YAKAP

5 2 0
                                    

~•~

"Alli! Bilisan mo nga diyan! Hugasan mo na 'tong mga plato, kaninang kanina pa yan diyan. Hindi ka talaga marunong magkusang bata ka, kailangan pang paulit ulit sabihin sayo bago mo gawin." Dinig kong sigaw sakin ng nanay ko mula sa kusina.

Andito ako ngayon sa kwarto nagrereview, kung saan kasama ko ang isa ko pang nakababatang kapatid na babae, si Rica. Dalawang taon lang ang agwat namin. Kagagaling ko lang mula sa trabaho, working student ako. 3rd year AB in Journalism.

Ang hindi ko lang maintindihan kila mama, Bakit hindi yung kapatid ko ang utusan nila kahit paminsan lang? Modular lang siya, at walang ibang ginawa kundi tumutok sa cellphone magdamag.

"Rica, pasuyo naman muna ng hugasin, galing pa akong trabaho. Tsaka nagrereview pa ako, may major exam kami bukas." Matamlay na boses na pakiusap ko sa kapatid ko dahil sa pagod.

"Ano ba naman yan 'te. Naglalaro ako, Rank 'to. Nakakahiya sa kalaro ko kung mag AFK ako no." Pasaring na sagot niya.

Kailan ba ako sinunod ng kapatid ko? Halos wala na din yung galang niya sakin, hay. Nagpapasalamat nalang ako dahil kahit papano ay tinatawag niya parin akong ate, at hindi sa pangalan lang.

"Alli ano ba! Kanina ka pa inuutusan ng mama mo ah!" Hindi na ako nag hintay pa na pasukin ako dito sa kwarto nung marinig kong sumigaw si papa.

Sinara ko ang reviewer ko at tumayo sa pagkakaupo at saka pumunta na sa kusina para magsimulang hugasan ang mga plato, para kaagad na rin akong matapos at maituloy yung pagrereview ko.

"Aba mabuti naman at lumabas ka pa. Wala ka nang ibang ginawa kundi umalis ng bahay, yung sinasahod mo hindi ko alam kung saan mo sinasayang, ni hindj mo manlang ako mabigyan para may maitulong ka naman dito sa bahay." Mahabang litanya ng panenermon ni mama nung makita niya akong naghuhugas.

Araw araw nalang ganito, halos ulit ulit lanv din ang sinasabi nila. Kapag dating sakin, napakarami nilang napupuna, pero sa kapatid ko, ni isa wala.

Dalawa lang kami ni Rica na magkapatid, pero bakit pakiramdam ko isa lang anak nila? Bakit pakiramdaman ko, si Rica lang pinapahalagahan nila?

Nakapag tapos ako ng SHS na may High Honors, halos taon-taon yon. Ganon din naman ang kapatid ko pero 'di hamak na mas matataas ang grado ko sa kaniya.

Magkaiba kami ng school na pinasukan nung HS.

Nung nag graduate ako ng SHS, kasabay din ng Graduation ng kapatid ko para sa JHS. Alam niyo yung masakit? Both parents ko nagpunta sa Graduation niya, hindi manlang nila ako inisip. Isipin niyo yung kahihiyan na lahat ng kaklase ko kasama both parents sa pag akyat sa stage at i-abot ang diploma sa kanila at isuot ang mga medalya na pinaghirapan nila.

Ako? Adviser ko nalang ang nag abot sa akin, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung araw na iyon. Kung magiging malungkot ba ako dahil hindi nila ako pinuntahan? Oh magiging masaya kasi sa wakas, natapos ko, nakayanan ko. Nagawa ko, ng mag isa. Ng wala sila.

"Hoy! Kanina ka pa tinatawag ng mama mo ah! Anong tinutunganga mo diyan?!" Naalis ako sa malalim na pag iisip habang naghuhugas ng plato nung naramdaman ko ang pag batok sakin ng papa ko.

Mabigat ang kamay ng papa ko kaya nasaktan ako s aginawa niya pero hindi ko nalang pinahalata iyon.

"B-Bakit po ma?" Hindi ko mapigilang mautal nung nagsalita ako at hinarap si mama ko na nakaupo sa may sofa sa sala.

"Bigyan mo ng pera yung kapatid, may gala daw sila ng kaibigan nila bukas. Wala akong pera ngayon." Sambit ni mama.

"Pero ma, wala po akong pera, sakto lang yung hawak ko pamasahe hanggang biyernes, wala pa po akong sinasahod." Tugon ko naman na siya ring pinagsisihan ko.

"Wala nanaman?! Palagi nalang wala! Ano ka ba namang klaseng anak at ate! Walang kwenta." Tumagos sa puso at utak ko yung mga binitawang salita ni mama.

Hindi ko napansin na sobrang diin na pala ng pagkakahawak ko sa plato na hinuhugasan ko kanina, sa hindi malamang dahilan ay bigla ko nalang ito inihagis sa sahig.

Nakita ko ang gulat sa mukha nina mama at papa na pinasadahan ng tingin yung basag na plato s asahig at saka ako nilingon.

Nakaramdam ako ng matinding kaba nung nakita ko na papalapit sakin si Papa at malakas akong sinampal.

Hindi ako nakagalaw sa pwesto ko at nananatiling nakaharap sa gilid ko ang mukha at saktong nakita ko ang kapatid kong pinagmamasdan ako mula sa pintuan ng kwarto.

Isa isa hanggang sa tuloy tuloy na ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko. Umaasang kaaawaan ako ng kapatid ko at tutulungan pero mas sumakit ang dibdib ko nung makitang pumasok lang siya muli sa loob ng kwarto at sinarado ang pinto.

Ano bang kahibangan ang naisip kong tutulungan niya ako?

"Wala kang karapatan para umasta ng ganyan sa harapan namin ng mama mo Alli! Parang nanghingi lang ng pera, para sa kapatid mo ganyan ka na umasta ha!" Sigaw ni papa sa mukha ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumagot sa kaniya. Lakas loob ko siyang hinarap habang patuloy parin ang pagdaloy ng mga luha mula sa mga mata ko pababa sa pisngi ko.

"L-Lagi nalang ba si Rica? P-Pa? Ma? Isipin niyo din naman ako." Humahagulgol na sambit ko. Mas kumunot naman ang noo ng papa ko nung marinig ang mga salitang yon.

"Masyado kang maarteng bata ka, parang ganon lang!"

"Pa, kung para sa inyo w-wala lang yon. Napalaking s-suntok non sakin. Nap-papagod na po akong maging anino ng kapatid k-ko. Kailan niyo po ba akong makikita? Tanawin niyo naman po ako kahit isang b-beses lang na wala kayong kailangan sakin. K-Kamustahin niyo naman po ako. M-May panganay pa po kayo, hindi lang po isa ang anak niyo. May A-Alli din po, hindi lang Rica. Nangangailangan din po ako, naghahanap ng pagmamahal at aruga. Naghahanap ng makakausap kapag may problema. Naghahanap ng balikat na maiiyakan. N-Nahihirapan din naman po ako. Nananabik din ako sa yakap ng magulang na n-nagmamahal sa anak. Naghahanap ako ng yayakap sakin para sabihing "Kayo mo yan, andito lang kami para sayo."

"Pa, Ma... Lingunin niyo naman po ako, sakin naman po kayo humarap. Yakapin niyo naman din ako."

~•~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon