XI

75 10 26
                                    

KABANATA 11

"Oh, EA. Mag-ingat ka dun ah. Tumawag ka kapag nakarating na kayo."

Parang mababasag na ang boses ni mama at papa dahil sa kabibilin nila kay EA. May tiwala naman sila sa kapatid ko pero mayroon pa rin sa parte nila ang mag-alala. Ngayon na kasi ang alis niya upang maki-contest ng Campus Journalism.

Inagaw ko si EA mula sa kanila at yinakap ko ito sabay gulo ng buhok niya. Sinabi kong galingan niya sa contest nila at proud ako kahit ano man ang lumabas na resulta.

"Nandiyan na ang van, Anak. Mag-ingat ka dun ah." Bilin ulit ni papa na tinatago ang lungkot.

Kumaway sa amin si EA at tinulungan siya ng driver na buhatin ang maleta niya. Dinaanan si EA dito sa bahay namin ng isang puting school van ng Ranceff Academy. Pinaalis muna namin ito bago ako umakyat sa kwarto ko.

Dahil maagang umalis si EA ay naligo na rin ako dahil pupunta ako sa eskwelahan. Bigla kasing nag-chat sa GC namin si Mr. Centeno kagabi na sukatan namin ngayon ng jersey para sa City Meet. Napagtanto kong malapit na rin pala iyon at kami ang host school.

Minsan hindi ko na alam kung anong uunahin ko dahil ang pag-aaral at ang paglalaro ko ng badminton ay parehas na mahalaga sa akin. Ginagawa ko naman ito para sa sarili ko upang magtagumpay.

Kahit lingid sa kaalaman ng iba ang binibigay kong pressure sa sarili ko ay lumalaban ako, at wala akong magawa minsan kundi umiyak na lamang sa kwarto ko. Parang pinapatay ko ang sarili ko gabi-gabi kahit alam kong pinapahirapan ko na ang katawan ko. Palagi akong puyat at nanghihina tuwing pumapasok ako pero nagagawa ko pa ring mag-aral at maglaro ng mabuti.

Kung gusto ko kasi ang isang bagay ay inaabot ko ito at hindi ko ito sinusukuan. Kahit bumagsak pa ang katawan ko ay patuloy kong linalaban ang gusto ko. I like presurring myself.

"Saan mo gustong pumunta mamaya o uuwi ka kaagad?" Tanong sa akin ni Robb habang naka-upo kami sa may mga bleachers.

"May urgent work ngayon sila mama at papa sa City Hall eh kaya kapag umuwi ako, mag-isa lang ako sa bahay." Sabi ko kay Robb. "Dalhin mo na lang ako kahit saan tutal wala naman tayong training ngayon." Dagdag ko pa.

Sabado ngayon at wala kaming pasok o training ng badminton pero 'yung ibang varsity athletes gaya ng basketball at volleyball team ay nandito ngayon upang mag-ensayo. Kasalukuyan silang sinusukatan ng jersey at pagkatapos nila ay kami namang badminton team.

Bigla naman akong napasapo sa noo ko dahil nakita ko iyong isang babaeng kaklase namin ni Robb na nagbabasa ng notes sa may sulok, volleyball player siya. Muntik ko pang makalimutan ang pagrereview ko para sa examination namin sa Monday dahil sa mga iniisip ko.

"Kailangan ko palang mag-aral sa bahay Robb." Bawi ko sa sinabi ko sa kaniya. "Tignan mo si Jasmine oh." Nginuso ko sa kaniya si Jasmine.

"Edi, mag-aral na lang tayo. Maboboring lang din naman ako sa condo eh." Saad niya.

"Sige, sa bahay ka muna. Daanan na lang natin ang mga gamit mo mamaya." Pagsang-ayon ko.

Tumango lang siya kaya naging tahimik kami. Kapag ganitong magkasama kami nitong si Robb at naubusan kami ng topic ay parang ang awkward ng paligid namin. Ang hirap kasing mag-isip ng topic minsan eh.

Samantala, natigilan naman kami noong maglakad si Drive papunta sa amin. Masaya siya habang kumakain ng hopia at may dala pa siyang bottle ng softdrinks. Katatapos lang ng team niyang magpasukat ng chess uniform nila.

Hiding TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon