Chapter 8

2.1K 89 37
                                        


"So kamusta naman ang matulog ng magdamag sa isang hotel room," ang tanong ni Carlos sa kaniya.

Isang malapad na ngiti ang isinagot niya sa kaibigan at nagtaas ang kaniyang dalawang kilay bago niya inilagay ang mga daliri sa kaniyang mga labi para imuwestra na tila ba isang zipper ang kaniyang bibg na kaniyang isinara.

"Whoah! May paganiyan na siya mukhang seryoso na kay...ano nga pangalan?" ang sabat ni Canaan.

"Regine!" ang kaniyang natatawang sagot sabay dampot niya ng chicharron sa plato at isinawsaw niya iyun sa mangkok na may laman na sukang maraming sili at sibuyas. Sabay diretso niyun sa loob ng kaniyang bibig at maingay niyang nginuya.

"Naks! Pati pangalan natandaan," ang buska naman ni Rauke sa kaniya.

"Akala namin na sa sobrang kaabalahan mo eh, hindi mo nabasa yung message namin sa iyo, eh hindi ka na nga namin magawang tawagan at baka makaistorbo kami sa iyo," ang sabi ni Carlos sa kaniya.

"Malamang nahuli ka ng mga barangay sa Pedrosa kung lumabas ka pa ng hotel. Hindi nga rin namin alam na mayroon palang curfew kung di pa sinabi nina Claudine sa amin kaya ayun, nagpalipas na rin kami sa kanila ng gabi lalo pa at mukhang sineryoso na ni Carlos si Claudine, nice pre parehong C!" ang pagkukuwento ni Canaan.

Hindi na siya sumagot pa tungkol sa curfew at mabuti na lang ay nagkaroon ng paraan para malayo ang kuwento sa kaniya.

Kumunot ang kaniyang noo at tiningnan niya ang kaibigan na si Carlos, hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Canaan na sineryoso na ni Carlos si Claudine. Nababliw na ba ito?! ang sabi ng kaniyang isipan.

"Seryoso?" ang kaniyang paninigurado na tanong at ang kaniyang tanong ay nakatuon kay Carlos na nagkibit lang ng mga balikat nito. Kumunot ang kaniyang noo kasabay ng pag-atras ng kaniyang ulo.

"Nababaliw ka na ba Carlos?" ang kaniyang tanong sa kaibigan at gusto niyang ipaalala rito ang tunay nitong kalagayan.

"Hindi pa, wala namang masama dun," ang sagot ni Carlos sa kaniya.

"Ugh, ewan baka nakakalimutan mo,"- at pare-pareho silang natigilan nang marinig nila ang boses ni Emeraude na papalapit sa may dining area at kasunod niyun ay ang boses ni Presley. At kung bakit parang nilukuban ng kaba ang kaniyang dibdib nang marinig na niya ang pamilyar na boses nito. May kalakihan ngunit iyun may hagod ang dating na masarap sa tenga.

"Uhm, niya yata," ang narinig niyang sabi ni Emeraude at mas malakas na ang mga boses na kanilang naririnig.

"Nino? Ni Alaric?" ang narinig niyang tanong ni Presley nang marating na ng mga ito ang entrada ng dining area at tumambad na sa kaniyang mga mata ang maganda nitong mukha.

Umiling si Emeraude, "hindi... siya," ang sagot ni Emeraude at napadpad ang dalawang pares ng mga mata sa kaniyang direksiyon at sa mga mata ni Presley tumama ang kaniyang paningin. At kung hindi siya nagkakamali ay natuwa rin ito na makita siya dahil nakita niyang nag-blush hindi lang mga pisngi nito kundi ang buong mukha nito ay namula.

"Hi! Presley baby," ang kaniyang bati kay Presley habang malapad ang pagkakangiti sa kaniyang mga labi at ang mga kulay asul niyang mga mata ay nakangiti rin.

"Are you kidding me?"! ang hlos pasigaw na tanong nito. Oo hindi siya nagkamali, excited itong makita siya.

Mabilis na tumayo si Alaric para i-rescue ang sandaling iyun dahil sa biglang tumalikod si Presley para kumaripas ng alis. Mabilis na nahawakan ni Alaric ang braso ni Presley para pigilan ito ngunit mabilis din naman na binitiwan iyun ni Alaric na mukhang nahiya sa ginawa nito.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon