Madilim pa sa labas ng pumunta ako sa school. Madaling araw pa lang kasi. May drilling kami ngayon kasama ang buong volleyball team ng Bethany College. Ako ang team captain kaya hindi akob pwedeng mahuli. I drove fast at dahil walang traffic ayb mabilis akong nakarating sa school.
Maliwanag sa malaking oval ng campus gawa ng mg ilaw na nakapalibot dito. Malaki ang oval at dito kami sa lugar na ito palaging pinapatakbo nio coach.
Andito na si Yuri, teammates at classmate ko. Magkasama sila ngayon ni coach at dalawa pa naming kateam na nakaupo sa damuhan.
Naglakad ako papunta sa kanila.
" Khai ! Ang tagal mo ! " pagrereklamo ni Yuri na waring nababagot.
Hindi ko siya pinansin, tinapunan ko lang siya ng tingin.
UMupo ako sa damuhan malapit lang din sa kinauupuan nila. Inilagay ko ang dalawang headset na palaging ginagawa kapag hindi ko gustong makipag-usap.
Kapag ganito kasing konti pa lang kami ay hinihintay namin ang iba at saka na kami magsisimula kapag kompleto na.
Linapitan ako ni Yuri. Umupo siya sa tabi ko at inilagay din ang dalawang headset sa tenga niya. Tahimik lang din siyang nakikinig ng sariling tugtug.
Yuri knows me very well. Kapag kasi hindi ako umiimik o kayay di nagsasalita o hindi namamansin, alam na niyang hindi ko gustong makipag-usap o magsalita. Yuri is one of my friends at isa siya sa mga taong kinakausap at pinapakisamahan ko. Kaya alam na niya ang takbo ng mood ko.
Yuri is a very noisy and funny person. Halos lahat ng kalokohan ay alam niya. Minsan sinasabayan ko siya pero minsan ay wala akong gana.
Isa isang nagsidatingan na ang ibang kateam namin hanggang sa nakumpleto na. Nagsimula na kami.
Tinakbo namin ang oval ng sampung beses. Nag stretching at nag conditioning. Marami pa kaming ginawa hanggang sa nagliwanag na ang buong paligid.
Pinahinga na kami ni coach at sinabing bukas na naman daw ulit.
Oras na para maligo. May klase pab ako. Dahilb ayoko sa traffic at tamad akong umuwi once nasa bahay na ako, napagpasyahan kong dito nalang maligo. May quarter naman kami para sa mga athletes at may sariling banyo. Sa shower room ako maliligo. May mga gamit naman akong iniwan dito so hindi ko na pinproblema iyon.
Naghihilamos ang iba kong ka team habang ako ay nakaupo muna at tinutuyo ang pawis.
Lumapit si Yuri sa akin.
" Khai hindi ka uuwi ? " tanong niya.
" HIndi." tipid kong sagot.
Sanay na naman siya sa akin.
" Peram naman ng kotse mo oh. Hindi ko kasi dala yung sa akin, di ako pinadrive ni mama kasi daw madaling araw pa. Hinatid niya lang ako dito kanina. Pwede ba ? "
Inihagis ko ang susi ng kotse ko sa kanya, mabilis naman niya itong nasalo.
Tumakbo siya papalit sa akin at nanggigigil na kinurot ang dalawa kong pisngi. Aw ! Langya talaga rtong babaeng to eh.
" Tnx friend ! Ang bait mo talaga ! Sana forever na yan ah ! " sabi niya at iniligpit ang mga gamit at inilagay sa malaking gym bag nito.
" Alis na ako ah. KIta nalang tayo sa room mamya." paalam nito.
Tumango lang ako bilang tugon.
Para sa marami, suplada at masungit daw ako. Sabi naman ng mga nakakilala sa akin katulad ni Yuri, tahimik lang daw talaga akong tao at ayaw makipag-usap, wich is true. Sabi pa niya, allergy daw ako sa tao. Ikamamatay ko daw kung makapagsasabib ako ng mahigit limang words. Siya rin ang higit na nakakilala sa akin bukod kay Naomi. Isa rin sa mga kaibigan ko.