FIRST LOVE

24 8 0
                                    

Nakahiga ako sa kama habang binabasa lahat ng isinulat niya.

Hinanakit, saya, lungkot, marami. Hindi mo mabilang ang mga emosyon na mararamdaman mo habang binabasa ang mga iyon.

Tumitig ako sa may bintana at pinagmasdan ang mga bituin na walang pagod na magningning.

Namimiss ko na siya, kung sanang maibabalik lang ang oras ay gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang ibalik siya sa piling ko. Ang hirap ng wala siya, maraming bagay ang gusto kong gawin kasama siya pero di ko na magagawa ang lahat ng iyon dahil wala na..

Napagod at hirap na siya kaya umalis at iniwan na niya ako.

Naalala ko pa noong mayroong espesyal na araw at binigyan ko siya ng liham at bulaklak

Pero napakasaya niya nun. Kita mo sa mga mata niya ang kasiyahan dahil sa natanggap. Simpleng regalo pero para bang milyon milyon ang halaga niyon.

Napakasarap tignan ang mga ngiti niyang totoo at ang mga mata niyang pinipigilang maluha dahil sa saya.

Hanggang dumating yung panahon na hindi na niya kaya, iiwan na niya ako...

Gustuhin niya mang manatili ngunit suko na daw siya. Hindi na niya kaya pang matagalan ang hirap at di na niya ako makikitang umasenso sa buhay.

Hindi na niya ako makikitang umakyat sa entablado upang kunin ang diploma ko.

Hindi na niya ako makikitang sumaya sa magiging buhay ko at pamilya ko paglaki ko.

Hindi ko na mapaparamdam sa kaniya kung gaano ko siya kamahal at kung gaano kong gustong manatili siya sa tabi ko at huwag akong iwanan.

Ngunit wala na akong nagawa ng tuluyan na niya akong iwanan...

Iwanan, hindi para sumama sa ibang tao... Kundi iwanan at sumama sa liwanag..

Yung liwanag na magpapa ginhawa sa hirap at sakit na nararanasan niya...

Isinara ko ang Diary na pag mamay ari niya, na ngayon ay nasa pag mamay ari ko na...

Hindi messages, text o kung ano ang binabasa ko... Kundi ang Diary niya kung saan nakasulat ng gusto niyang sabihin na hindi niya masabi saamin..

Patuloy akong nakatitig sa mga bituin na kay sarap pagmasdan... Sana ay isa siya sa mga yan at pinapanood ako ngayon, sana ay nakikita nya kung gaano ko siya gustong mahagkang muli at sabihing mahal na mahal ko siya...

Hindi lalaki o kung sino ang tinutukoy ko buong kwento..

Kundi ang nanay ko na iniwan na ako at sumama sa liwanag...

Ang nanay kong hindi ko manlang naipakita kung gaano ko siya kamahal...

No one will ever replace you in my heart...

You'll be always my First Love Mom... I love you...

All rights reserved. KIM.YE.SOON♡

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon