"AHHH! Piste ka talaga kahit kailan, bad dog! Bwesit!"
Pulang pula ang mukha ko nang tignan ko ang aking sarili sa salamin dahil sa galit at kakasigaw na alam kong dinig na naman sa buong mansion ng mga Rouvstein. Mabuti na lamang at sanay na sila dahil kung hindi ay pabubukain ko talaga ang lupa para kainin na 'ko nito dahil sa kahihiyan. Muntik pa ngang ipa-sound proof ang kuwarto ko e dahil sa kakasigaw ko tuwing may ginagawang kalokohan si Sher. Ang lalaking 'yon talaga!
Paano naman kasi, may mga sulat ang mukha ko. Mabuti na lang talaga at ballpen lang ang ginamit dahil makakapatay talaga ako kapag marker. Ang hirap pa man din tanggalin no'n.
Tanghaling tapat kasi kaya natulog muna ako tapos paggising ko ay may mga sulat na ang mukha ko.
Inis akong kumuha ng towel sa drawer saka pumunta sa lababo at binasa ito. Kumuha ako ng alcohol saka ito ibinuhos sa basang towel at dahan dahang ipinunas ito sa aking mukha na may tinta ng ballpen.
Nang maalis ko na lahat ang mga nakasulat na kung anu-ano ay napabuntong-hininga ako. Kailan kaya matatapos ang parusang 'to? Oo, parusa talaga. Tch!
"Sana si Sun na lang talaga ang nagrerebelde e. Edi sana mas nag-enjoy pa ako!"
Inis kong ibinagsak ang hawak na towel sa lababo saka napahilamos sa mukha. Tumingin ako sa salamin saka tinitigan ang mukha ko rito. Halata sa mukha ko ang matinding stress. At kasalanan 'to no'ng kumag na ang pangalan ay Sher. Grr! Sisirain ko talaga ang mukha no'n!
'Pero sayang self ang napakaguwapo at napakakinis niyang mukha. Dinaig ka pa sa kakinisan.'
"Anong guwapo?! Makinis ang mukha niya pero hindi siya guwapo. Mukha kaya siyang unggoy! Isa siyang unggoy!" sinamaan ko ng tingin ang repleksiyon sa salamin.
"Sinong unggoy? At sino naman ang kausap mo diyan? Nababaliw ka na talaga."
Napaigtad ako nang may biglang magsalita sa likuran ko. Pamilyar ang boses nito kaya mabilis akong lumingon dito para makumpirma ang hinala ko.
"Hi, my dear cousin. Miss me?" ngumisi ito saka sumandal sa pintuan kaya malamig ko itong tinignan.
"Anong ginagawa mo rito—"
"What? Bawal na ba ako dito?"
"—Sheerah Nyx Walter?." sinamaan ko ito ng tingin dahil pinutol nito ang sasabihin ko. Pasingit singit pa rin talaga kahit kailan.
"Oh, come on! I'm your cousin, Reeva. Binibisita ko lamang ang pinsan kong maarte."
"Oh? Well, ayos naman ako. Kaya makakaalis ka na. Hindi ko kayo or kita kailangan dito. Bukas ang pinto, pakisara na lamang kapag nakaalis ka na." inimuwestra ko rito ang bukas na pinto saka siya tinalikuran.
"Well, hindi naman talaga ikaw ang ipinunta ko rito. Hindi din ikaw ang kailangan ko. Dumaan lamang ako para kumustahin ka."
"That's good then." humarap ako rito saka sumandal sa lababo at pinagkrus ko ang mga braso ko.
"Assuming ka pa rin talaga kahit kailan, Reeva. Kaya ka nasasaktan e. Binibigyan mo palagi ng mga malisya ang mga sinasabi or ipinapakita ng mga tao." naaawa ako nitong tinignan.
Dahil sa sinabi niya ay bigla na lamang nagplay sa utak ko ang mga nangyari dati dahilan para bumalik ang sakit.
"Leave, Sheerah. Habang nakakapagtimpi pa ako." galit ko itong tinignan saka ikinuyom ko ang aking mga kamay.
Nang tignan niya ang aking mga kamao ay mabilis kong itinago ito sa aking likuran saka huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili.
"Oh, bakit? Sasaktan mo rin ako kagaya ng ginawa mo kay—"
BINABASA MO ANG
TAMING THE PRODIGAL SON
RomansMeet Reeva Nyx Walter, the woman who will tame and refine the prodigal son of her billionaire family. Meet Sher Rouvstein, the man who will be tamed by Reeva. What will happen when they realize that they have fallen for each other, even though they...