan ko naman siya ng kinakain kong puto.

Malakas din pala ang mga tugtog sa paligid namin at talagang ramdam ko ang saya ng Fiesta nila. May mga nakasabit ding mga banderitas, at ang raming tao.

"Tara na, Robb." Aya ko sa kaniya nang matapos kaming kumain.

Nang huminto ulit kami ni Robb ay siya na lang ang bumaba sa motor dahil bibili siya ng kandila para sa ate niya. Nag-drive na ulit siya kapagkuwan. Kinuha ko naman ang selpon ko at kumuha ng ilang mga larawan at video habang magkasama kami. Ang ganda ng mga tanawin nila dito kaya ramdam ko ang saya.

Nang kumaliwa kami ng daan ay napansin ko na kaagad ang mga puntod senyales na nandito na kami sa sementeryo. Pagkababa namin sa motor ay agad akong yinakap ni Robb para makakuha siya sa akin ng lakas. Char..

"Hello, ate Rillie. I miss you." Mukhang naiiyak na sabi ni Robb nang nasa puntod na kami ng ate niya. "Sana bumalik ka na."

Shereign Rillie Isidor
Born: February 28, 1998
Died: July 06, 2022

Hinaplos ko ang likod ni Robb para pakalmahin siya. Sinabi ko sa kaniyang sindihan na niya ang kandila. Lumayo muna ako kay Robb para makapag-usap sila ng ate niya.

Ako naman bilang pakialamero ay sinuri ko ang motor ni Robb. Kulay black at red ito na ginagamit sa motocross. Sa tingin ko ay mahihirapan kang makabili ng ganitong model dito sa Pilipinas dahil galing pa itong ibang bansa. May ganitong motor ang kuya ni Spade eh kaya alam ko.

"Do you want to drive?" Medyo nagulat ako sa boses ni Robb nang lumapit siya sa akin.

"Ayoko. Baka hindi ko iyan kaya." Sabi ko kaagad. "At huwag mo na akong turuan." Pangunguna ko na sa kaniya.

Tumawa lamang siya nang hinila niya ako papunta ulit sa puntod ng ate niya. Inakbayan ako ni Robb na nakangiti.

"This is Aethan Ash Josephs, Ate. He is my boyfriend." Sabi ni Robb kaya biglang namula ang pisngi ko. "He is the reason why I changed."

Nahihiya ko namang kinausap ang ate ni Robb kaya pinagtatawanan niya tuloy ako. Nagnakaw pa siya sa akin ng halik kaya tinulak ko ang pagmumukha niya.

Sunod naman ay binisita rin namin ang boyfriend ng ate ni Robb na pinapatay ng daddy niya. Nagsindi rin si Robb ng kandila doon at kinausap niya ito bago kami tuluyang umalis sa sementeryo.

"Mahal na mahal mo ang ate mo noh?" Tanong ko sa kaniya habang nakaupo kami sa isang hanging bridge.

"Oo naman. Kahit na palagi kaming pinagkukumpara noon ay hindi ko nagawang magtanim ng galit sa kaniya dahil kay ate lang naman ako nakaramdam ng tunay na pagmamahal eh." Kwento ni Robb at malungkot na ngumiti.

Hiding TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon