Naglakad ako nang naglakad hanggang sa makarating ako sa harap ng malawak na high way na kung saan ako laging humihinto. Maraming motor at sasakyan ang mabilis na dumadaan, bumibilis na naman tuloy ang tibok ng puso ko senyales na inaatake na naman ako ng anxiety at maya-maya'y magiging panic attacks na ito.
Napayuko ako habang pinapakiramdaman ang tibok ng puso. Dromophobia, sawang-sawa na ako sa mental disorder na ito, wala naman kasi itong naidulot na tama at saka lagi na lang ako nitong pinapahirapan.
Napatingin ako sa daan habang inaalala ang mga eksena kanina. Totoo naman talagang bagay silang dalawa. Babae si Janna, lalaki siya, tamang-tama at saktong-sakto sa mata ng mga tao kung magiging sila man.
Hays, nasasaktan na naman ako pero 'di ko alam kung kanino. Marahil ay lubos akong nagseselos nung nalaman kong may gusto si Janna kay Cravin pero nung nagkaayos kami ni Cravin umiba naman 'yung dating ng selos sa 'kin. Ibang-iba na.
Ano pa bang magagawa ko? Ang magpaka selfish kay Janna? 'Di kaya ng kunsensiya kong makita siyang masaktan nang dahil sa 'min ni Cravin. Hindi naman ako manhid na may namamagitan na talaga sa amin ni Cravin simula nung mag-confess siya sa 'kin, kaya kung ako si Janna at gusto ko si Cravin, magseselos talaga ako.
Napansin ko na lang na tumutulo na pala ang mga luha ko. Sobrang nagseselos ako, pero wala akong karapatan at hindi ako nararapat na makaramdam ng ganito, kaibigan ko silang dalawa kaya dapat manatili ako bilang kaibigan.
Kinagat ko ang aking ibabang labi sabay apak ng paa sa puting guhit ng pedestrian. Habol-habol ko ang aking paghinga hanggang sa walang lingunan akong tumawid habang umiiyak nang nakayuko.
Naririnig ko ang mga pag-preno na nagpa-bingi sa 'kin hanggang sa bigla na lang akong nanginig at napaluhod sa gitna ng daan, hawak-hawak ko ang aking dibdib at parang mauubusan ako ng hininga. Mabilis rin ang pag-tulo ng mga pawis ko sa noo na para bang tumakbo ako ng napakalayo.
Biglang sumagi sa isip ko ang pangyayaring pinipilit kong kalimutan. Ang bagay na kung saan nagsimula ang lahat ng takot ko.
"Ma... makipag-ayos ka na po kay papa." Alalang-alala ko pa nung minsanang nagkaaway sina mama at papa dahil akala ni mama na nambababae si papa. "Ma, hayaan niyo pong mag-explain si papa." Hindi ko alam kung ano ang gagawin ni mama pero ayoko siyang umalis. Ayokong iwan niya kami ni papa.
Niyakap ko siya nang mahigpit pero tinulak niya ako palayo. Sobrang nasasaktan akong makita na nasasaktan si mama. Hindi ko alam kung bakit sobrang nasasaktan siya, na sa totoo naman na hindi talaga kayang magloko ni papa sa kaniya. Sobrang bait ni papa.
"I'm sorry anak, I am very sorry... ako 'yung nagloko sa 'min ng papa mo." Bakas sa mga mata ni mama na sobrang nasasaktan siya. "Gulong-gulo rin ang isip ko."
"Mama..."
Habang naglalakad siya palayo ay doon lamang pumasok sa utak ko ang mga sinabi niya. Nagloko si mama kay papa. Kinakain siya ng guilt kaya gusto niyang magpakalayo-layo, pero ayokong iwan niya kami. Ayokong iwan niya ako!
Ni minsan hindi ko naisip na mangyayari ang bagay na 'to sa mga magulang ko. Pinalaki nila akong sobrang saya at silang dalawa lamang ang mga taong nagpapasaya ng lubos sa 'kin, hindi ko makakayang mawala ang isa sa kanila kaya tumayo ako mula sa pagkakatumba at tumakbo papunta kay mama.
Nasa kabilang parte siya ng malawak na high way kaya tinakbo ko ang daan pero nang tignan ko ang mukha ng aking ina ay parang gulat na gulat ito at tumakbo rin siya papunta sa direksiyon ko hanggang sa biglang lumiwanag ang paligid at nabingi ako sa busina ng sasakyan.
Yakap-yakap niya ako nang mangyari ang aksidente. Tumilapon ako hanggang sa maramdaman ko ang lamig ng semento at pati na rin ang pag-agos ng dugo sa aking ulo. Natanaw ko pa ng ilang segundo ang ilaw sa poste hanggang sa dumilim na ang paligid.
Akala ko namatay na 'ko.
Pero hindi, si mama 'yung nawala.
"Reddle Khinn!" Bumalik ako sa katinuan nang maramdaman ko ang yakap niya sa 'kin. Habol-habol ko ang aking paghinga nang iangat ko ang aking paningin sa kaniya.
"C-Cravin," muntikan na akong matumba kaya napasandal ako sa dibdib niya habang humahagulgol ng iyak. Niyakap niya ako kaya napayakap rin ako sa kaniya.
Akala ko katapusan ko na. Akala ko huli na ang lahat pero iniligtas niya ako. Nagpatuloy ako sa kakaiyak habang nasa proteksiyon ako ng mga bisig niya. Malayo na rin pala kami sa high way kaya 'di kalaunan ay napakalma niya ako.
"Hush... andito na 'ko, 'wag ka nang matakot." Hinahaplos niya ang buhok ko. Naririnig ng tenga ko ang tibok ng puso niya kaya mas napahigpit ang aking pagkakayakap.
Ayoko nang lumayo pa sa kaniya.
Nang tuluyan na akong kumalma ay hinawakan niya ang kamay ko at dinala papunta sa nakaparada niyang motor. Isinuot niya sa 'kin ang itim niyang helmet at hindi ko maiwasang mahiya sa ginawa niya kaya inilayo ko ang aking mukha at ako na ang nagpatuloy sa pag kabit ng safety gear.
Matapos kong maikabit ang helmet ay bigla siyang lumapit sa 'kin habang nakangiti. Inilapit niya rin ang kaniyang mukha sa tenga ko at bumulong. "Ang cute mo pala 'pag naka-helmet."
Hindi ko alam kung namumula na naman ba ang pisngi ko pero ramdam ko ang init sa aking magkabilang pisngi nang hawakan ko ito.
"Tara na?" Sambit niya at napatango lamang ako.
Lihim akong napangiti nang makasampa ako sa likod niya at amoy na amoy ko ang kaniyang pabango. Nakakaadik. Nakakabakla pero worth it.
"'Wag ka nang maarte, kumapit ka na sa bewang ko."
"Anong sabi mo?" Parang bumalik na ang enerhiya ko kaya napagtaasan ko na naman siya ng boses.
"Ang sabi ko kumapit ka sa bewang ko." Pang-uulit niya sa sinabi pero nagbingi-bingihan lamang ako habang naka-krus ang mga kamay sa dibdib.
Nang paandarin na niya ang kaniyang motor ay pabigla niya itong pinatakbo at sa sobrang gulat ko ay napayakap ako sa kaniya. Hindi lang yakap, 'yung sobrang kapit na kapit na yakap na takot mahulog. Dinig ko pa ang pag-tawa niya sa ginawa ko kaya kinurot ko siya nang marahan sa tiyan pero bahagya akong nagulat nang makapa ko ang matigas niyang abs.
"Baka nagugutom ka na, may anim pa akong pandesal diyan."
_______________________________________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
Red, Set, Go! (Rainbowed Series #1)
RomantizmThis is a BL story about a runner and a chaser.