25

53 4 0
                                    

                                  25




Pagkauwi ko noong galing ako sa airport, nagulat sila Novie at Tita Isabel. Tinatanong nila kung bakit hindi ako tumuloy. Sinabi ko lahat kay Novie kung ano ang mga rason ko.

"Sana hindi ka magsisi sa desisyon mo" Novie said

Sana nga. Ayokong magsisi sa mga desisyon na ginawa ko. Months passed, it's now December. Pumapasok pa rin ako sa skwela dahil hindi ako tumuloy. Malapit na ang Christmas break kaya abala kami ni Novie sa pag iisip kung anong plano namin ngayon pasko.

"Do you have any plans this Christmas break?" Niecy asked.

"Pupunta kami ng probinsiya para dun mag celebrate ng Christmas." Tugon ni Leila.

Tumango- tango lang kami.

Bumaling sa amin si Niecy. "How about you guys?"

"Sa bahay lang kami, nag iisp pa kami ni Janick kung ano ang magandang gawin ngayon pasko."

Napunta kami sa usapan tungkol sa love life. Pinaulanan nila ako ng tanong.

"Hindi mo pa ba sinasagot si Symone?"

Umiling iling ako.

Symone and I are going smoothly. Hinahatid niya ako pauwi, we usually go on a date despite his busy sched. May plano akong sagutin siya ngayong pasko. I don't want to wait any longer because I already fallen for him. Araw raw mas lalo akong nahuhulog sa kanya. He never fails to make me feel love.

"Kailan mo siya sasagutin?"

Nagkibit balikat ako. Ayoko sabihin sa kanila ang plano ko baka masabi nila kay Symone.

"Let's go out tonight" pag aaya ni Leila.

"Hindi ako pwede mamaya" Nahihiyang sambit ko.

"Why?"

"May lakad kami ni Symone"

"Yown! Bebetime pala, sana all" pang aasar ni Novie.

"Shut up, mag date rin kayo ni Regan"

Novie and Regan are doing well. Hanggang ngayon hindi pa rin alam ni Tita Isabel ang tungkol sa kanila. We kinda have the same situation pero alam ni mommy na may dinadate ako pero hindi niya alam kung sino at kinalala na rin ako ng father ni Symone but we haven't meet in person since he's a busy man.

Nang magring ang bell, mabilis kaming bumalik sa classroom. Kalaunan, dumating na rin ang propesor namin. Nakatunganga lang ako sa buong klase.

"Any questions?" Tanong ni Sir Philip.

We shook our heads.

"Okay, if there are no questions lets end it here. Goodbye, everyone."

Nag ayos na ako ng gamit dahil uwian na. Hindi muna ako sasabay kay Novie dahil may lakad kami ni Symone. Malayo pa lang, natanaw ko na si Symone sa may waiting shed. Kinawayan ko siya, nang makita niya ako ngumiti ito. Mabilis akong naglakad papalapit sa kanya.

"Hi" Bati ko

He smiled. " How's your day?"

"Pretty good."

"Saan mo gustong pumunta?"

"Kumakain ka ba ng street foods?" I asked.

He nodded. "Isaw palang ang nasubukan ko"

My eyes widened.

"Isaw palang? Gosh, you missed half of your life. Tara, ililibre kita ng street foods"

OVER THE MOON [CAMPUS SERIES #1] COMPLETED Where stories live. Discover now