XVIII

78 7 15
                                    

KABANATA 18

"My grades are fine. My average was 98 percent in the last grading semester. Nagsimula na rin ang panibagong sem namin."

Tahimik lang akong kumakain nang tanungin ulit ng mommy ni Robb kung kumusta ang school niya. Hindi ako mapakali sa upuan ko dahil nakakaramdam na naman ako ng kaba at takot.

Tuwing may sinasabi ang parents niya sa kaniyang masasakit na salita ay nasasaktan din ako. Ganito ba sila palagi kahit na may bisita sila? Mukhang sanay na sanay na silang magbangayan. Mga politiko ang magulang ni Robb at alam dapat nila kung paano bumisita, tama?

"98 percent huh. You're not joking, right?" Nakakaasar na tanong ng mommy ni Robb, parang ako pa ang nahihiya.

"Ask this important person to me if you don't believe me." Medyo nawawalan ng pasensiya na ani ni Robb.

Teka- Important person to me? Tanginang Robb 'to. Pwede niya namang sabihing friend na lang.

Bumaling naman sa akin ang mommy ni Robb. Hindi ko siya kayang tignan sa mata dahil nakakatakot ito lalo na't naka-lipstick siya ng kulay itim.

"Is that true - What's your name?" Tanong sa akin ng mommy niya.

"A-Ash." Sagot ko sa pangawalang pangalan ko. "My name is Ash, Ma'am." Magalang na sabi ko.

"Is that true Ash that Robb's average was 98 percent in the last semester?" Tanong niya ulit. "Hindi ako naniniwala."

"Yes, Ma'am. Your son is smart, absolutely smart." Sagot ko habang nanginginig.

"Mabuti naman at tumaas ang mga grades mo ngayon, Robb. Once you did not maintain your grades, alam mo na ang susunod na mangyayari."

"Ofcourse. I will not disappoint you. I promise." Si Robb na walang reaksyon.

Hindi man lang nila sinabihan si Robb ng congrats o 'di kaya'y proud kami sa 'yo, Nak. Parang gusto kong mawala ang itinuro sa akin ng magulang kong kagandahang asal dahil kanina ko pa sila gustong sumbatan dahil napupuno na ako.

Matagal na nawala si Robb sa kanila pero ang bumungad sa kaniya ay hindi pagmamahal kundi galit at pagdududa. Nakakainis ang mga politikong 'to! Gusto ko tuloy silang tusukin ng tinidor na hawak ko.

"Sinabi pala sa akin ni Mang Pavel na nakatira ka sa condo. Where did you get the money to buy one? I thought you're in a dorm." Kalmadong sabi ng daddy niya at sumubo ng steak.

"Your right, Hon. Where did your son get the money to buy his own unit?" Nagtataka rin ang mommy niya. "Condo is expensive. It's cost a lot of million at ang ibinibigay lang nating allowanace niya ay 4,000 per week at kung kulang iyon para sa kaniya ay alam naman nating gagawan niya ng paraan." Dagdag pa nito.

4,000 a week? Ang liit naman dahil talagang kulang iyon. Mga kuripot! Ang rami kaya naming gastusin sa paaralan.

"We are waiting your answer, Robb. Where did you get a money? Did you steal my money or your mom's money before going at the city?" Pagpapahiya pa ng daddy niya sa kaniya.

Napabuntong-hininga si Robb at binitawan ang hawak niyang kubyertos. Naiinis na. Tinapunan niya naman ako saglit ng tingin at tipid na ngumiti. Kita ko sa mata niya ang itinatago niyang galit at lungkot.

Hiding TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon