Nakaupo si Lucas sa silya na kapareha ng office na table na matagal nang ginagamit ng kaniyang papa na sa pagkakaton na iyun ay siya na ang gumagamit.
Idinikit pa niya nang husto ang telepono sa kaniyang tenga at nakangiti siyang pinakikinggan ang boses ni Presley. Nang malaman niya na nagtungo ito sa Manila ay nagsimula na siyang hindi mapakali. Parang inapuyan ang kaniyang puwet at paa na hindi na niya magawang maupo at hindi niya magawang mapirme.
Kakaiba ang kaniyang pakiramdam para bang nasa Villacenco ang kaniyang sarili pero ang kaniyang diwa ay nasa Maynila dala ni Presley.
At para lang magkaroon siya nang paraan na marinig kahit man lang ang boses nito ay kaniyang marinig. Kaya naman ang tanging paraan na lamang na naisip niyang dahilan ay ang tawagan ito para magtanong patungkol sa papeles at kontrata na kanilang piprmahan para sa kanilang partnership.
At tagumpay nga ang kaniyang naging plano habang malapad ang ngiti sa kaniyang mga labi at pinakikinggan niya si Presley. Hindi niya maiwasan na maisip ang imahe nito habang kausap niya ito sa kabilang linya.
Malapad ang ngiti sa kaniyang mga labi nang biglang bumukas ang pinto ng silid nang kaniya nang opisina at nanlaki ang kaniyang mga mata nang mabilis na nagsipagpasukan ang kaniyang mga kaibigan at nagsimula nang maging maingay sa loob ng silid.
"Huy! Bakit wala kang paramdam!" ang malakas na tanong ni Carlos paghakbang nito papasok ng silid.
"Anong ginagawa mo?" tanong naman ni Canaan na naupo sa isa sa mga silya na nasa harapan ng malapad na lamesa.
"Sinong kausap mo diyan ha? Langya! Parang teenager na kinikilig nakangiti pa!" ang pambubuska naman ni Rauke na naupo sa isa pang silya sa harapan ng kaniyang mesa.
Nang agawin ni Carlos na nakatayo sa kaniyang likuran ang telepono na kaniyang hawak.
"Huy! Ano bah!" ang malakas niyang angal sa kaibigan na hindi nakuha ang telepono dahil sa mahigpit niyang nahawakan ito. At kinunutan niya ng noo ang kaibigan na idinikit ang mukha nito sa kaniyang mukha para ilapit ang bibig sa hawak niyang telepono.
"Hello! Si Regine ba iyan?"! ang narinig niyang tanong ni Carlos. At mabilis na nalaki ang kaniyang mga mata.
"Hinde!" ang kaniyang sigaw sa kaibigan sabay layo niya ng telepono rito at kinunutan niya itong muli ng kaniyang mga kilay.
"Partner ko ito, si Presley," ang mariin niyang pagtatama kay Carlos na napaatras ang mukha nang marinig ang kaniyang sinabi.
"Wow! Partner na?"! ang natatawang tanong ni Rauke na ipinatong pa ang kaliwang siko nito sa ibabaw ng kaniyang mesa habang natatawa ito sa kaniya.
"Ilagay mo sa speaker!" ang utos naman ni Carlos sa kaniya na naupo sa gilid ng mesa sa kaniyang harapan.
Mas lalong kumunot ang kaniyang noo dahil sa panggugulo ng kaniyang mga kaibigan.
"Sus! Mga istorbo naman!" ang kaniyang angal at iniiwas niya ang kaniyang telepono sa mga ito.
Hindi niya pinagbigyan ang sinabi ni Carlos. Si Canaan naman ay tumayo mula sa pagkakaupo sa silya at ipinatong naman nito ang mga siko at dibdib sa mesa para makalapit sa kaniya.
"Hi Presley! Miss you! Aw!" ang sambit naman ni Canaan na napahiyaw nang idiin niya ang kaniyang kamao sa bumbunan nito.
"Say hi for me to them Lucas," ang narinig niyang sabi ni Presley sa kabilang linya, "sige na, I have to hung-up baka nariyan na yung kasama namin," ang dugtong pa nito sa kaniya. At nanghihinayang man siya na mapuputol na ang kanilang pag-uusap ay wala naman na siyang nagawa kundi ang magpaalam at kailangan na rin niyang tapusin ang pang-iistorbo niya rito.
BINABASA MO ANG
COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)
RomanceStrictly for mature readers only! 18 and up! Please be guided. Rascal! Playboy! Akyat kwarto! Iyan ang mga taguri kay Lucas Malvar na nagmamay-ari ng Rancho Oasis sa Villacenco. Seryoso siya sa pagtatarabaho sa rancho, pero never sa pag-ibig at sa...