Chapter 16

116 5 0
                                    

"Uhm... Don't get the wrong idea, Red ha, pero 'di ba parang ang lungkot naman kung magiging ganito na lang ang kinahahantungan ng friendship nating apat?"

Nang mapatingin ako sa mukha niya ay agad kong nakita ang lungkot. Hindi ko rin masisisi si Star kung ba't siya nalulungkot. Pero, hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung bakit malaki ang galit ko kay Janna. Nadamay pa si Princess.

"Sorry, Star." 'Yon lamang ang lumabas sa bibig ko.

"Sana... Magbago pa ang isip mo Red." Hinawakan niya ako sa balikat sabay tayo sa kinauupuan. "Good luck, tiwala naman kaming mananalo ka."

Napangiti ako nang sabihin iyon ni Star. Napaka heart-warming nung sinabi niya, after all, tama naman siyang nakakalungkot talagang manatili sa sitwasyong hindi ko naman ginusto. Magkaibigan kaming apat tapos dahil lang sa isang alitan, nasira na. Though, aminado akong may anger issues talaga ako pero napapaisip pa rin ako na mas better ding magkaayos kami kesa manatili sa ganito. Hindi ko naman 'to ginusto.

"On your mark, get set, go!"

Mabilis lamang ang sumunod na mga pangyayari. Natapos ang sprint racing competition. Natapos ang sports fest. Nag announce ng awardees. At syempre, nanalo ako.

"Congratulations, Red!" Masayang pagkakasabi ni Star at bigla akong niyakap nang mahigpit.

Suot-suot ko ang medalya ko nang biglang lumapit sa 'kin ang isang lalaki na ngayon ay nakangiti at hawak-hawak ang medalya rin na meron siya.

"So, we're both champions huh?" Nakangisi niyang pagkakasambit at bigla akong hinila palapit sa kaniya.

Ewan ko ba, hindi ako masyadong maka react nang maayos since maraming nakatingin sa 'min. However, 'di ko rin naman mapigilang mapangiti dahil sa sayang nararamdaman ko.

"Congrats." Sabi ko sa kaniya.

"Congratulations, cutie." Nagulat pa 'ko nang bigla niyang hinubad sa kaniya ang medal niya at pinasuot ito sa 'kin. "Sa 'yo pa nga lang champion na 'ko."

Awiiieeeeee

Sana ol

Grabe nga 'yun!

Sinuntok ko siya nang mahina sa tagiliran at napatingin sa kaniya nang masama. Hindi talaga ako sanay sa mga taong nakakakita sa ganitong pangyayari sa 'min. Kahit si Star nga na nasa tabi ko lang ay parang hindi ko na kayang tignan sa hiya. Nakakainis!

"Namumula na naman 'yung mga tenga mo, haha." Mas lumala ang hiya na nararamdaman ko dahil sa pinagsasasabi niya.

Ayoko na.

"May plans ka ba after ng event?" Tanong niya nang makaalis na kami sa kumpulan ng mga students. Papunta kami sa canteen upang bumili ng makakain.

"Wala naman, bakit?" Agad kong tugon.

"Date sana tayo."

"Ha?" Hindi naman sa nagulat ako pero... Anong date? "Date? Ano bang pinagsasasabi mo? Ayoko."

Bigla siyang ngumisi at inakbayan ako bigla. Tinulak ko naman ang braso niya paalis sa 'kin.

"Friendly date lang."

"Ayoko." Iniisip ko pa lang na lumabas kasama siya feeling ko mababaliw na 'ko nun! Aminado na kasi akong gusto ko siya.

"Sige na, cutie."

"A-yo-ko."

---

Narito na kami ngayon sa isang Japanese fast food restaurant. Since pumayag na nga akong makipag date sa kaniya. I mean, pinilit niya kasi ako. Actually, okay naman na sa 'kin na nagkikita kami, nagkakasama kami. Pero kasi kapag date, pakiramdam ko... Mas kikiligin ako.

"Bilisan mo sa pag kain, malapit nang magsimula 'yung movie." Sambit niya nang makita akong pinaglalalaruan ang pagkain na nasa plato ko.

Manonood nga pala kami ng action movie. Gusto niya sana ng romance or horror, pero mas gusto ko ng action. Wala siyang magagawa, ako pinag-decide niya e.

"Let's go?" Tanong niya at napatango lamang ako bilang tugon.

Akma niya sanang hawakan ang kamay ko ngunit nang maramdaman ko ang balat niya ay napalayo kaagad ako.

"Ayaw pahawak, huh?" Bulong niya sa aling tenga habang ako ay seryosong naka tingin sa harapan habang naglalakad.

"Ewan ko sa 'yo."

Nang makapasok na kami sa movie theater ay hinila kaagad niya ang kamay ko papunta sa pinaka likod. At hindi lang 'yon ang pinakalikod, 'yun din ang pinaka madilim na part ng movie theater.

"Mas enjoy manood kapag dito tayo nakapwesto." Sabi niya nang makaupo na kami nang tuluyan. Napatingin kaagad ako sa kaniya nang halikan niya bigla ang pisnge ko at ngumiti habang nilalayo ang mukha.

"Ba't mo naman ginawa 'yun?" Pinandilatan ko siya ng mata habang hawak-hawak ng isang palad ko ang pisnging hinalikan niya.

"Cute mo kasi."

Ngayon ko lang napansin na magkahawak pala ang mga kamay namin sa pagitan ng aming inuupuan. Tumingin ako sa paligid kung may nakatingin ba sa 'min at nung ma-check ko na wala namang tao na malapit ay lumapit ako bigla sa kaniya. Nung nakatingin siya sa screen ng phone niya ay hinalikan ko siya bigla sa kaniyang pisngi at lumayo kaagad. Nang mapatingin ako sa reaksyon ng mukha niya ay napinta na kaagad dito ang saya at kilig.

Ako na 'to e.

"Ang wild mo pala, Reddle Khinn." Napangisi siya at dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa 'kin.

Hahalikan niya ba ako?

Teka...

Napalunok ako nang ilang beses at dahan-dahan ding napapalayo. Anlagkit ng tingin niya sa 'kin. Parang matutunaw na 'ko.

Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko hanggang sa...

"Ayan, para 'di ka ginawin." Inangat niya ang suot kong jacket sa balikat ko.

Unti-unting nanginit ang mga tenga, pisngi, at pati ang ulo ko sa hiya!

"Bwisit ka." I cursed on him secretly.

"Bakit? Ayoko lang namang ginawin ka kaya ko inangat, baka kasi mamaya ginawin ka ta's yakapin mo bigla ang biceps ko. Okay lang din naman sa 'kin." Sabay pakita ng biceps niya.

Hindi ko alam kung maiinis ba 'ko o maa-amaze. Lumaki kasi 'yung biceps niya compared nung araw na una ko siyang nakita.

"Asa ka namang yayakap ako sa 'yo." Inirapan ko siya at nag cross ng arms sa dibdib. Nabubwisit ako sa kaniya.

"Pero akala mo talagang hahalikan kita kanina no?" Napapikit ako agad nang sinimulan na naman niya ang pagiging mapang-asar niya.

"Wala akong marinig." Seryoso kong pagkakasabi habang nakitingin sa big screen.

"Talaga?"

"Oo-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang sakupin ang mga labi ko.

Hmmmmppp

Hindi ako makahinga sa sarap ng labi niya.

----------------------------

A/N: hi, hello! This is my second update this year! Haha, I hope matapos ko na 'tong story na 'to. OMG! Today is August 10, 2023 and nirelease na ni inang Taylor Swift TODAY ang confirmation ng releasing date ng 1989 (Taylor's Version) album. Ngayong October 27, 2023 na! Can't wait na talaga huhu, ayon lang ang update. Mwamwa, love you all, kamsarang!

Red, Set, Go! (Rainbowed Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon