Tala's POV
The smell of coffee really gave me a nostalgic feeling, I sipped my own coffee and looked at the handsome man infront of me. Yes, handsome. Totoo yon, no false. I guess i'm really attached to him before, and until now I guess. I'm really whipped.
He smiled at me and I smiled back, kakarating ko lang and he ordered me some iced coffee, we're already here at the café. I don't really know how to start a conversation with him.
"So, how are you lately?" he suddenly asked me kaya medyo nabulunan ako. Nakita ko naman siyang nataranta at kumuha agad ng tissue na nasa lamesa.
"Are you okay?" he said. Nakakahiya yung ginawa ko kaya tumango lang ako at ngumiti.
"Doing good, kakatapos lang din ng semester and may break ng 2 months kasi done na din yung third year. Ikaw? I mean, how are you lately?" I asked him.
"Good, busy with my ongoing project. But it's okay though patapos na din naman ako" tumango ako sa sinabi niya.
"Tala" he called me, iba talaga yung effect kapag siya yung tumatawag sa akin. 'yung tipong bumibilis agad yung tibok ng puso ko. Ang lakas ng epekto niya sa akin.
"Yes?" sabi ko, habang tinatago ang kilig. Hindi ko alam kung paano ko siya titingnan sa mata dahil nga baka namumula na ako na parang kamatis.
"Look at me" he chuckled. "You're really cute when you're shy" sabi niya sa akin kaya tiningnan ko siya.
"Ako? Nahihiya? Kelan pa?" sabi ko sakanya at umupo ng tuwid habang iniiwas ang aking mata sa kanya.
"Look at me"
"Kanina pa kita tinitingnan ah" sabi ko pa sa kanya at tiningnan ulit siya pero mabilis lang iyon.
"You're not, it's just a glimpse tala. Look at me in the eyes" sabi niya pa sa akin kaya napatitig ako sa kanyang mata. At dahil doon bumilis ulit ang tibok ng puso ko at parang nalusaw ako dahil sa mga titig niya.
"Good" sabi niya sa akin and then he flashed his dashing smile at me that made my knees weakened.
"By the way" sabi ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin. "Sorry for blocking you on messenger"
"No, it's okay. Alam ko namang iu-unblock mo ako" sabi niya pa.
"Lala mo naman, Dior. Apakahangin" hindi ko napigilang sabihin iyon sa kanya.
He suddenly smiled and laughed.
"Yan ang gusto kong ugali mo, actually lahat naman ng ugali mo gusto ko. Hindi lang pati ugali, every parts of you talaga" sabi niya pa. Buti nalang at kaakunti lang ang tao sa café at hindi medyo nagkakalapit lapit.
"Manahimik ka" sabi ko pa dito pero sa totoo lang kinikilig na talaga ako kanina pa.
"Seriously ito nga sasabihin ko"
"Ano yon?" sabi ko at lumapit pa sa kanya.
"My intentions are really pure years ago at hanggang ngayon. Sadyang napakagago ko lang noon at napaka torpe kaya hindi ko kayang panindigan kung ano man ang mayroon sa atin, pero I would really do anything just to be with you. Kahit ilang taon pa man hintayin ko, I would really wait for you." sabi niya sa akin.
That made me speechless.
"Ewan ko nga kung anong ginawa mo sa akin noon para maging ganon yung epekto mo sa akin" sabi niya pa. "But I would really do everything just to be next to you, kung papipiliin man ako kung sino, I would really choose you over anyone. I would really shoose you over and over again, without doubt, in a heartbeat, I'll keep choosing you" sabi niya sa akin. "If you're doubting that i'm all talk, I could really do everything just for you. Hindi lang ako puro salita kaya ko ring gumawa, Tala. Gumawa pa ng bata, kaya ko din" sabi niya kaya natwa ako sa huling sinabi niya.
"why are you laughing?" seryoso niyang sambit kaya nag seryoso ako.
"Ikaw kasi eh"
"Anong ako?"
"Hindi ikaw talaga eh"
"Ano nga?"
"Pogi mo lang hehe"
"Kilig ka lang eh, sus." sabi niya pa kaya pinandilatan ko siya.
"Natatawa ako kasi ano" I said while i'm laughing. "Bakit mo kasi sinabing kaya mong gumawa ng bata, ginagawa lang ba yon?" sabi ko pa sa kanya.
"Hindi, pero alam ko kung paano." sabi niya pa sa akin. "Pero alam ko naman na hindi ko pa yon magagawa ngayon." dugtong niya.
"Bakit? You're already 22 and yet you're already successful so ano pa diba?" sabi ko pa sakanya. Nagtapos siya ng pag aaral noong 20 palang siya, how can't I know kung ang pinsan ko eh palagi akong kinukulit at sinasabihan kahit hindi ko naman tinatanong tungkol sa kaibigan niya, and they graduated together kasama yung kaibigan nilang si Zian, ewan ko ba kung tama yung pangalan pero parang ganun ata.
"Siyempre hindi din naman ready magiging nanay ng mga anak ko" sabi niya.
"Ilang taon na ba siya?" sabi ko sa kanya.
"Mag 20 palang this august" that made me confused.
"Ay ambata naman nun" sabi ko out of nowhere.
"Bata ka naman talaga ah, baby ka pa. Baby ko." napahinto ako at tinuro ang aking sarili.
"Anong ako, yung jowa mo pinag uusapan natin" sabi ko sa kanya. Medyo nainis pa ako dahil nga bakit pa siya magpapakita sa akin, may girlfriend naman na siya.
"Hindi ko pa naman siya girlfriend, saka sinasagot mo na ba ako, para maging girlfriend na kita?" sabi niya sa akin, that made speechless.
"It's you that I am talking about Tala, kung may magiging anak man ako, ikaw lang ang gusto kong maging ina nila" he said and I can hear his sincerity and pureness in his yees.