WATTPAD CHARACTER

28 9 1
                                    

Naglalakad ako sa hallway ng school namen. Papasok na sana ako ng room nung biglang nagtilian ang mga babaeng naglalakad kanina, na ngayon ay napahinto dahil sa lalaking padating at nakangiting naglalakad papalapit sa akin.

Si Joash! My Ideal type of guy! Or let me say my crush.

By the way, ako nga pala si Janah Myla, JM for short. Isa akong Nerd. Yes, tama ang pagkakabasa nyo.

Pero hindi na ako yung type ng Nerd na hindi nagkakagusto sa isang tao at books lang ang palaging kasama. Dahil may isang lalaking nagpatibok ng puso ko, at yun si Joash.

Hindi mo maitatanggi ang kagwapuhan niya. Halos lahat ata ng babae sa Campus namen ay gusto siya.

Pero eto ang chika ko sa inyo. Close kami ni crush!

Palagi niya akong kinakausap, pag may nagbubully sa akin ay pinagtatanggol nya ako. Kapag kumakain naman ako sa Cafeteria ng mag isa ay sinasamahan niya ako. Sweet right?

Well ganyan talaga siya, bukod sa pagiging gwapo ay sweet siya at mabait.

Naalala ko tuloy nung unang araw ko siyang nakilala.

*FLASHBACK*

I was being bullied dahil sa pagiging Nerd ko. I wear huge eye glasses and brings a lot of books with me.

Nakaupo ako sa sahig ngayon at basang basa ng gatas at puno ng harina sa katawan. Pinapalibutan ako ng mga estudyante.

Nasa harap ko naman si Coleen yung babaeng palagi akong pinagtitripan, kasama niya ang dalawa niyang alipores na pangisi ngisi sa likod niya.

"Hindi ko alam kung bakit tinanggap ka pa dito sa School namen. Nakikita mo ba yung sarili mo? Hindi ka nababagay sa school na toh. Right girls?" Tanong niya sa mga alipores niya.

"Yes your right."

"Dapat sayo yung pinapahirapan para magkusa ka ng umalis dito sa school natoh" sabi naman nung isa pa.

Araw araw nalang nila akong pinagtitripan. Hindi ba sila nagsasawa? Hindi ko sila pinapansin dahil iniisip ko ay titigil din sila, pero hindi.

Wala silang sawa na mangbully. Pero ako? Sawa na akong masaktan at mapahiya sa ginagawa nila.

Tumayo ako at tinignan ng masama si Coleen. Napakunot naman ang noo niya sa paraan ng pagtingin ko sa kaniya.

"Sumusobra na kayo! Pinapabayaan ko lang kayo pero sobra na toh!" Sigaw ko.

"Aba aba, sumasagot ka pa ha." Pagkasabi niya nun ay inangat niya ang palad niya at handa ng sampalin ako. Wala naman akong magawa kaya pumikit nalang ako.

Ilang segundo na ang lumipas pero wala akong nararamdamang sampal galing sa kaniya kaya dahan dahan kong iminulat ang mata ko.

At dun ko nakita si Joash na hawak hawak ang kamay ni Coleen para pigilan ito sa pagsampal sakin. Nagbulungan ang mga estudyanteng nanonood dahil sa ginawa niya.

Bakit niya ginawa yun? Sikat siya sa School namen at isang di hamak na Nerd lang ako.

"That's too much Coleen. Stop this." Seryosong sabi niya.

"Let go of me Joash, wag kang mangialam!" Pilit niyang tinatanggal ang mahigpit napagkakahawak ni Joash sa kamay niya.

"Okay, madali akong kausap." Pagkasabi niya nun ay malakas niyang binitawan ang kamay ni Coleen dahil para muntikan na siya matumba, pero agad na alalayan ng mga alipores niya.

"Oras na makita ko pang hawakan mo si Janah ay hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." Nakakatakot ang pagbigkas niya ng salitang iyon. Hinarap niya ako at hinila paalis sa lugar na iyon.

Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko. Pero sa loob loobin ko ay nagpapasalamat ako dahil tinulungan niya ako.

Ngayon ko lang naranasan na may magtanggol sakin. Palagi akong mag isa at walang kaibigang napagsusumbungan. Kaya palagi akong nabubully.

Napatingin naman ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Hindi ko alam kung bakit pero ramdam ko na nag init ang pisngi ko habang pinagmamasdan ang kamay naming magkahawak.

Maya maya pa ay pumasok siya sa CR ng mga lalaki. Pinigilan ko siya bago pa kami pumasok dahil panlalaki yun at babae ako.

Tinignan naman niya ako at nginitian.

"Don't worry wala namang tao sa loob. Tutulungan lang kita linisin yung dumi na ginawa sayo noila Coleen." Pagkasabi niya nun ay hindi ko namalayan tumango ako sa kanita bilang pag sang ayon.

Pagkapasok namen ay sinarado niya ang pinto. Binuksan niya yung faucet at tinulungan akong linisin ang dumi sa mukha ko.

Hindi ko napigilang mapatingin sa kaniya at di ko inaasahang sobrang lapit ng mukha niya sakin.

Napalunok ako sa pwesto namen ngayon. Dahil humarap ng ako sa kaniya ay ngayon nakatalikod na ako sa salamin at nakaharap siya sakin.

Nagulat naman ako nung inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa may lababo. Bali naka kulong ako sa kamay niya.

Dahil sa ginawa niya ay mas lalong nalapot ang mukha niya sakin. Halos ramdam ko na ang mainit na paghinga niya sa labi ko.

"I'm sorry i was late. Pero pinapangako ko na hindi ko na hahayaang mangyari yun sayo ulit. I'll be always by your side. I'll be your knight in shining armor. I won't let them touch my girl again." Pagkasabi niya nun ay dahan dahan siyang lumapit kaya hindi ko na napagilan ang sarili kong pumikit.






"HOY JM! Kaninapa kita ginigising mag hugas ka na ng plato dun! Tinanghali ka nanaman ng gising, kakapuyat mo yan para mag wattpad! Nakanguso ka pa habang natutulog, kahit sa panaginip walang magkakagusto sayo noh! Tumayo ka na diyan!" Nagising ako sa ingay ng nanay ko.

Panaginip lang pala yun...

And that guy was just my ideal man in Wattpad world.

Sad to say but he don't exist in real life.

He exists in a book but not in reality.

The guy that i love is only a Wattpad Character...



All rights reserved. KIM.YE.SOON♡

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon