Chapter 1

663 16 3
                                    

Disclaimer: This story is a BL short story, so if you're not comfortable with this genre, feel free to skip. However, if you're interested, please follow, vote, and comment your thoughts. Your support means a lot to me. Thank you!

Rainbowed Series #1: Red, Set, Go!

***

"Hello, anak?"

"Hello, Pa? Nasa-school na 'ko, patawid na rin papuntang gate." Luminga-linga muna ako sa paligid bago ako huminga nang malalim at humakbang sa pedestrian lane.

"'Wag kang kabahan, nak, nandito lang si papa, okay?" Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

Palingon-lingon ako sa kaliwa at kanan hanggang sa makadaan na ako sa maputik na highway, maulan kasi kaya medyo basa 'yung daan. Buti na lang din at naka-dala ako ng payong dahil bilin sa 'kin ni papa ay 'wag na 'wag raw akong magpa-ulan. Ganun ka concern at protective sa 'kin si erpats.

"Tapos na pa, oh sige na, hang up ko na ah, thanks pa!" Matapos kong banggitin 'yun ay in-end ko na ang call.

Nasa sidewalk na 'ko hawak-hawak ang payong at sobrang linis pa ng puting uniform ko nang biglang may dumaang motor na sobrang bilis at biglang pinatalsik ang tubig na nasa sementong daan.

"What the---"

Hindi ako makapaniwalang tumalsik sa puting uniform ko ang putik na kanina ay iniiwasan ko pang lumapat kahit sa sapatos ko. Ngayon, narito ako nakatunganga sa daan habang tinitignan ang sarili kong marumi. Sinundan ng tingin ko ang lalaking naka-motor na pumasok sa loob ng parking area ng school. Sino ba siya sa tingin niya?

Biglang umandar ang pagiging masungit ko nang makasalubong ko ang kaibigan kong si Star.

"Hi, Red, bakit marumi 'yang uniform mo?" 'Di ako nakatugon sa tanong niya nang makapasok na 'ko sa gate ng school. "Hoy, saan ka pupunta?" Hindi ako lumingon bagkus ay pinuntahan ko kaagad ang lalaking naka-motor kanina.

"Hoy, pre," tinapik ko siya sa balikat nang mag-tanggal siya ng helmet sabay harap sa 'kin. "Nakita mo 'to? Ikaw ang may gawa nito." Tinuro ko ang uniporme kong puno ng mantsa ng putik.

Saglit niyang sinuri ang suot ko hanggang sa ngumisi siya at inayos ang pagkakasuot niya ng jacket.

"Ano? Wala ka bang sasabihin? Gagawin? Kaaga-aga binu-bwisit mong araw ko." Gustong-gusto ko na siyang suntukin o ipakain sa kaniya itong payong na bitbit ko pero nagtitimpi lamang ako dahil ayokong magka-record na naman sa guidance. Nabu-bwisit ako sa ngiti niya.

"May kailangan ba akong sabihin? Gawin?" Binasa niya ng laway ang labi niya sabay suot ng cap at ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa ng suot niyang jacket.

Naiwan akong tulala sa parking area nang iwanan niya ako na parang wala lang 'yung mga sinabi ko. Seryoso ba 'tong lalaking 'to? Kung umasta siya parang hindi big deal 'yung ginawa niya sa 'kin.

"Red... bakit kinausap mo 'yun? 'Di ba bully 'yun?" Biglang sulpot ni Star sa tabi ko. Napa-iling lamang ako sa sinabi niya, pake ko ba kung bully 'yun? Wala pa rin siyang karapatan na maliitin ako. "Halika na, may extra uniform ako sa locker para makapag-palit ka."

"Salamat, Star."

Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagmumukhang iyon. Alam kong nakita ko na siya dati dito sa New Era All Boys High kaya may alam na 'ko sa gagawin ko maya-maya, gaganti ako sa 'yo, tanga.

Sa ilang years kong pag-aaral dito sa New Era ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong scenario, kung saan inapakan lamang ng isang bully ang pride na meron ako. Hinding-hindi ko 'yon matatanggap.

"Ayan, perfect! Bagay na bagay sa 'yo ang PE uniform ko, Red." Natutuwang sambit ni Star nang makalabas ako ng cubicle. "Halika na, mag-sstart na 'yung class." Sumunod lamang ako sa kaniya palabas ng CR.

Okay sana 'tong suot ko kung 'di lang talaga 'yun narumihan kanina. Ngayon, naka-PE uniform na tuloy ako kahit wala namang PE ngayong araw. Hays... titiisin ko na lang 'to sa ngayon.

Hanggang sa pag-start ng morning class ay naaalala ko pa rin ang ngisi ng walang hiyang bully na 'yon. Patingin-tingin rin ako sa orasan na nasa ibabaw ng board, hinihintay na mag-recess. May naisip na akong ipang-gaganti sa kaniya, humanda ka talaga pre.

"Okay class, you may now take your recess." Matapos sabihin iyon ng teacher ay kinaladkad ko kaagad si Star patungong cafeteria.

"Red, ba't parang atat kang kumain today? Hindi ka ba nag-breakfast kanina?" Napangiti ako sa sinabi ni Star.

Tumungo kami sa pinaka-dulong table at nagboluntaryo na rin akong bumili ng pagkain para sa amin. Ayokong masali si Star sa gulong gagawin ko kaya mas mabuting ako lamang ang nakaka-alam sa planong gagawin ko.

Mabilis lang naman akong nakabili ng pagkain para sa 'min ni Star kaya nakabalik kaagad ako sa table namin dala-dala ang food tray na may lamang dalawang burger at spaghetti and siomai.

"Wow, thanks, Red," nagsimula nang kumain si Star at queue ko na 'yon upang gawin ang paghihiganti ko. "'Di ka pa ba kakain?"

"Ah kase, Star, bibili muna ako ng maiinom natin." Palusot ko upang maiwanan ko ulit ang table namin.

Pag-tayo ko ay pumunta kaagad ako sa stall ng drinks at bumili ng orange juice. Pagkatapos ay hinanap ng mata ko 'yung table ng maaangas na bullies at 'di nga ako nagkakamali, naroon pa rin sila sa nag-iisang table na sa tingin nila ay pagmamay-ari nila. Nakita ko rin ang pagmumukha nung kinakainisan ko. Hanggang ngayon 'di pa rin mawala-wala sa 'kin 'yung inis na kanina ko pa nararamdaman.

"Salamat po, ate." Pagpapasalamat ko sa tindera bago ko inumin 'yung orange juice na nasa plastic bottle at dinala 'yun papunta sa table nila.

Ang pagmumukhang kinaiinisan ko ay biglang napatingin sa gawi ko kaya tinago ko ang plastic bottle sa likuran ko habang nakangiting nakatingin sa kaniya.

"Oh, kilala niyo ba 'to? Ba't 'yan nandito?" Maangas na pagkakasabi nung isang panget.

Hindi ko pinansin ang mga pinagsasasabi nila at nag-focus lamang ang paningin ko sa kaniya.

"Oh pre, crush ka ata, anlagkit ng tingin sa 'yo oh." Nagtawanan pa sila, mga panget talaga.

"Anong kailangan mo? Sorry na naman ba?" Bigla siyang nagsalita at ngumisi. Sa tuwing naririnig ko ang boses niya, mas naiinis ako.

"Hindi, ikaw ang may kailangan." Ngumisi ako at sabay pinatalsik ang laman ng bote sa mukha niya. Biglang nanahimik ang paligid nang masaksihan nila ang ginawa ko. "Kailangan mo ng bagong pagmumukha." Ngumisi ako at sabay talikod sa kaniya.

Bakas sa pagmumukha niya ang pagkagulat sa ginawa ko. Oh ngayon, mukhang kwits na tayo.

_________________________________________________________________________________________

Red, Set, Go! (Rainbowed Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon