Inis na inis pa rin ako sa kaniya. Mahigit isang linggo na nung huli naming pag-uusap ni Cravin, hindi ko na talaga siya ulit kinibo dahil sa inis na nararamdaman ko sa kanilang dalawa ni Janna. Sa tuwing naaalala ko ang mga naganap nung nakaraan ay mas naiinis lang ako, ikaw ba naman paglaruan at gawing paligsahan? Hindi ka ba magagalit? Ginawa nila akong tanga ilang beses, sa tingin ba nila nakakatuwa?
Dapat ba matuwa pa 'ko dahil sa ginawa nila?
Mga tanga ba sila? Syempre tao lang naman ako, nakakaramdam. Ayoko lang talaga 'yung pinagmumukha akong tanga. Nakakairita.
Pakiramdam ko tintraydor nila akong lahat.
"Red, saglit!" Humabol si Star sa paglalakad ko pababa ng hagdan. "Bilis mo naman maglakad, may practice ka?" Tumingin ako saglit sa mukha niya at umiwas ng tingin.
"Oo." Tipid kong sagot.
Nang mapadako ako sa harap ng locker ko ay kaagad kong nakita ang isang sticky note na may nakasulat na "I hope you're doing well, I'm sorry." Alam ko na kaagad kung kanino galing. Kinuha ko ito at nilukot, tinapon sa malapit na trash bin.
Nang makuha ko na ang mga gamit ko sa locker ay napasulyap ako sa mukha ni Star na parang 'di maipinta ang mukha. Alam kong may gusto siyang sabihin ngunit 'di na lang niya tinuloy kaya naglakad na ako paalis ng building.
Patawad Star ngunit wala talaga ako sa mood para umintindi, punong-puno na 'ko.
Pagkarating ko sa running track ay sinalubong kaagad ako ni coach. Nag-stretching muna ako bago ako nagsimulang mag-training. Ang sabi niya ay mabilis daw ang sprint ko sa first 4 laps ngunit sa mga sumunod na laps ay humina na raw ako at parang wala na raw akong gana. Inconsistent kumbaga.
"Perez, kailangan mo nang magseryoso sa training kasi kung ipagpapatuloy mo 'tong inconsistency mo ay kukuhanan talaga kita ng sub, alam mo naman sigurong malapit na ang sports fest 'di ba? I've been telling you these past few days to improve but then you're just showing me your inconsistency." Halos 'di ako makatingin sa mukha ni coach dahil totoong galit na siya sa 'kin.
"I'm sorry coach."
"I'm so disappointed, Mr. Perez."
Biglang bumigat ang loob ko kaya nang matapos na ang training ay dumiretso kaagad ako sa wash room at hindi ko napigilang umiyak. Nadi-disappoint na rin ako sa sarili ko. Nawawala na 'ko sa focus at parang nawawalan na ako ng gana sa running at sa lahat.
"Red?" Bigla akong napahilamos nang marinig ko ang boses ni Star. Walang gana akong napatingin sa kaniya na para bang gusto ko na lang sumuko sa buhay. "Tapos na?" Tinutukoy niya ang practice ko.
Nang mapangiti siya ay napangiti rin ako nang slight, iba rin kasi 'yung dating ng comforting smile niya sa 'kin. Napaka kalmado kasi ng aura ni Star.
"Uhm... done." Tipid kong sagot.
"So... tara na?" Walang pasabi ang paghawak niya sa kamay ko at kinaladkad niya ako palabas ng wash room.
Nung pauwi na kami ni Star ay nagulat na lang ako nang sinalubong kami ni Janna at Princess sa path way sa labas ng school. Gusto ko sanang iwasan sila dahil ayokong makita si Janna. Naiinis pa rin kasi ako sa kaniya, kung paano niya sabihin gusto niya ako nung nakaraan at kung paano niya rin sinabi ang katotohang na wala talaga siyang gusto kay Cravin at pinapaselos niya lang ako. Nakakainis.
"Red!" Sigaw ni Princess.
Ang gagawin ko sana ay iwasan pati siya dahil kung papansinin ko siya ay baka kausapin din ako ni Janna. Ayoko siyang makausap talaga.
"Red, pansinin mo naman ako. Kami." Pangungumbinsi ni Princess at hinawakan niya pa ang kamay ko.
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa 'kin at naglakad nang mabilis para makalayo sa kanila. Ang ginawa naman ni Star ay sinundan ako kaya napabilis din ang paglalakad niya.
"Red!"
"Red, hintay."
"Red, kung ano mang kinaiinis mo, sorry. Sorry sa lahat! Sorry kung nagawa ko 'yun. Sorry kung naging papansin ako, walang hiya, walang pake sa nararamdaman mo. Sorry."
"Hindi ko tinatanggap ang sorry mo." Sambit ko nang may diin sa dulo. Humarap ako sa kanila at ang ilang estudyante ay napapatingin sa amin dahil sa eksenang mala teleserye. "Hindi na mababago ng sorry mo ang tingin ko sa inyong dalawa ni Cravin."
Natulala siya sa sinabi ko at para bang nanigas sa kinatatayuan niya. Mukhang maiiyak na siya.
"Janna, pwede ba? Tumigil ka na." Sabi ko.
Aalis na sana ako nang biglang bumuka ulit ang bibig niya at meron siyang ibinigkas.
"Mahal ka niya, hindi lang gusto." Lumingon akong muli sa mukha niya na parang umiiyak na nga. "Patawad muli." Nang masabi niya 'yon ay bumuntong hininga ako at naglakad na paalis.
Nang makauwi ako sa bahay ay napaisip ako sa sinabi ni Janna sa 'kin.
Mahal niya ako.
Huh?
Mahal niya ako, hindi lang gusto?
"Gusto kasi talaga kita, gustong-gusto."
Totoo kaya?
Ang hirap naman i-process ng sinabi ni Janna. Tinutukoy niya si Cravin, alam ko 'yon, pero 'di ko alam kung anong gusto niyang iparating.
Mahal na na ako ni Cravin? E, 'di na nga kami nag-uusap.
Sa tuwing nagkakasalubong kami sa campus parang may gusto siyang sabihin pero nauuna na akong dumedma sa kaniya at kahit ilang beses niya rin akong kinausap, tinawag sa pangalan ko, hindi ko pa rin siya mapapatawad kaya 'di ko rin siya kakausapin gaya ni Janna.
Immature na kung immature.
Kinabukasan, nang maguwian nagkasalubong na naman kami ni Cravin sa labas ng wash room. Gaya ng ginagawa ko palagi, sinubukan ko siyang iwasan ngunit bigla niya akong hinawakan sa kamay kaya napaharap ako sa kaniya.
Masama ang tingin ko. Gusto kong suntukin siya sa mukha pero hindi ko ginawa bagkus ay nagkuyom na lang ako ng mga kamay ko at pinigilan ang nararamdaman kong galit.
"I know you're mad at me, patawad."
Hindi ko siya kinibo.
Nakahawak ang kamay niya sa nakakuyom kong kamay at nakatingin lamang ako sa sahig. Ayoko rin siyang tignan sa mukha, lalo na sa mga mata niya, baka kung ano pang maramdaman ko.
"Tinatanggap kong mali ako, mali kami, though hindi namin intensiyon na saktan ka o paglaruan, sorry pa rin." Hinimas ng kamay niya ang kamao ko. "Alam kong sobra-sobra 'yang galit mo sa 'kin, pero sana bigyan mo pa 'ko ng chance para mas mapakilala ko pa nang lubos ang sarili ko at para magkaintindihan tayo."
Hindi ko alam kung bakit pero napaangat ang tingin ko sa mukha niya.
"Red please, now that you're already here, I can't afford losing you anymore. kasi nasimulan ko na, ayoko nang sumuko sa 'yo."
Hindi ko alam pero ambilis ng tibok ng puso ko at parang gusto nitong kumawala sa dibdib ko.
Mas bumilis pa 'yon nang magsimulang tumulo ang luha niya at napamura pa nang hawakan niya ang mukha ko.
"I can't afford losing you."
Naluha na rin ako.
-------
xymie kim: hello, reader! Kung may nagbabasa man nito, it's almost a year since I updated this story haha, gusto ko lang maglagay nitong note it's because I am so busy rn sa acads but still nagawa ko pa ring mag sulat sa Wattpad haha, ginawa ba namang diary. So ayon, hope you guys still read this story kasi tatapusin ko na rin 'to sooner omg!
BINABASA MO ANG
Red, Set, Go! (Rainbowed Series #1)
RomanceThis is a BL story about a runner and a chaser.