002: CHILDHOOD FRIEND

16 2 0
                                    

"REEVA, balita ko may nagbigay daw sa'yo ng bulaklak kagabi? Kanino galing? Sa manliligaw mo ba? Sino 'yan at bakit hindi ko alam na may manliligaw ka na?"

Napairap ako sa sunod-sunod na tanong sa akin ni Uncle Xerxes. Akala mo naman kung sinong protective e halos ipagtulakan na nga ako kay Sher dati. Kadiri.

Naalala ko na naman tuloy ang nangyari. Ganito kasi 'yon, nagreport kasi sa akin ang isa sa mga tauhan ko na nagpunta na naman si Sher sa isang Casino.

Eh ang casinong 'yon ay may pinapainom sa mga customer nila para maadik sila kakalaro kaya maraming mga tao ang nagwawaldas ng malaking pera. Meron pa nga ay puro utang na para lang makalaro.

At paano ko nalaman ang mga ito? Dahil ang uncle ko ang nagpapatakbo nito. Hindi rin naman siya magalaw ng mga pulis dahil malawak ang koneksiyon niya. Kaya dahil ako ang bantay ni Sher ay pinuntahan ko ito doon.

"Uncle, si Sher? Nasaan?" tanong ko kay Uncle nang makarating sa loob ng office niya dito sa casino na busy sa mga babae niya. Talagang 'mga' kasi apat daw ba ang nasa tabi niya. Hindi ko naman sila masisisi, kasi talagang guwapo ang uncle ko. Hot pa saka mayaman, kaso playboy. By the way, he's 31 years old. Matibay hindi ba? Kahit may edad na nagagawa pang lumandi. Sabagay, single naman kasi siya.

"Sher? Sher Rouvstein?" nagtatakang tanong nito sa akin saka humithit sa hawak niyang sigarilyo.

Tinanguan ko ito saka sumilip sa malaki nitong bintana. Gawa ito sa glass kaya kitang kita ang mga naglalaro sa ibaba. Nasa itaas din kasing parte itong office niya na talagang ipinagawa para masilip ang mga manlalaro na nasa ibaba.

Inilibot ko ang tingin ko sa ibaba. Nang matagpuan si Sher ay napailing na lamang ako. Umiinom ito ng alak na may laman noong sinasabi kong dahilan para maging adik ka kakalaro. Tsk!

"Uncle!" sigaw ko kay Uncle Xerxes na nagulat dahil naibuga nito ang iniinom na rum. Pinanlakihan ako nito ng mata kaya napairap ako.

"Girls, labas muna kayo. Mamaya na kayo aasikasuhin ni Daddy." malanding sabi nito kaya napahagikhik naman ang mga babae niya kalaunan ay napaismid ang mga ito sa akin saka ako inirapan.

"Titingin-tingin niyo diyan? Tusukin ko mga mata niyo e, gusto niyo?" tinaasan ko sila ng kilay kaya napairap na lamang sila saka mabilis na lumabas sa room.

"Huwag mo namang takutin ang mga bebe girls ko." pabirong usal nito saka naglakad  papalapit sa akin at tinabihan ako. Sinundan nito ng tingin ang kanina ko pang tinititigan saka siya tumango

"Bebe girls talaga? Kadiri. Baka mga bebe damulag mo? Tss." inis na usal ko saka tinuro ang kinaroroonan ni Sher.

"Bakit?"

"Anong bakit? Sinabi ko na sa iyo na huwag na huwag mong papayagan na papasukin 'yan dito e! Binayaran ka na naman ano? Napakamarupok mo talaga pagdating sa pera." inis ko siyang tinignan saka mahinang sinipa sa binti.

Hindi naman ito nagpakita ng emosyon kaya parang balewala lang sa kaniya ang pagsipa ko. Asar talaga! Sisipain ko na sana siya uli pero lumayo ito sa akin dahilan para mapasimangot ako.

"Boyfriend mo na ba 'yan?" seryosong tanong nito sa akin kaya natawa ako.

"What? Palagi kang nakasunod diyan e." tinitigan ako nito kaya natigil ako sa pagtawa. Akala ko ay nagbibiro lamang siya.

"He's not my boyfriend. Hindi ako ang naghahabol sa lalaki, Uncle Xerxes. Kasi ako ang hinahabol." sumimangot ako rito.

"Pero bagay kayo. Kung gusto mo, kakausapin ko si pareng Sherwin para maikasal na kayo. Paniguradong magaganda ang lahi ng mga magiging anak ninyo. " seryosong ani nito saka itinaas baba ang dalawa nitong kilay kaya nandidiri ko siyang tinignan.

"Kadiri ka! No way!" umarte akong parang nasusuka.

Napabalik ako sa kasalukuyan nang may pesteng sumampal sa akin. Mahina lang naman ito pero masakit pa rin. Sinamaan ko ng tingin ang pesteng salarin. Sarap manuntok.

"Chill! Tinatanong lang naman kita kung sino ang nagbigay ng mga bulaklak sa iyo tapos natulala ka na diyan. Alam ko namang guwapo ako pero huwag mo namang ipahalata, pamangkin." ngumisi ito sa akin saka humagalpak.

Nangasim naman ang mukha ko saka nandidiri siyang tinignan. Kahit kailan talaga isa din itong peste e. Pasalamat siya mahal ko siya, pero syempre hindi ko sasabihin 'yon. OA pa man din ang uncle ko na 'yan.

"So sino nga?" pag-uulit nito pero seryoso na.

Ito ang gusto ko sa kaniya e, kaya kami nagkasundo. Noong lumayas ako sa amin ay siya ang kumupkop sa akin. Siya ang nagsilbing magulang ko sa edad na labintatlo. Siya ang nagturo sa akin maging malakas. Siya ang nagturo sa lahat ng mga nalalaman ko ngayon. Kaya kung may isa mang tao na hinding-hindi ko iiwan at hahayaang saktan ay siya 'yon.

Nakakainis siya minsan pero sweet at caring naman 'yan. Ibibigay niyan lahat ng gusto at pangangailangan mo. Napangiti ako bigla dahil sa mga naiisip.

"Wala lang 'yon, pare. Hindi ko nga din alam e. S ang nakalagay kaso may japanese kanji na hindi ko alam kung anong meaning. Pamilyar din pero hindi ko maalala kung saan ko nakita. Hayaan mo na 'yon, pare." confused kng ani rito saka kumuha ng isang beer na nasa lamesa saka ininom ito.

Umalis ito sa pagkakaupo niya saka lumapit sa akin saka ako inakbayan. Nasa tapat ko lamang kasi ito kaya mabilis siyang nakalapit sa akin.

"At sino naman ang tinatawag mong pare ha? Ikaw talagang bata ka!" sinakal ako nito gamit ang braso kaya nabulunan ako. Shuta!

"Akin na nga 'yan! Ang aga pa para sa alak." hinablot nito ang hawak kong beer saka pabagsak na inilapag sa lamesa. Kita mo 'to, napakabastos. Umiinom 'yong tao e. Inirapan ko ito saka kumuha ulit ng isa saka binuksan ito at tinungga.

"Napakatigas talaga ng ulo mo!" sigaw nito sa akin saka kumuha ng beer at binuksan ito.

"Mana sa'yo!" sigaw ko naman pabalik saka bumelat.

Makasigaw kami akala mo nasa bundok kaming dalawa e tapos magkaharap lang pala.

"Bakit ka nga pala nandito? Nagpaalam ka ba kay pareng Sherwin?" sinulyapan ako nito saka tinungga ang hawak nitong beer

"Wow, pinapunta mo ako dito tapos tatanungin mo kung bakit ako nandito? May sayad ka ba sa utak, pare?" inis ko siyang tinignan. Paano naman kasi, tumawag ito sa akin na pumunta daw ako sa bahay niya. At alam niyo kung anong oras siya tumawag? Syempre hindi. Alas tres lang naman!

"At syempre, nagpaalam ako. Ako pa! Mabait na bata ito e." nagmamalaki kong wika rito saka ngumisi.

"Nakabalik na siya." seryosong ani nito kaya nagtataka ko siyang tinignan.

"Ha? Sino?" nabura ang ngisi ko dahil parang kilala ko na kung sino ang tinutukoy niya.

"Siya." may galit sa mga mata nito na tumingin sa akin. Pero alam kong hindi para sa akin. Nang mag-sink in sa akin ang sinabi niya ay nabitawan ko ang hawak kong beer. Dinig na dinig ang pagkakabasag nito.

"Shit!" taranta kong ani saka tumayo.

"Okay ka lang? Hoy, Reeva!" nilapitan ako nito saka niyugyog.

"Mauuna na po ako. Pasensya na." lutang kong ani saka tinabig ang mga kamay nitong nasa balikat ko at mabilis na tumakbo palabas sa bahay niya.

Naglakad ako patungo sa park ng subdivision. Nang makarating dito ay naupo ako sa isa sa mga duyan.

"Nandito na siya. Ano na ang gagawin ko?" inipit ko ang dalawang kamay sa binti ko nang magsimula itong manginig.

Sariwa pa rin ang mga ala-ala sa nakaraan na pilit kong ibinabaon. At ngayong nandito na siya ay hindi ko alam ang gagawin kung sakali mang makaharap ko siya uli. Baka hindi ko na naman makontrol ang sarili ko.

'No. You can do this, Reeva. Nagsanay ka nang ilang taon para makontrol mo ang sariling emosyon. Huwag mong hahayaan na mapunta lang sa wala ang pagsasanay mo.'

"Yes, hindi ako puwedeng magpatalo sa kaniya. I can do this. Hindi ka puwedeng magpatalo sa kababata mo dati." pagpapalakas ko ng loob.

Ang kababata mong sinubukan kang gahasain...




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TAMING THE PRODIGAL SONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon