03
“Gosh! I’m super excited for the acquaintance party” maarteng wika ni Novie. “ Ikaw ba?”
I just shrugged my shoulders. Hindi ako mahilig sa mga event sa school. Mas pipiliin ko pang umuwi at matulog sa bahay. I just don’t like socializing with others, nakakatamad.
This week is quite busy, busy preparing for the acquaintance party.
“Dapat sumali tayo sa singing keme or sa modern dance keme” Novie said.
“Wala tayong talent, remember?”
“Eto naman, basag trip” I laughed at her. “But I’m looking forward to the after-party ,yohoo!!”
The student council prepared an After Party. They encourage us to wear our best dress. Basta wag lang daw too revealing. Dito nalang daw kami magbibihis para sa after party. After ng dinner, awarding, then after party.
“By the way, tinago mo ba yung dress na nabili natin?”
I nodded. Kinakabahan ako sa susuotin ko, yung pinsan ko ang pumili dahil maganda daw at agaw pansin. Gosh, I hate attention.
Papunta kami ngayon sa photo booth para tumulong sa pag aayos. Pagkarating namin, agad kaming tinawag ni Sheila, class mayor namin.“Girls, we need your help. Pakidala dito yung curtains na nasa room natin. Nilagay ko yun sa box malapit sa bintana.” Utos ni Sheila.
I saw novie rolled her eyes. “Gosh, ba’t hindi niya sinabi kanina, ang layo pa naman ng room natin” Mahinang sabi ni Novie.
“Ako nalang kukuha. Tumulong ka nalang dito, Novie” Wika ko bago nagtungo sa room.
Pagkarating ko sa room, agad kong nahanap ang mga curtains. Potek, ba’t hindi sinabi ni Sheila na apat na box pala ang dadalhin ko. Wala akong nagawa kundi dalhin lahat ng boxes.
Halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko. Dahan dahan akong bumaba sa hagdan ng biglang may humawak sa damit ko para pigilan ako sa paglalakad.
I stunned when I saw Symone. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko dahil sa kanyang presenya. Napalunok ako ng bigla niyang kinuha ang apat na box at naglakad papunta sa field. Mabilis akong naglakad para habulin ito.
“Hey, stop!” Saad ko at pilit na kinukuha ang mga boxes. “You don’t need to do this, kaya ko naman”
I combed my hair out of frustration when he just continue walking. What the hell, he’s not even listening? I need to stop him, baka ano pa isipin ng mga tao. I hate attention. Naglakad ako ng mabilis para masabayan ko siya sa paglalakad at agad kong hinila ang kanyang damit para pigilan siya sa paglalakad.
He just look at me in a poker face. Tiningnan niya ang kamay ko na hanggang ngayon hindi ko pa rin inaalis ang pagkakahawak sa kanyang damit. Agad ko naman itong inalis, ang awkward.
“I don’t think you can carry these boxes.” He said in a serious tone.
“Please, I don’t need your help and I never asked for help” I rolled my eyes.
Nagulat ako nang bigla niyang binaba at nilagay ang mga box sa sahig at umalis na. Napakagat ako ng labi, did I say something wrong? Ba’t parang kasalanan ko? Gosh, anong pakealam ko kung inilapag niya sa sahig dapat nga magpasalamat ako. Gosh, I hate this.
“Bakit ang tahimik mo?” Tanong ng pinsan ko habang nagdidisenyo.
“Hindi ikaw yan,”“Lagi naman talaga akong tahimik eh, ikaw lang yung madaldal.”
Napa- aray ako ng kuritin niya ang tagiliran ko. “ Grabe ka, hindi ako madaldal, konti lang. Kanina ko pa kase napapansin na ang tahimik mo. May problema ba?”
“Wala” tipid kong sagot.
“At ang lalim rin ng iniisip mo,”
“Gaano kalalim?” I smirked and laugh a bit.
“ Kagaya ng pagmamahal ko sa kanya, ganun kalalim” she pouted.
Umarte ako na parang nasusuka. “ Ang asim, beh. Baka malunod ka”
“Okay lang basta sa pagmamahal niya” Pabebe niyang sabi.
Agad kong tinapik ang balikat niya. “Shh okay lang yan beh, diba sabi ko sayo wag kang magpapalipas ng gutom, ayan tuloy kahit ano na ang lumalabas sa bibig mo.”
Natawa ako sa mukha niya dahil nakasimangot ito. Ang pangit talaga pag nakasimangot.
“May jowa ako, hindi mo ba alam?”
“Alam ba niya na jowa mo siya?” I raised my brows.
Natapos kami sa pagdisenyo at nagpasya nang umuwi. Pagkauwi ko, ay agad akong sinalubong ni Tita Isabel. Nakangiti ito habang naglalakad papalapit sa akin.
“Buti nalang nakauwi ka na. May naghahanap sayo, gusto ka raw kausapin.” Saad niya at tinulak ako papasok ng bahay.
My brows furrowed when I saw Ali sitting on the couch. What is he doing here? Sana pala hindi muna ako umuwi.
“What are you doing here?”
He smiled at me and he handed over a paper bag. “This is for you, pinabibigay ni dad”
“Wala akong planong tanggapin yan”
“Ilalagay ko nalang d---”
“Ba’t ka nandito?” Mataray kong tanong
He let a deep sigh before answering my question “Nandito ako para sunduin ka.”
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. “What?”
“Let's have dinner with dad”
“Nagsasayang ka lang ng oras, Ali. Umalis ka na.” Wika ko bago pumanhik sa kwarto.
They are just wasting their time. I don’t want to get involved in their family. Pilit ko silang iniiwasan para pigilan ang sarili ko na magalit. Dad don’t deserve my time. Baka ano pa ang masabi ko kung magkita kami. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, kaya hangga’t maaari iiwasan ko sila.
Ilang oras ang nakalipas, bumaba ako upang kumain dahil nakaramdam ako ng gutom. Sana umalis na si Ali, I don’t want to see his face. Laking pasasalamat ko nang mapansing wala siya. Siguro kanina pa umuwi si Ali.
“Nick,”
Napatalon ako sa gulat ng marinig ang boses ni Tita Isabel.
“Muntik na po akong atakihin sa puso” Mapakla akong tumawa.
“Dapat sumama ka kay Ali, you should spend time with your dad.” Banayad nitong sabi.
“Please stop, wala akong planong makipagkita sa kanya. I never dreamed of eating dinner with him again.” I said.
“ Gusto ko na siyang kalimutanan, kaya please lang Tita not now.” Dugtong ko.
“Alfonso has stage three cancer”
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng marining ang sinabi niya.
“Spend more time with him, Nick. Mahal na mahal ka na niya, araw-araw ka niyang hinahanap.”----
I'm open to criticisms! Spread love and positivity<3 ily mwa!!!
YOU ARE READING
OVER THE MOON [CAMPUS SERIES #1] COMPLETED
RomanceThey say, letting go means forgetting and forgiving. Alina Janick Ysmael is a first-year education student. She is making an effort to start moving forward and let go of all the anguish. They say, being honest leads to respect. Symone Miguel Monteca...