Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng alarm clock. Kahit inaantok pa ay dahan dahan aking nag-unat ng katawan at bumangon.
Naghihikab pa akong dumiretso sa banyo upang maligo. Nawala ang antok ko dahil sa malamig na tubig na dumaddaloy sa katawan ko. Woah ! Ang lamig !
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ay pumunta na ako sa mini kitchen ng condo ko para kumain.
Pagkabukas ko ng ref ay siyang pagkalaglag ng panga ko. Nakalimutan ko palang bumili ng stocks at groceries. Wala tuloy akong makain sa umagang ito. Amputik naman talagang buhay to. Sa lahat pa ay yun pa talaga ang nakalimutan ko.
Umalis ako sa condo ng walang laman ang tiyan. Doon nalang ako sa school cafeteria kakain ng breakfast. Hindi ko pwedeng palagpasin ang gutom na nararamdaman ko dahil baka mahimatay nalang ako mamaya sa harap ng klase ko. Nakakahiya kaya yun. At kailangan ko ding kumain dahil baka masira ang magandang stamina at composure ng katawan ko na inalagaan ko mahigit tatlong taon na.
Pagkarating ko sa Bethany College ay dali dali akong pumunta sa cafeteria. May oras pa naman ako para kumain.
Isang breakfast meal ang inorder ko.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa faculty room para kunin ang mga gamit ko doon. Saktong pagtuntong ko pa lang sa pintuan ng tumunog ang bell. Hudyat upang simulan na ang unang period sa umagang ito. 2nd year ang unang period na tuturuan ko nganyon.
Binati ako ng mga kasamahan ko sa faculty. Hindi ko pa sila kilala kaya kahit nag aalangan ay ngumiti na lang ako.
Pumunta na ako sa room kung saan naghihintay na sa akin ang klase ko.
Tahimik ang lahat ng pumasok ako. Some of them muttered wOW when I entered the room.
Inilapag ko ang mga gamit na dala sa mesang naroroon at bumati.
" Good morning class." seryosong bati ko sa kanila.
Iilan sa kanila ay nakatulala pa. Nakikita ko sa mga mata nila ang paghanga habang nakatingin sa akin.
Ginising ko ang diwa nila sa pamamagitan ng pag-uulit kong pagbati sa kanila.
" Good morning class ! "
Agad naman silang tumalima.
" Good morning ma'am ! " bati nang lahat.
" So I am your new teacher now. Siguro ay nainform na naman kayo tungkol dito." simula ko.
" Yes ma'am. Our Dean inform us about the change of instructor." sagot ng isa sa mg studyante.
" Good. My name is Ms. Reece Beatriz Ynares. And I will be handling your Management subject."
I paused. I stay focus. I am nervous . For the first time of my career I feel nervous and I don't know why. Pero hindi ko iyon pwedeng ipahalata sa kanila.
Seryoso lang akong nakatayo sa harap nila. Ang pagiging seryoso ang sikreto upang makuha ang atensyo ng mga studyante ko.
Inlibot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng klase. Lahat sila ay seryosong nakatingin lang sa akin maliban sa isang babaeng nakaupo sa dulo na nakatingin sa may bintana sa gilid nito.
Hindi ko nalang siya pinansin. Siguro may tinitingnan lang.
" Since ako ang bago ninyong teacher, hindi pa natin kilala ang isa't isa. I want everybody to introduce yourselves. State your hobbies, talents, interests at iba pa. So let's start here." turo ko sa babaeng nakaupo sa harap.
Isa-isa na silang nagpakilala. Malapit ng matapos ang lahat pero naudlot ito dahil sa babaeng tahimik na nakaupo doon sa dulo. Nakaupo lang siya doon na tila walang alam sa mga nangyayari. Matuwid syang nakaupo pero nakalingon ito sa gawing bintana na mukhang may inaabangan.