Chapter 4 Panic

35 1 0
                                    

" Move." ulit ko sa hindi parin tumatayong si Naomi.

" Eeh ! Khai naman eh .. kahit ngayon lang eh."

Napilitan siyang tumayo at lumipat sa desk niya.

" Bigyan mo kaya ng mouthwash para mabango naman." sabi ko saka umupo.

" Hmp ! Ikaw nalang kaya ! Tutal ang dami mo namang pera."

"  Buti sana kung ako ang katabi, eh ikaw eh."

" Yun na nga ! Hindi  ko naman responsibilidad yun noh." nakanguso nitong wika.

"  Eh di maggtiis ka." sabi ko saka liningon ang bintanang nasa gilid ng pwesto ko.

" Ang sama." sabi ni Naomi.

" Ng amoy ng bibig ba Nam ? " si Yuri.

" Oo ! Kasing sama ng ugali niyang babaeng katabi mo ! " sinasadya talagang sumigaw ni Naomi para marinig ko.

Hindi ko nalang siya pinansin. Tahimik lang akont naupo  at nakatunghay sa labas ng bintana.

Nag-iingay na naman sila ni Yuri. May pinag-usapan silang ewan na hindi ko alam. Naririnig ko naman sila dahil sa lakas ng boses nila.

May bagong teacher daw kami na darating sa araw na ito ayon sa mga naririnig ko. Nagresign na kasi ang teacher namin sa isang subject.

" Andiyan na ang bagong teacher natin ! " sigaw ng isang kaklase namin.

Agad namang nagsikilos ang lahat at tahimik na umupo ng maayos.

Sa labas ng bintana parin ako nakatingin nang bigla akon sikuhin ni Yuri. Walang ganang hinarap ko siya.

" Andiyan na ang bagong teacher natin." ang sabi ni Yuri.

I face infront.

A sexy, beautiful and sophisticated young woman entered the room. Siya ?? So it's confirm ! She is a teacher. Siya yung tumabi sa akin sa cafeteia kanina.

May narinig akong napaWOW. Ang ganda naman talaga niya. Indian accent ang mukha niya. Sopistikadang tingnan, mukhang suplada. Sexy siya, hot tingnan. Pati ang paraan niya sa paglalakad, ang hot tingnan. I am stupid. Giving complement to others.

Bakit pagtuturo ang napili niyang trabaho. Ang ganda niya para maging teacher. Hindi bagay sa kanya ang mastress. Tss.

Inilapag niya ang mga dalang gamit sa mesa at bumati.

" Good morning class ! " her voice  is sexy.

She's wearing her serious face facing us. Hindi siya tulad kanina habang kumakain. Ang cute niya kanina, ngayon hindi na.

Dahil iilan sa  mga kaklase ko ay nakatulala at ang iba naman ay napanganga, walang sumagot sa pagbati niya. Kay naman inulit niya ang ginawang pagbati.

" Good morning class ! "

Nang nakabawi na sa pagkatulala ay agad silang tumalima at bumati.

" Good morning ma'am ! " sigaw ng lahat maliban sa akin.

Binalik ko ang tingin ko sa bintana.

Nagpakilala siya sa lahat at may iba pa siyang sinasabi na hindi ko pinapakinggan.

Hanggang sa narinig ko nalang na  isa isang nagpakilala ang mga kaklase ko. Hindi  ko nga namalayan na malapit na palang matapos.

"  Hello po ! I'm Naomi Marie Enriquez. I'm 18 years old. I love dancing, it's my talent. That's all ! "

Naramdaman kong tumayo si Yuri sa tabi ko.

" Hi ! Ako naman po si Yuri Angelica Fernando. 18 years old nakatirara  sa Liwayway Compound. I am the only girl sa aming tatlong magkakapatid. I was currently playing sa volleyball team ng Bethany. Yun lang po." pagpapakilala ni Yuri sa sarili.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon