PROMISE

23 7 0
                                    

"Babyyy!" Napalingon ako sa sumigaw, boses palang ay alam ko na kung sino iyon.

"Zhared, bakit nandito ka?" Nagtatakang tanong ko dahil hindi naman kame magkaparehas ng school na pinapasukan, pero nandito siya ngayon sa gate ng school namen at mukhang kanina pa naghihintay.

Hindi niya agad ako sinagot at niyakap sabay halik sa noo ko.

Nahiya naman ako sa ginawa niya dahil maraming estudyanteng nakakakita.

"Besh sayang yung guy noh?" Rinig kong bulong nung isang babae na nakakita sa ginawa ni Zhared sa akin. Hindi ko alam kung bulong pa ba ang tawag nila dun.

"Kaya nga, sobrang gwapo niya pa man din, kaso pumapatol sa kapwa niya lalaki hahaha." Rinig ko namang tugon ng isang kasama niya.

Pupuntahan ko sana yung dalawang babae nang biglang hinila ako ni Zhared palabas ng school. Huminto kami sa may nagtitinda ng fishball.

"Diba sabi ko sayo ay wag mo nalang papansinin ang mga ganun?" Sinabi niya yun habang hawak ang magkabilang pisngi ko.

Napanguso naman ako at sinagot siya. "Nakakasawa naman kase yung mga bulong nila. Ano bang magagawa ko kung nabuhay akong lalaki, at hindi babae." Namuo ang luha sa sulok ng mata ko habang sinasabi yun.

I'm gay, pero nagmamahal lang naman ako. Ganun na ba ang mundo ngayon? Hindi porket magkaparehas kayo ng kasarian ay lagi na kayong pagchichismisan?

"Hanggang bulong lang naman ang magagawa nila, dahil kahit anong mangyari ay ikaw lang ang pipiliin ko, i promise." Pagbitaw niya pa ng pangako, may tiwala ako sa kaniyang hindi niya babasagin yun dahil mahal niya ako.

"Aanhin ko ang babae kung meron naman akong isang Baby na sobrang mahal akooo." Pagpatuloy niya pa sa sinabi habang nakangiting, nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa sinabi niya.

"Yan, mas bagay sayo kapag nakangiti ka. Hanggat nandito ako hindi ko hahayaang mawala yang mga ngiti sa labi mo." Yan ang dahilan kung bakit mahal na mahal ko si Zhared.

Yung bawat salita at gawa niya ay napapasaya niya ako. Sa simpleng salita niya ay naipaparamdam niya sakin kung gaano ako ka espesyal sa kaniya.

Kumakain kami ng fishball ngayon at nagsusubuan ng biglang may tumawag sakin.

"Dimeeee!" Tinig ng babae. Unti unti itong lumapit sakin at nginitian ako. Si Myxie, ang girl bestfriend ko.

Matagal ko na siyang kaibigan at talagang sobrang saya ko na kaibigan ko siya dahil tanggap niya ang kasarian ko at tanggap niya kami ni Zhared.

Hindi siya tulad ng ibang tao na pinagdidirian ako.

"Oh Zhared nandito ka pala, ililibre mo nanaman ba kami ni Dime?" Masiglang tanong niya kay Zhared, at nginitian naman siya nito.

"Oo naman, kuha ka lang, ako magbabayad." Kapag nililibre ako ni Zhared ay pati siya nililibre din nito, wala naman yun sakin dahil kaibigan ko naman si Myxie at pinagkakatiwaan ko siya.

Natapos ang araw na yun ng nagpaalam na akong uuwi. Ihahatid pa sana ako ni Zhared pero sabi ko ay hindi na kailangan dahil mapapalayo lang siya dahil magkaiba kami ng daan pauwi.

Magkaparehas naman ng daan pauwi si Zhared at Myxie kaya madalas ay pinapabantayan ko kay Myxie si Zhared dahil baka may umaligid sa kaniyang babae.

Ilang araw ang nakalipas at ganun palagi ang nangyayari, pumupunta si Zhared sa school namen at ililibre. Tapos ay uuwi ako at uuwi sila..

Hanggang isang araw...

Lumabas ako ng school at walang naratnang Zhared na naghihintay sa gate. Siguro ay busy siya at may ginawa kaya hindi nakapunta. Hindi naman si Myxie dahil may sakit daw siya at baka bukas pa daw makapasok.

Wala naman na akong choice kaya umuwi nalang.

Sinubukan kong itext si Zhared at tawagan pero hindi niya sinasagot.

Kinagabihan ay dun ako nakarecieve ng text niya.

From:Baby♡
Sorry di ako nakapunta Dime.
Na Busy ako.
seen.

Napakunot naman ang noo ko sa pagtawag niya sakin, hindi niya ako tinatawag sa pangalan ko dahil simula naging kami ay Baby na ang tawag niya sakin.

Hindi ko nalang pinansin yun at nagtipa ng irereply sa kaniya, baka napagod lang siya sa ginawa kaya ganun.

To:Baby♡
Ayos lang, magpahinga ka na.
See you tom. I love you.
sent.

Pagkasend ko nun ay hinintay ko siyang magreply pero wala. Baka nakatulog na, hay hayaan ko na nga. Baka napagod.

Two weeks passed at kakaiba na ang trato ni Zhared sakin. Hindi na niya ako pinupuntahan sa school namen after class gaya ng dati niyang ginagawa.

Nagtetext nalang siya ng reason niya kung bakit di siya nakakapunta. Kapag naman nagsasabi ako ng I love you ay nag gu-goodnight lang siya.

Si Myxie naman ay di na din ako kinakausap, nakakapagtaka lang ang kinikilos nila kaya isang araw, after ng klase namen ay sinundan ko si Myxie.

Nakita ko siyang naglakad papunta dun sa may kanto na wala masyadong dumadaan na estudyante.

Pumasok siya dun kaya sumilip ako at sinundan siya ng tingin. Nakita ko namang may lalaking nakatalikod at tumakbo siya dun at niyakap. Humarap naman yung lalaki ng malamang nandun na siya.

Hindi ako makagalaw sa kitatayuan, tila napako ang mga paa ko sa sahig. Sa mismong oras na iyon ay naisip kong sana pala ay hindi ko nalang siya sinundan... Edi sana ay hindi ko makikita ang lahat ng ito...

Si Zhared, hinahalikan ang bestfriend kong si Myxie...

Hindi ko namalayang tuloy tuloy na pala ang pagbagsak ng mga luha sa mata ko.

Kaagad akong nagtago at sumandal sa pader upang di nila ako makita.

Wala akong magawa.. Gusto kong lapitan si Zhared at sampalin pero... Hindi ko kaya...

Hindi ko kayang makita silang magkasama...

Tsaka wala din naman akong laban kay Myxie, maganda siya, maputi, maganda ang hubog ng katawan, at higit sa lahat babae.

Babae siya at bakla lang ako.

I'm just a gay who fell inlove with a guy. Pero hindi ako ang mahal niya... Hindi ako ang tinitibok ng puso niya.

I found myself falling for you and at the same time, falling into pieces.

Yung matatamis na salita niya at mga nakakakilig na ginagawa ay tila naging isang memorya na lamang.

Isang memoryang alam ko sa sarili kong hindi ko malilimutan...

I love you at my best. I love you with all my heart. But you choose to break it, And I hate you for that.

I hate you for promising me that you'll love me.

Only me. But here you are...

Breaking your Promise with my bestfriend...

All rights reserved. KIM.YE.SOON

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon