SIMULA

30 6 2
                                    

"ILAMPASO na 'yan! Ilampaso na 'yan! Ilampaso na 'yan!

Napangiti ako sa sigaw ng mga tao matapos kong patumbahin ang limang katao. At ngayon naman ay kalaban ko ang pinakaleader sa grupo nila.

Nasa underground kasi ako at hinahanap lang naman ang prodigal son ng amo kong bilyonaryo. Pisteng buhay 'to.

Kung hindi ko lang talaga itinuturing na tatay ang amo kong 'yon ay hindi ko gagawin ang pabor niya.

Parang sa wattpad na kasi ang ayos namin e. Kung gagawa man ako ng story ay Taming the Prodigal Son of the Billionaire ang gagawin kong title.

Pero hindi ma-i-in love si girl which is ako kay boy which is ang anak no'ng amo ko. Kadiri kasi, like yuck talaga. So gross!

Alam niyo ang gagawin ko kay boy? Papatayin ko lang naman para manahimik na. Masyado na siyang sakit sa ulo ni Tatay.

Napailag ako nang umamba ng suntok ang kaharap saka ikinuyom ko ang aking kanang kamay at sinuntok ito sa tiyan dahilan para mapa-igik siya at mapaatras saka bumagsak. Napayuko ito habang sapo-sapo ang kaniyang tiyan. Paniguradong namimilipit siya sa sakit ngayon dahil talagang pinuntirya ko ang weakness spot niya.

"Weak naman ng leader niyo. Hindi na ako magtataka na pati kayo ay mahihina. Wala man lang kayong laban sa magandang katulad ko. So boring!" napangisi ako ng makita ko ang dumaang galit sa mga mata ni Andrei, ang leader ng mga hunghang na humamon sa akin pagkapasok ko pa lamang sa loob nitong underground.

May hahanapin lang naman ako tapos bigla ba naman akong hahamunin. Syempre pumayag ako para naman mailabas ko ang galit ko sa pesteng lalaking 'yon. Kasalanan na nila iyon kung namimilipit sila sa sakit ngayon.

Alam naman nilang hindi ako magandang kalaban dahil sanay na sanay ako sa mga labanan kahit madugo pa iyan.

"Oh? Bakit ang sama mo makatingin? Totoo naman ah? Nasaktan ba ang ego mo kasi hindi ka na makatayo dahil sa isang suntok lang?"napahalakhak ako nang mas mainis ito.

Tumayo ito kaya mas napangisi ako. Inaasahan ko na ito na makatatayo pa rin siya. Hindi naman kasi basta basta ang mga leader ng mga gang dito. Well, sa tingin ko bago lang ito kaya nacurious na kalabanin ako. Sadyang iniinis ko lang siya kanina para mas maganda ang laban.

Tumakbo ito papunta sa akin kaya inihanda ko na ang sarili. Nang malapit na siya sa akin ay bigla itong nadapa dahilan para lumagabog ang sahig kaya bigla akong napahagalpak. Tinignan ko ang dinaanan nito saka ako napangisi. Nakita ko ang isang mangga doon na dahilan siguro ng pagkadapa niya. Kung tatanungin niyo ako kung saan galing ang mangga? Galing lang naman sa crowd, pansin ko na may nagbato nito kanina. Mga gago talaga.

Natahimik naman ang mga nanonood sa amin saka biglang napasigaw nang malakas ang mga nasa labas ng ring sa tuwa saka isinigaw ang codename ko sa underground.

"Nightmare! Nightmare! Nightmare!"

"T-ngina, akin ka na lang Nightmare!"

"Ang cool mo talaga, Nightmare!"

"We love you, Nightmare!"

"Anakan mo ako, Nightmare!"

"Gago! Wala kang matres!"

"Pake mo!"

"Oh ano, suntukan na lang tayo!"

"Sige bah!"

Natawa ako ng magsuntukan na nga ang dalawang lalaking sumisigaw kanina na anakan ko daw at ang sumalungat dito. Mga baliw talaga. Bago pa magkapatayan ang dalawa ay sumigaw na ako para patigilin sila.

"Tama na 'yan, Ivan, Mark." sambit ko sa pangalan ng dalawa ng makilala ko ang mga ito.

"Nasaan siya?" tinaasan ko sila ng kilay saka lumabas na sa ring at lumapit sa kanilang dalawa at napasimangot.

TAMING THE PRODIGAL SONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon