Nagpatuloy sa paglalakad si Lucas sa kahabaan ng kalsadang nalaman niya lang mula kay Seth na Guerreo Street. Gusto naman siyang pahiramin ni Seth ng motorsiklo nito ay mariin na siyang tumanggi. Nakiusap na lang siya na ihatid siya nito sa isang lugar na malapit lang sa bahay ng mga ito na maaari siyang magpalipas ng kaniyang oras dahil sa kahit pa hindi siya naiinip sa bahay nina Gab kasama ang mga anak nito ay hindi pa rin naman maalis sa kaniyang isipan si Presley na kasama ni Haiden sa mga sandaling iyun.
Pagkatapos siyang ihatid at magpalipas ng ilang oras ni Presley sa bahay nina Gab at Seth, na malugod siyang tinanggap para magpalipas ng gabi, ay nagpaalam naman na si Presley para sa usapan nito na pakikipagkape kay Attorney Haiden na duda siya na simpleng pagkakape lang ang balak nito kay Presley.
Malamang sa alamang ay nagbabalak pa na yayain nito si Presley ng isang date sa gabi. Pasakalye lang ng lalaking iyun ang pakikipagkape kay Presley. Naumpisahan nang pagbigyan ito ni Presley at siguradong hihirit na naman ito nang pangalawa, pangatlo, hanggang sa hindi na iyun mabibilang pa at tuluyan nang magkakalapit ang dalawa. Ang kunot noo niyang sabi sa sarili habang binabagtas niya ang sidewalk ng mahabang kalye na sunud-sunod ang magagarang mga tindahan ng mga damit, gadgets, sapatos, at mga mukhang sosyal na kapihan at kainan na duda siya kung papapasukin ang isang katulad niyang naka-kupas na kamiseta, kupas na pantalon, at ang tanging baon niyang sapatos ay ang kaniyang cowboy shoes. Napansin din niya na pamilyar na rin ang lugar na iyun para sa kaniya dahil sa malapit na doon ang kapihan ni Ash Piedrablanca na naging malapit na rin nilang kaibigan mula nang tinulungan sila nito.
Tiningnan niya ang oras sa suot niyang relo na tanging mamahaling bagay na nasa kaniyang katawan dahil sa mula pa iyun sa kaniyang namayapang ama. Kaya naman iyun ang pinakamahal na pag-aari na mayroon siya.
Nakalipas na yata ang dalawa o tatlong oras at malapit nang lumubog ang araw. Magkasama pa rin kaya yung dalawa? Baka mauwi na sa hapunan ang ang simpleng pakikipagkape lang ni Presley dito.
Huminto siya sandali sa tapat ng isang kapihan. Sumulip-silip pa siya sa loob mula sa malinaw na salamin na nagsisilbing dingding nito at nagbabakasakali siya na makita niya ang dalawa sa loob, pero walang magandang Presley at walang pangkaraniwang hitsura na lalaki na si Haiden siyang nakita sa loob.
Muli siyang humakbang papalayo sa tabi ng coffee shop at tumayo sa side walk sa gilid ng kalsada at pinagmasdan sandali ng kaniyang mga mata ang abalang kalsada na pinalamutian ng mga taong sing-abala rin ng mga sasakyan sa paglalakad patungo sa kung saan.
Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at hindi wala sa kaniyang sarili na tinapik-tapik ng kaniyang kamay ang harapan na bulsa ng suot niyang maong na pantalon at nadama ng kaniyang palad ang kaniyang telepono.
"Ugh," ang kaniyang naiinip nang sambit at dinukot ng kaniyang kanan na kamay ang teleponong nasa kaniyang bulsa at gumawa siya ng tawag sa unang numero na nasa kaniyang call history. Idinikit niya ang telepono sa kaniyang tenga at hinintay niya na sagutin nito ang kaniyang tawag. At hindi naman siya nabigo.
"Hello?" ang sagot ni Presley sa kabilang liny ana nagdulot ng malapad na ngiti sa kaniyang mga labi. Pero pagkatapos niyun ay agad na nabura ang ngiti sa pisngi niya at nag-isip siya agad ng dahilan kung bakit siya tumawag dito.
"Presley? Puwede mo ba akong tulungan?" ang mabilis niyang sambit. Sigurado siya na kapag nalaman ni Presley na kailangan niya ang tulong nito ay hindi siya nito tatanggihan.
"What? Bakit anong nangyari?" ang tanong ni Presley sa kaniya na kahit pa mahina ang boses nito ay nabakas niya ang pag-aalala sa boses nito kaya naman mas lalong lumapad pa ang ngiti sa kaniyang mga labi.
BINABASA MO ANG
COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)
RomansaStrictly for mature readers only! 18 and up! Please be guided. Rascal! Playboy! Akyat kwarto! Iyan ang mga taguri kay Lucas Malvar na nagmamay-ari ng Rancho Oasis sa Villacenco. Seryoso siya sa pagtatarabaho sa rancho, pero never sa pag-ibig at sa...