Chapter 3 ( The Fellowmen)

1 0 0
                                    

Michelle 's P.O.V.


Hindi ko pa rin makalimutan yung taong naka white na dress sa may garden nina Principal Hernandez. Para bang kahit saan ako pumunta, lagi siyang nakasunod.

Nasa kwarto ako ngayon at nagpapahinga. Katatapos ko lang kasing tapusin yung mga natira kong mga gawain na naiwan dahil sa pag imbita samin ni Principal sa kanilang home town. Labis yung kaba ko kasi ngayon ko lang na experience ang pagpa paranormal activities. Minsan kasi natatakot ako pero, panay naman ang comfort sa kin ni James. Tsaka medyo kinilig ako sa mga banat niya. Grabe

"Michelle! Anak, kakain na. Bumaba ka na. Nakahanda yung pagkain natin." Ang nanay ko talaga, ginugulat ako. Akala ko tuloy may multo na naman.

"Pababa na po Ma!" Pagkababa ko sa hagdan, nakaramdam ako ng kaunting lamig pero mabilis din namang nawala. Inignore ko na lang at baka multo na naman yun.

"Michelle, kumusta yung pagpunta niyo sa Bataan, natahimik na ba yung mga kaluluwa doon sa bahay ng principal niyo?" Tanong sa akin ni Mama habang kumakain kami.

"Ma, okay naman po. Buti nga po hindi sila ganun ka agresibo at nananakit. Medyo natakot din po ako kasi first time ko pong gawin yung paranormal."

"Ganyan talaga yan, sa una, medyo hindi ka pa sanay pero kapag natutuhan mo nang kontrolin yung takot mo, hindi mo na iyan mararamdaman. Hindi ka naman pababayaan ng mga kaibigan mo. Siguro naman pati mga kaibigan mo eh dumaan din dyan sa takot na yan."

"Thank you, Ma. Kaso sa tuwing nakakakita ako ng mga kaluluwa, naiisip ko tuloy na parang palagi silang gagawa ng masama sa akin."

"Anak, huwag mong isipin yun. Ang mahalaga, yung mga nagpapakita sayo eh hindi gagawa ng ikapapahamak mo, but humihingi lang sila ng tulong sayo para matahimik na ang mga kaluluwa nila sa langit." Ipinaliwanag sa akin ni Mama ang mga dapat kong gawin para mawala na ang takot ko sa mga multo.

Habang kami ay kumakain, may kumatok sa pinto. Pagbukas ni Mama, si Nikki pala ang kumatok. Para bang may gusto siyang sabihin at nagmamadaling pumasok. Ano kaya yun?

"Oh, ate Nikki, bakit ka na padalaw?" Tanong ko habang pinaupo sa tabi ko.

"Good morning po, tita. Mitch, kaya ako napadalaw kasi may sasabihin ako sayo." Sabi ni ate Nikki.

"Ano yun, ate?"

"Kailangan kang makausap nila Jay about sa sayo at ang koneksyon mo sa mga spirits. Napansin kasi ni Jay na parang madali kang lapitan ng mga ispiritu na hindi dapat at walang basehan."

"Yun nga ang gusto kong sabihin kay Michelle, Nikki. Napapadalas na ang pagdalaw sa kanya ng mga kaluluwang ligaw. Lalo na sa labas ng bahay." Napansin rin pala iyon ni Mama, di ko alam yun ha.

"Eh, bukod kay Jay, sino pa ang kakausap sa akin?" Tanong ko uli kay ate Nikki.

"Basta makikilala mo na lang sila. Isama mo na rin si James kasi sinabihan ko na rin siya about this. Kasi alam kong iiral na naman yang takot mo kapag nagkataon. At least kasama mo ung bebe mo." Tapos medyo kinilig na naman ang lola niyo. Ewan ko ba? Matagal na kaming mag jowa ni James pero kinikilig pa rin ako.

"Tama ka dyan, hija. Kapag kasama niya si James, naku nakakalimutan niyang takot siya sa mga multo. Iba talaga ang tama nitong anak ko kay James. Bakit ko kaya ito pinayagang magjowa?" Si Mama talaga. Pati siya nahawa na sa mga kaibigan ko. Pero botong boto yan kay Babi ko.

"Sinabi nyo pa po, tita. Basta Mitch, kailangan niyong pumunta sa address na ito. May mag aabang sa inyo sa may kanto ng Angeles street. Dapat 5pm nandoon na kayo ni James. Kailangan saktong alas singko nandun na kayo."

My Inter-VisionWhere stories live. Discover now