Chapter 1 - Reese Beatriz Ynarez

48 1 0
                                    

Bethany College.

Ito ang nakasulat sa itaas ng malaking gate ng skwelahan sa harapan ko. Chineck ko ang mga papeles na ibinigay sa akin ni Mr. Perez kanina. Bethany Collegee. Sa mismong address na ito.

Pumasok ako at pinarada ang sasakyan sa bakanteng lote. Bago ako bumaba ay inilibot ko muna ang aking paningin sa buong paligid. Malaking skwelahan. Iilang studyante na lamang ang nakikita kong naglalakad sa loob ng campus.

Bumaba ako ng kotse at naglakad patungo sa guard na nagbabantay sa may gate. HIndi ko pa naman kasi kabisado ang lugar kaya kaiangan kong magtanong.

" Excuse me."

Tumalima ang guard at nakangiting hinarap ako.

" Yes ma'am, bakit po?"

" Alam niyo po ba kung saan ko makikita ang Arts & Sciences building?" tanong ko dito na ngayoy nagniningning ang mga mata at pinagmamasdan ako ng buong paghanga.

" Bago pa po kayo dito ma'am ? Parang ngayon ko lang din kayo nakita ee." pagsasawalang bahala nito sa tanong ko.

Medyo nairita ako kaya pinagtarayan ko na siya.

" Yeah.  And i'm in a hurry." pataray kong sabi.

Kahit ganunpaman, hindi niya parin napapansin ang pagtataray ko. Nakahithit ba ang taong to ? or what ? Tsss.

" Ahm , dun po ma'am ! Malayo pa po yun dito kaya kailangan niyo pang lakarin. Pero kung may kotse po kayo ay mas mabuti dahil hindi niyo na kelangang mapagod. May nakalagay pong palatandaan sa bawat building kaya hindi po kayo mahihirapang hanapin ang sadya ninyo." mataas na pagbigay alam sa akin ng guard na ngayoy todo ngiti sa akin. Nakahithit nga talaga.

Ngumiti ako sa kanya upang magpasalamat.

" Salamat." tipid na sabi ko at bumalik na sa kotse.

Sinunod ko yung sinabi ni manong guard. Hindi nga ako nahirapang hanapin ang building na pupuntahan ko dahil may palatandaan nga.

Agad kong hinanap ang Dean's office. Kelangan ko kasing makipag-usap sa Dean para masettle na ang mga subjects at schedule sa pagtuturo ko.

Yes. You heard it right. I am a teacher. I was 22 when i started teaching and its almost a year now. Being a teacher is not my option, but it's the only thing para matakasan ko ang responsibilidad na ipapasa dapat sa akin ng mga magulang ko. Ayoko maging sinuman sa kompanyang pag-aari ng family ko. Para sa akin, isang boring na trabaho iyon. Ang umupo buong maghapon at kaharap ang sandamakmak na papeles. Ayoko nun, boring.

Kaya kahit  nila sa kursong kinuha ko sa college ay wala na silang nagawa kundi ang suportaan ako. Isang napakalaking responsibilad ang maging isang teacher. Ang turuan ang mga estudyanteng gustong matutu. For me it's a challenge. And i love being a teacher.

Kaya ngayon, kailangan kung imeet ang Dean para mapag-usapan ang paglipat ko sa school na ito.

I was comfortably sitting here inside the office when  the Dean entered the room. Magiliw niya akong binati at pinaunlakan ko naman iyon.

Isang kagalang galang na tao ang nasa harap ko ngayon. Nasa mid 50's ang edad nito at napapaligiran na ng wrinkles ang mukha nito nung minsay ngumiti ito sab akin.

Umupo ito sa silya nito. At binuklat ang folder na nakalagay sa  mesa nito. I bet it's my profile.

" Reece Beatriz Ynarez."

Sinimulan na niya itong basahin. Patango tango ito habang palipat lipat ang tingin sa akin at sa folder na hawak hawak.

I got bored because of the silence. It seems that he is having a hard time reading my Bio.

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon